Akira POV
NAPAMULAT na lamang ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng isang magaan na bagay sa mukha ko. Dinampot ko ang ginumos na papel at saka ibinato iyon pabalik sa labas ng binatana ng aking kwarto. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa banig at saka tinungo ang may kalakihang bintana sa aking kwarto.
Pagdungaw ko sa bintana ay doon ko nakita sina Jeremy at Lance. Nakaupo si Lance sa malaking bato at hindi maipinta ang mukha nito habang si Jeremy naman ay nakasakay sa duyan at hawak-hawak ang papel na ibinato ko pabalik sa kaniya habang dinuduyan niya nang malakas ang kaniyang sarili. Kaya naman pala nakasimangot si Lance dahil naunahan na naman siya ni Jeremy sa pag-upo sa duyan.
“Buti naman at gising ka na, Mr. Torpe, na kung hindi ko pa aksidenteng naitulak kay Jennifer ay mananatiling hanggang tingin na lamang sa kaniyang iniirog,” mahabang litanya ni Jeremy.
“Gago, ang baduy,” saad naman ni Lance kay Jeremy.
“Inggit ka lang kasi nauna ako sa duyan,” pang-aasar ni Jeremy.
“Ang aga-aga pa. Ang sabihin mo, Remy, makikikain lang kayo ni Lance ng adobong pakbet ni Mama,” saad ko naman.
Napakunot ang noo ni Jeremy. Pero bago pa siya makapagmaktol dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng Remy ay narinig na namin ang pagtawag ni Mama.
“Hali na kayong tatlong bata at kumain na,” tawag ni Mama mula sa kusina. Maliit lamang ang aming bahay kaya naman kahit nasa kwarto ako at nasa labas ang dalawa kong kaibigan ay maririnig namin nang maayos ang pagtawag ni Mama.
Kaagad na tumayo sa duyan si Jeremy at maliksing tinalon ang bintana sa loob ng aking kwarto. Sumunod naman si Lance at ginaya rin ang ginawa ni Jeremy. Magkakasabay kaming nagtungo sa kusina at nadatnan namin si Mama na nakaupo na.
Sa harap niya ay ang bilog na berdeng lamesa kung saan nakahain ang inadobo niyang pakbet at kanin. Meron din itong kasamang apat na baso ng timplado nang kapeng puro.
Nagkaniya-kaniya na kaming upo sa berde rin na upuan. Nagdasal muna kami bago sinimulan ang pagkain.
Tiningnan ko si Mama. Nasa singkwenta na ang edad niya. Maliit siyang babae at may napakaamong mukha. Mahaba ang kaniyang kayumanggi at bagsak na bagsak na buhok na lagi niyang itinitirintas. Sa kaniya ko namana ang kulay ng aking mga mata na kagaya ang kulay sa buhok niya. May lahi siyang americana kaya naman hindi na nakapagtataka na ganyan ang itsura niya at ang kutis niya ay mamula-mula.
Sabi ni Mama ay kay Papa ko naman namana ang taas ko pati na rin ang maalon-alon kong buhok. Sa kaniya ko rin namana ang dugo ng pagiging isang taong-lobo. Hindi ko kinamumuhian na naging kabilang ako sa ganoong lahi. Ngunit kung may pagkakataon na maaari akong humiling ng isa at iyon ay matutupad, hihilingin kong sana ay isang mortal at normal na pamilya na lamang kami.
PAGDATING ko sa bahay mula sa eskwelahan ay hindi ko nadatnan sa bahay sina Mama at Papa. Kaya naman nagtungo ako sa kagubatan kung saan laging namamalagi ang aking mga magulang sa tuwing gugustuhin ni Papa na magpalit ng anyo mula sa tao patungo sa pagiging isang itim na lobo.
Nang marating ko ang pusod ng kagubatan ay malapit nang dumilim ang paligid. Nagpalit ako ng aking anyo upang lumakas ang aking pang-amoy at pandinig sa paligid. Mga ilang minuto pa ang tinagal ng paghahanap ko bago ko natunton ang kanilang lokasyon.
Hindi na ako lumapit sa kanila. Ikinubli ko na lamang ang aking sarili sa dilim at dumistansya nang isang kilometro mula sa kanila. Nasa anyong tao ang aking ama kaya naman hindi niya namamalayan ang aking presensya. Kapag nasa ganoong anyo ang isang karaniwang taong-lobo ay nawawala ang kapangyarihan nila na dumama, duminig at umamoy. Ngunit ang aking Ama ay isang Alpha kaya kahit sa ganyang anyo ay gumagana pa din ang kaniyang kapangyarihan, ngunit limitado na lamang sa maliit na distansya.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...