KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha.
"Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.
Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay dapat mawalan siya ng kahit kaunting awa. Kaya naman pinagawa sa kaniya ng kaniyang mga magulang ang manakit ng mga inosenteng hayop upang mabahidan ng kaunting kasamaan ang kaniyang dugo. Araw-araw ay pinagha-hunting siya nito ng mga hayop na napipilitan siyang gawin dahil akala niya iyon ang tama.
Hanggang sa unti-unti ng namamahay sa kaniya ang itim na dugo na naglalaman ng purong kasamaan. Doon na nagsimulang mamayani sa kaniyang sistema ang obsession na manalo. Sa paligsahan, ang lakas ng intensidad ng kapangyarihan at ang kakayahan na tumagal sa ganoong kalagayan ang sinusukat at batayan kung sino ang mananalo. Hanggang sa dumating na nga ang pinaka-final na pagtutuos ng dalawang mangkukulam. Malaki ang tuwa ng mga kalahi ni Amara dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon sila ng isang kalahok na may malakas na kapangyarihan at nagawang umabot sa pinakadulo.
Ngunit natalo si Amara ng nobya ng kaniyang Kuya. Tuluyan ng nangibabaw sa kaniya ang kaniyang masamang bahagi ng kaniyang pag-uugali. Nagawa niyang magtanim ng galit kay Matilda at sa kaniyang kapatid na lalaki dahil natuwa pa ito ng manalo ang kaniyang katunggali na siyang nobya nito. Natural lamang sana iyon para sa kaniya kung nasa dating normal pa rin ang kondisyon ng kaniyang dugo. Ngunit madami na ang nagbago.
"Pinatawad ka na nilang lahat. Magpatawad ka na din sa iba at lalong lalo na sa iyong sarili" saad ni Custodio sa kaniya. Ngumiti siya at para sa kaniya ay tama ang sinabi nito.
Nang mga segundo ding iyon ay pinatawad na niya ang kaniyang mga magulang. Kahit ganoon ang ginawa nila sa kaniya ay may pagmamahal pa rin siya sa mga ito. Pinapatawad na din niya ang kaniyang sarili sa mga napakaraming mali na nagawa niya. Dahil sa kaniyang ginawa ay tuluyan ng gumaan ang kaniyang pakiramdam.
"This would be the very first time that I would wanted to watch the sunset. I want to watch it with you by my side" nakangiting saad ni Amara kay Custodio.
Humigpit ang pagkakakapit ng kaniyang kamay dito ng nagsimula ng sumilip ang haring araw. Napakaganda niyon na pagmasdan. Tumingala siya kay Custodio at siya na mismo ang humalik dito ng humarap ito sa kaniya.
"Get your life! Mag-asawa ka at magkaroon ka ng madaming anak" saad ko sa kaniya matapos ang aming halik.
"Alam mong hindi ko na magagawa iyon. Ikaw lang ang iibigin ko. At konting mga panahon nalang ay susunod na din ako sayo. Gusto ko lang siguruhin na magiging maayos na ang buhay ni Dani kahit wala na ako" saad ni Custodio habang masuyo nitong hinahaplos ang kaniyang pisngi.
"Ikaw bahala!" Natatawa niyang saad.
"Gusto ko ng magpahinga. Salamat sa paghihintay. Salamat sa pagmamahal na habang-buhay. Mahal na mahal kita Custodio!" Masuyong saad naman ni Amara. Habang binabanggit niya ang mga katagang iyon ay unti-unting nagsisilabasan ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Napakahirap sa kaniya ang iwanan ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Ngunit kailangan niya ng umalis at iwan ang mundong ito. Nais niyang makapagpatuloy na sa kanilang bagong bukas ang kaniyang mga pamangkin na si Clara at Jennifer at ang mga napinsala niyang mga tao at taong-lobo. Hindi niya gugustuhin na magtagal pa dahil araw-araw lamang nilang maiisip ang mapait na pangyayari sa nakaraan.
"PWEDE ba taong lobo, huwag kang sunod ng sunod sa akin!" Iritadong saad ko.
"Ang ganda mo kasi!" Diretsang saad niya. Hindi man lamang nagpaligoy-ligoy. Hindi niya ba alam kung gaano kapanganib ang ginagawa niya? Sa dinami-dami ng babae ay sa akin pa siya nagandahan at ako pa ang natipuhan niyang sundan.
Humarap ako sa kaniya. Napatitig ako sa kaniyang mga mata at doon ay nagulat ako ng makita ko ang aking repleksiyon. Kumabog ng mabilis ang aking puso ng makita ko na normal na muli ang aking hitsura. Wala na ang itim kong mga mata. Wala na din ako sa ilalim ng kapangyarihan ko na kung saan ay tanging kasamaan lamang ang namamayani.
Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ng lalaking 'to. Tila kumalma ako sa kaniyang makulit na presensya na ipinagpapasalamat ko. Napangiti ako sa kaniya na mukhang ikinagulat naman niya.
"Salamat!" Masigla kong saad at saka tuluyan na akong tumalikod sa kaniya at masayang naglakad palayo. Gamit ang aking kapangyarihan ay unti-unti akong bumalik sa anyo ko noong bata pa ako. Sa panahon kung saan napakamasayahin at inosente pa ako. Pinili kong kalimutan kung sino nga ba talaga ko. Iyon nalang ang natatanging paraan upang hindi muling magising ang aking itim na dugo.
NGUNIT kahit nagbago na ang aking anyo ay nakikilala pa din ako ni Custodio. Ngunit hindi na niya ipinaalala sa akin kung sino ako. Umakto siya sa naaayon at hinihingi ng bagong sitwasyon ko. Hindi man siya laging nakakalapit sa akin dahil isa siyang may mataas na katungkulan habang ako ay isang pagala-gala lamang na bata ngunit lagi ko siyang nakikita na nakabantay sa akin. Kapag nakakaramdam ako ng gutom ay kaagad na ilalahad niya ang kaniyang kamay na may hawak na pagkain sa aking harapan. Malugod ko naman iyong tatanggapin. Ngingiti ako sa kaniya ng ubod ng tamis at laging nagpapasalamat sa kaniyang kabutihan. Hindi man niya nakikita ngunit pasimple din na kinikilig ang batang bersyon ko sa mga ginagawa niya para sa akin.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...