Kabanata XVII

64 28 0
                                    

Jennifer POV

“AMARA!”

Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid.

Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan.

Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon at buong pwersa na itinulak ng kapangyarihan ko ang bagay na iyon palayo sa akin.

Gamit ang aking kapangyarihan ay nagpaulan ako ng kulay kahel na magic dust na nagliliwanag upang magkaroon ng kahit konting liwanag ang buong paligid. Alam kong habang tumatagal ang pag-ulan nito ay humihina rin ako at kapag nasagad ang paggamit ko ng aking kapangyarihan ay maaaring mawalan ako ng malay. Ngunit ito lang ang paraan na natatangi kong alam upang mahanap ko pa ang iba kong mga kasama.

Napatingin ako sa binti ko na ngayon ay sugatan at walang humpay sa paglabas ang aking dugo. Napangiwi ako sa hitsura nito. Masakit at mahirap man ay sinubukan kong ulit na magbagong-anyo. Kung wala lamang sana akong sugat ay wala na akong mararamdaman na sakit sa aking pagpapalit ng anyo.

Matapos kong maging lobo ay dinilaan ko ang aking sugat na hindi nagtagal ay naghilom din. Pinagmasdan ko na ang aking paligid. Ngayon na nasa anyong lobo na ako ay malaya ko ng nakikita ng malinaw ang aking paligid kahit pa napakadilim. Tinanggal ko na ang umuulan na magic dust sa paligid. Kailangan kong magtipid ng kapangyarihan hangga’t maaari.

Magsisimula na sana akong humakbang nang mapatigil ako dahil sa aking naramdaman. Unti-unting bumagsak muli sa lupa ang aking katawan at bumalik akong muli sa aking normal na anyo. Dahil sa matinding pagkakabagsak ko nang tumilapon ako ay tila nag-crack ang mga buto ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Idagdag pa na nawawalan na talaga ako ng lakas dahil sa matinding pangyayari sa aking katawan. At sa isang iglap ay unti-unting nanlabo ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.

Vince POV

“VANNESSA?” Pagtawag ko sa pangalan ng kapatid ko.

Halos limang hakbang ang layo niya mula sa akin. Wala siyang malay at sugatan ang kaniyang buong katawan dahil sa mga malilit na piraso ng mga matutulis na bagay na nagkalat sa ibabaw ng kaniyang katawan. Nanginginig man ay sinubukan kong makatayo upang daluhan ang aking kapatid. Ngunit tanging mabagal na paggapang lamang ang aking nagawa.

“Vanessa please gumising ka!” pakiusap ko sa kaniya. Ngunit wala akong nakuhang pagtugon sa kaniya.

Mas lalo kong binilisan ang aking paggapang. Hindi ko ininda ang mga matutulis na bagay na tumutusok na sa aking katawan dahil sa aking paggapang. Ang pinaka-importante lamang sa akin ngayon ay masigurong buhay at ligtas ang aking kapatid. Kanina nang tumama sa amin ang napakalakas na pwersa ng hangin ay mabilis kong nayakap ng mahigpit ang aking kapatid upang maprotektahan siya.

“Vanessa!” Tinawag kong muli ang kaniyang pangalan. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniyang katawan ay kaagad kong hinawakan ang kaniyang pulso upang masigurong humihinga pa siya. Nakaramdam naman ako ng kaunting ginhawa nang maramdaman ko ang kaniyang pulso.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon