Espesyal na Kabanata

102 26 0
                                    

Jennifer POV

NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.

Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.

Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na rin ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ama na dating Alpha ay pinili na lamang na gugulin ang kaniyang mga natitirang panahon habang nabubuhay pa kasama ang kaniyang asawa na kay tagal niyang hindi nakasama.

Habang si Ate Clara naman kasama ang kaniyang asawa na si Kuya Vince ay napagpasiyahan na magpatuloy na lamang sa mundo ng mga mortal. Nagawang magsilang ni Ate Clara ng isang malusog na babaeng sanggol. At ang sanggol na iyon ay siya ding nagtataglay ng pagiging taong-lobo at mangkukulam, kagaya ko na isang hybrid.

Ipinagpatuloy namin ni Akira ang aming pag-aaral. Nailahad na din namin kina Lorilyn, Jeremy, at Lance ang aming tunay na pagkatao. Ngunit imbes na pagdudahan nila kami ni Akira o kaya naman ay katakutan ay mas namangha pa sila. Nanatiling sekreto sa pagitan namin ang lahat-lahat.

Siya nga pala, si Lorilyn at Lance ay opisyal ng magkasintahan. Hindi yata nakatiis ang dalawa at nagkaaminan na lamang ng wala sa oras. Habang si Jeremy naman ay hanggang ngayon wala pa ring love life. Hindi pa daw kasi dumadating yung babaeng magpapatibok ng puso niya.

Si Kuya Vince naman, dahil magaling siya sa paghahalaman, ay bumili ng exclusive at malawak na lote para kay Ate upang doon magtanim ng mga halaman na kakailanganin sa mga beauty products ni Ate. Naging negosyo na din ni Kuya Vince ang pagbebenta sa pamilihan ng mga prutas at gulay kaya mas lalo yatang yumaman ang aming pamilya. Paminsan-minsan ay tumutulong si Akira kapag wala siyang pasok sa eskwelahan dahil ang kurso niya ay may kaugnayan sa agrikultura.

Halos isang taon na pala ang nakakalipas simula noong mangyari iyon. Marami na ang nagbago. Nakakalungkot man na hindi na namin nakasama si Tita Amara nang matagal, ngunit sa nakikita ko, ginawa lamang niya ang bagay na alam niyang makakabuti sa aming lahat. I will always be thankful for her because of that.

Isang bagay ang napagtanto ko, hindi talaga maiiwasan ang mga trahedyang pangyayari sa ating buhay. Lahat tayo ay may kasamaan at kabutihan sa ating pagkatao. Pero isang bagay ang sigurado, ang pag-ibig ay makakapagligtas sa atin mula sa pagkalunod sa ating sariling kadiliman.

IT was Christmas eve.

Madaming putahe ang nakahain sa mahabang lamesa sa aming tahanan. Mga putahe na tanging tuwing Pasko lamang nasisilayan. Sa itaas ng ceiling ay buhay na buhay ang liwanag ng malaking chandelier. Sa paligid naman ng loob ng bahay ay makikita ang iba't ibang palamuti na binibigyang buhay ng mga nakasabit roon na Christmas lights. Meron ding isang malaking Christmas tree na nakatayo sa di-kalayuan. Kulay puti ito at napapalamutian ng kulay pulang poinsettia flowers. Sa ilalim naman nito ay nakalapag ang napakadaming regalo.

Nakangiti akong pinagmasdan ang aking paligid.

Si Ate Clara ay abala sa paghahanda ng hapag-kainan. Si Kuya Vince naman ay abala sa pag-aalaga sa kaniyang tatlong-taong gulang na anak. Her name was Clace, as in Kleys. Si Lance naman ay nakahiga sa isa sa mga sofa namin habang nakapatong ang kaniyang ulo sa mga hita ni Lorilyn. Kasalukuyang natutulog ang lalaki dahil napagod ito sa matinding training nila sa martial arts. Si Jeremy naman ay abala sa paglalaro ng Plants vs. Zombies. At si Akira naman ay kumakain ng isang green na mansanas habang nakaupo sa katabi kong stool.

Wala pa ngang hatinggabi ngunit nauuna na ang isang 'to sa pagkain. Ayaw din paawat, eh. "Ito na siguro ang pinakamasayang Christmas nating lahat," sabi niya saka tumingin sa akin.

Tama siya. Ito na nga yata. Ang pasko ngayon ay nagsisilbing reunion namin dahil halos lahat ng malalapit sa amin ay darating. Ngayong pasko lang kasi nagkaroon ng pagkakataon na available ang lahat.

Mga ilang minuto pa at nakarinig na kami ng katok mula sa pintuan. Ako na ang pumunta roon upang pagbuksan ang mga bisita na walang iba kundi ang mga magulang ni Akira, si Dani, at ang aming bagong Alpha na kararating lamang. Kaagad akong niyakap nina Mama at Papa at binati ng Merry Christmas. Maya-maya pa ay kumarga na kay Papa si Clace na tuwang-tuwa dahil nakitang muli ang kaniyang Lolo at Lola.

"Aba kayong dalawa! Bigyan niyo na din kami ng apo para naman hindi nagsosolo itong si Clace," pagbaling ni Mama kina Dani.

Alanganing napangiti si Dani saka tumingin kay Alpha Mirus na ngayon ay nakangisi. "Next year, Tita, paniguradong magkakaroon na kayo ng dagdag na apo," saad nito na ikinapula ni Dani. She's shy. Ibang-iba sa pagkakakilala ko sa kaniya. Ganoon yata talaga kapag kasama mo ang lalaking mahal na mahal mo. He can make you feel shy and proud at the same time.

"Oh siya, sige. Aasahan ko 'yan," natutuwang saad muli ni Mama. Pagkatapos ay sa akin naman siya bumaling.

Inunahan ko na siya sa kaniyang sasabihin. "Too early for that, Mama!"

Sana ay kagaya ko din kayo na masaya ang inyong naging pasko ngayong taon at dito na nagtatapos ang aming kwento.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon