Jennifer POV
NAPAMULAT ako kasabay ng matinding paghiyaw ko nang tuluyan ng bumaon sa aking leeg ang mga pangil ni Akira. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatitig sa buwan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Ang aking paningin ay unti-unting nagiging kulay lila sa hindi ko malaman na dahilan. Kasunod nito ay ang hindi ko inaasahan na pagdaloy ng isang ala-ala na kusa na lamang naglaro at sinakop ang aking buong ulirat.
I SAW my mom giving birth to me with my father holding her hand while attentively sitting beside her. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto at napanganga ako sa aking napagtanto, isa itong kwarto na kulay puti at umuulan ng makulay na magic dust ang buong paligid na hindi ko alam kung saan at pano nagmumula. Maraming ibon ang nakahapon sa mga ibabaw ng mga gamit dito at mukhang nakatutok ang kanilang atensyon sa pagbibigay silang sa akin. I noticed the little version of ate Clara playing with the other birds on the left side of the room. I wish I could picture her in this moment to have a souvenir of her cuteness.
What the?! Ate Clara was sitting in a branch of a tree while floating in the air. So, what’s the meaning of this? Is she some kind of a person with a magical power? Everything I see in this room was magical. Ibinalik ko ang tingin ko sa aking mga magulang. Anong klase bang nilalang kayo?
As soon as my baby version cried, nakarinig ako ng malakas na ungol na mukhang nagmumula sa isang mabangis at malaking taong lobo. Hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahil nasundan iyon ng isa pa na wari ay nanggagaling naman sa mas maliit na taong lobo. And the last to growl, I think I’ve heard it already before. Malakas ang pakiramdam ko na kilala ko kung kanino nagmumula iyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang sabihin kung sino nga ba iyon.
Unti-unting nagkaroon ng isang maliit na butas ang dingding ng kwarto at doon ay nagsimulang magliparan palabas ang mga ibon. Nang tuluyan ng makaalis patungo sa butas ang pinakahuling ibon ay muli itong nagsara. Habang si Ate Clara naman ay nagmamadaling tumabi kay Papa at kumapit sa braso nito. Nakita ko kung paano balutin ng pangamba ang aking pamilya.
I watched them talk with each other ngunit ni isang salita na lumalabas sa kanilang mga bibig ay wala akong naririnig. My Mom made my Ate Clara to wear a brown hood and she handed me to her. And the next thing I saw was Ate Clara running away with tears falling from her innocent eyes away from the white palace and our parents, with me being hold in her little arms.
While my parents later on showed up outside the palace where their enemies where waiting for them. Two mad werewolves who looks like a father and son and a beautiful maiden in black outfit. Nakikita ko ang itim na mahika na sumasayaw sa buong paligid ng kaniyang mahubog na katawan. Habang tinitingnan ko ng maigi ang kaniyang mukha ay nakikita ko sa kaniya ang aking ama. Hindi maipagkakaila na mukha silang magkapatid.
Ibinaling ko naman ang tingin ko sa malaking itim na lobo at pagkatapos ay inilipat ko ang aking atensyon sa mas maliit na lobo na kulay puti ang balahibo. Natigilan ako nang mapagmasdan ko siya. Hindi ako nagkakamali, si Akira ang batang lobong iyon. Tila na-estatwa ako sa kinatatayuan ko lalo na nang biglang bumilis ang mga pangyayari. And the next scenario I have witness is my parents being killed and overpowered by the two werewolves. I saw them as they slaughtered my parents neck using their long claws to end their lives.
My Mom was violently bitten in the neck by my own boyfriend. It was supposed to be my Dad, ngunit prinotektahan siya ni Mama dahil abala siya sa pakikipaglaban sa mas malaking lobo at nawala ang kaniyang atensyon kay Akira kaya hindi niya namamalayan ang balak na pagsugod nito. Nang marinig ni Papa ang paghiyaw ni Mama ay kaagad na nabaling ang kaniyang atensyon sa kaniya. Nanlalaki ang mata ni Papa habang pinapanuod kung paano kagatin at tanggalan ni Akira ng balat sa leeg si Mama. Nagsimulang umapaw ang madaming dugo mula sa leeg ni Mama. At pagkatapos ay hinawi ni Akira ang katawan ni Mama na parang isang papel lamang ito para sa kaniya. Kahit nasa murang edad pa lamang si Akira ay kasing-laki na ng mga magulang ko ang kaniyang lobo.
Tumilapon sa hindi kalayuan ang lupaypay na katawan ni mama. Habang si Papa na akmang lalapitan si Mama ay napaluhod na lamang nang bigyan siya ng malalim at malaking hiwa sa likod ng itim na lobo gamit ang matatalim at mahahaba nitong kuko. Tumingala si Papa sa babaeng nakatayo di-kalayuan sa pwesto nila at nanunuod lamang sa lahat ng pangyayari. Mayroong sinasabi rito si Papa ngunit wala siyang nakuhang tugon mula rito. He looks like begging for my mother’s life. Ngunit hindi ko na nalaman ang sumunod na pangyayari dahil bigla na namang bumilis ang paggalaw ng lahat na dumating sa puntong hindi ko na makita kung anong nangyayari sa paligid.
Saka lamang bumalik sa normal ang paggalaw ng lahat nang tuluyan ng malagutan ng hininga ang aking mga magulang. Tumalikod na ang babaeng may hawig ang mukha kay Papa. Ngunit bago pa man siya mawala sa paningin ko ay hindi nakalagpas sa aking mga mata ang paghulog ng isang butil ng luha mula sa kaniyang mata. It falls down in a slow motion manner na tila ini-emphasize ng sitwasyon ang kaniyang nakatakas na luha.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Hindi ako umiiyak o namimigat man lamang ang aking dibdib. Bagkus ay napupuno ako ngayon ng matinding galit na kayang-kayang patayin kahit pa ang mismong nag-iisang lalaki na minahal ko ng lubos.
BUONG pwersa kong itinulak ang lobo ni Akira palayo sa akin nang matapos ang aking pagbabalik-ala-ala. Naglabas ako ng matinding pwersa ng hangin mula sa aking katawan na nagawang maitilapon palayo ang kaniyang malaking lobo. I then began transforming into a werewolf creature and damn! It was a pain suffering. A great one that I can’t describe how the pain feels like. Para akong mawawala sa aking sarili.
Nang matapos ang aking pagbabagong-anyo ay napatingin ako sa aking paligid. My eyes vision was like in a zoom mode. Medyo nakakalula at ang hirap maka-adjust agad sa ganitong klaseng paningin. Tumigil ang tingin ko sa putting-lobo na ngayon ay nakatayo ng muli sa harapan ko. Ngunit iba na ang nakikita ko. Ang tanging nakikita ko na lamang ay ang taong lobo na walang awang pumaslang sa aking mga magulang. I tried to recall our happy memories together. Nagbabakasakaling makahanap ako ng puwang sa aking puso na patawarin siya sa nagawa niya. Ngunit tanging matinding sakit lamang ang natamo ko sa ginawa ko. Umalulong ako ng malakas upang ilabas ang lahat ng nararamdaman kong galit at sakit.
“Calm down, angel” Akira talk to me using again his telepathy. My wolf growled at him.
“I’ll calm down when I finished taking your life, monster!” madiin ang bawat salitang binitiwan ko sa kaniya gamit din ang kakayahan ko sa telepathy. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi iyon sa kaniya. Hindi na talaga ako ang Jennifer na katulad ng dati.
At katulad ng inaasahan ko ay nagsimula ng maging bayolente ang aking lobo na mas lalong pinalala ng galit na nararamdaman ko. The next thing I knew ay sinusugod ko na si Akira. He just keep on defending himself kahit madami na akong galos na naidudulot sa kaniya.
“Jennifer it’s me. Come on, you can do it! You can control your wolf!” Akira again. Bahagyang bumigat ang dibdib ko sa katotohanang wala akong balak patigilin ang lobo ko sa pagwawala at pagtatangkang patayin ang boyfriend ko. And every time I would feel sorry for Akira, nasasapawan iyon ng galit at nilulusaw ang natitira kong pagmamahal para sa kaniya.
Makalipas ang mahabang sandali na pagsugod ko sa kaniya at pagdepensa niya sa kaniyang sarili ay unti-unting siyang natumba sa mismong harapan ko habang diretso lamang siyang nakatingin sa mga mata ko. Madaming dugo na ang nawala sa kaniya dahil sa mga malalalim na sugat na naidulot ng pangil at kuko ko sa kaniyang buong katawan.
Unti-unti ay bumabalik na sa pagiging tao ang kaniyang anyo. He was lying helplessly in the grass, wounded and hurt. How I wished I could help him, cure him. How I really wished that everything we’re still the same, but not anymore.
Yumuko ako sa kaniya hanggang sa magkalapit ang aming mga mukha. And without a word, I made a cut on his throat using my claws just like how he did to my mother. A cut that was enough to end his life in any second right now. Bumulwak ang madaming dugo mula sa hiwa sa kaniyang leeg. Umaagos ito na katulad ng isang ilog na nagmumula sa bundok. Mula sa kaniyang mga mata ay nakita ko ang repleksyon ng aking lobo. I became a big violet wolf with eyes that has the same colors to my fur. A kind of wolf that is dangerous and eager for a revenge with no remorse.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerwolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...