Kabanata VI

291 33 0
                                    

Jennifer POV

NANG makita na ako ni Akira ay kaagad siyang tumayo mula sa bench at sinalubong ako. He was smiling widely. Nang makalapit na siya sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka niya ako hinagkan sa aking noo. Napangiti ako sa kaniyang napaka-sweet na gesture.

“Ang tamis!” biglang saad ni Lorilyn kaya naman napatingin kaming dalawa sa kaniya.

“Ng candy na kinakain ko,” dagdag niya at saka ngumiti sa amin nang nang-aasar.  Pasimple kong hinila ang kaniyang maiksing buhok upang tigilan na niya ako. Kaunti na lang kasi ay talagang magmumukha nang kamatis ang aking mukha dahil sa kilig. And I don’t want Akira to see me like that. Nakakahiya kaya!

Tumuloy kami sa pwesto na inuokupa ni Akira at ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Lance at Jeremy. Awtomatiko namang napasimangot si Lorilyn nang makita ang kaniyang ex-manliligaw.

Halos noong nakaraang linggo pa lamang nang sabihin ni Lance kay Lorilyn na titigilan na niya ito. I am expecting that Lorilyn would be happy. Pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo yata siyang na-highblood sa lalaki. Kung ituring na rin siya nito ay tila isang hangin na lamang siya. I don’t really understand these two. They seem to love each other yet instead of clearing things between them, they keep fighting and avoiding one another.

“Happy debut sa ‘yo, Jennifer! Wooo… So anong handa natin?” masiglang bati sa akin ni Jeremy na nakaupo sa sementadong lamesa habang si Lance naman ay nakaupo sa bench at nagpapalit-palit lamang ang tingin sa aming tatlo, maliban kay Lorilyn.

“Marami sigurong ihahanda si Ate Clara. So, by the way, here’s my invitation for the two of you,” tugon ko at saka iniabot sa kanila ang invitation card para sa aking gaganaping debut mamayang gabi. “Kasali kayo sa 18 roses, so you must attend, ha?” dagdag ko pa.

Simula nang sagutin ko si Akira noong nasa Bagasbas Beach kami ay napalapit na rin ang loob ko sa dalawa niyang matalik na kaibigan. Medyo madaldal na rin ako dahil nahahawa ako sa mga kalokohan nila. Hindi ko na rin pinatagal pa ang lahat sa amin ni Akira. Hindi na ako nagpaligaw sa kaniya. Well, para kasi sa ‘kin, hindi panliligaw ang dapat pinatatagal, kun’di ang pagsasama.

Kasalukuyang nasa eskwelahan kami dahil kumukuha pa kami ni Jennifer ng good moral certificate na kakailanganin sa page-enroll namin sa college. Habang ito namang tatlong lalaki ay sinamahan lamang kami rito sa school. Naiinip daw kasi sila sa kanilang mga bahay. And after this, tuloy na agad kaming lima sa bahay. Namimilit din kasi silang apat na tutulong sa pagluluto ng mga pagkain na ihahanda sa debut ko.

Nakalulungkot nga lang. Hindi kasi makasasali sa eighteen roses ko si Akira. May napakaimportante raw siyang pupuntahan sa gabi at hindi maaaring ipagpaliban. When I asked him where is he going, ang tugon niya ay hindi pa raw ito ang tamang panahon para sabihin niya ito sa ‘kin. He was really serious about that ‘I don’t know’ matter. At ayaw raw niyang masira ang pinakaimportanteng gabi sa aking buhay. And I trust him. I do understand him. Maybe in time, sasabihin din niya ang tungkol doon. Kahit nagugulumihanan ako sa kaniyang magiging ‘lakad’ ay pinili ko na lamang magtiwala sa kaniya.

“I’M really sorry, my angel,” may bahid ng lungkot na saad ni Akira. Umihip nang malakas ang hangin na nagmumula sa dagat na nakapag-pangiti sa aking mga labi. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Akira na nakapulupot sa aking bewang.

“Okay lang. Naiintindihan naman kita, e. It’s not a big deal for me kung hindi ka makadadalo sa debut ko. As long as I know that you love me, it’s enough. I’m already happy with it. And you are the best gift I have ever received for my 18th birthday. Well, you’re kinda an advanced gift na nga, e,” I cheerfully told him to ease his sadness.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon