Clara POV
“BYE, Ate,” mabilis na paalam sa akin ni Jennifer. Kasama nito si Lorilyn. Bago pa man sila tuluyang lumakad palayo ay kumaway muna sila sa akin. Tinugunan ko iyon ng isang ngiti at pagtango.
Nakasuot lamang ang dalawa ng kaswal na pananamit. Wala na silang pasok ngayon. Graduation practice na lamang ang kanilang inaasikaso.
Napangiti ako sa aking sarili. Kung makikita lang kami ngayon ng aming mga magulang ay tiyak na magagalak sila.
Nagawa kong kumayod nang mag-isa at palakihin nang sobra pa sa salitang ‘maayos’ si Jennifer. Salamat sa aking kapangyarihan dahil ito ang naging daan upang makamit ko kung anong meron ako ngayon.
Noong bata pa ako ay namuhay lamang ako na tanging ang kalikasan lamang at ang mga mangkukulam ang aking nakakasalamuha. At ngayon, naramdaman ko na iba pa rin pala ang saya at pakiramdam kapag ang makakasama mo sa araw-araw na buhay ay ang mga normal na tao lamang. Ito ang depinisyon para sa ‘kin ng ‘totoong mundo.’
Sa katotohanan, ang mga mangkukulam at ang iba pang nilalang na kakaiba at may kapangyarihan ay mga tao rin. Ang pinagkaiba lang namin sa kanila ay ang pagkakaroon namin ng kapangyarihan o espesyal na abilidad.
Naalala ko noong nasa kolehiyo pa ako. Itinuturo sa amin ang iba’t ibang uri ng mitolohikang nilalang at isa na roon ang mangkukulam. People describe us as creatures with ugly, old faces, with long noses and thin bodies. Dagdag pa roon ang kesyo kumakain daw kami ng mga pagkain na bulok. Napapailing na lamang ako habang nakikinig sa leksyon ng aming professor.
Katulad ng sabi ko, tao rin kami. Kung anong itsura ng mga normal na tao ay ganoon din kami. Kahit pa sa pagkakataon na ginagamit namin ang aming kapangyarihan ay hindi nagbabago ang aming anyo sa anyong iniisip ng mga normal na tao tungkol sa aming lahi.
Kapag ang normal lamang namin na kapangyarihan ang aming ginagamit ay kagaya pa rin ng orihinal ang aming anyo. Ngunit kung ang pinakasentro naming kapangyarihan ang aming gagamitin ay may nagbabago sa amin. Ngunit ang kulay lamang ng aming mga mata at buhok. Magbabago ito sa kulay na nirerepresenta ng aming uri bilang isang mangkukulam.
Nahahati sa dalawang uri ang mga mangkukulam. Ang puti at ang itim. Ang kapangyarihan ng mga puting mangkukulam ay ginagamit lamang para sa purong kabutihan. Ang itim naman ay ginagamit upang makamit ang mas matimbang na kabutihan ngunit sa pagsasagawa nito ay maaaring magdulot ng masama sa kabilang partido ng nasasangkot.
Ngunit ang purong puti, sa bawat pagkakamali na kanilang magagawa ay unti-unting nababahiran ng itim ang kanilang purong lila na dugo. At kapag sila ay tuluyang nang naging itim na mangkukulam, hindi na nila makikilala ang kabutihan at purong kasamaan na lamang. Ang itim na uri ng mangkukulam ay isang lahi habang ang pagbabago ng isang kulay ng dugo, ang lila patungo sa itim, ay isang konsek’wensya at sumpa na hindi na mababali magpakailanman.
Isinarado ko nang muli ang gate ng bakuran ng aming bahay. Dumiretso ako papasok sa entrada ng bahay at nagtungo sa aking kwarto upang kunin ang malaki kong itim na backpack. Habang wala pa si Jennifer ay magha-hiking muna ako sa bundok ng Labo upang mangolekta ng mga espesyal na sangkap o ang iba’t ibang uri ng halaman at bulaklak na tanging sa mga liblib na bundok lamang matatagpuan, na siyang gagamitin ko para sa mga produkto ng aking kumpanya.
There are some ingredients that I cannot entrust to mortals. Ayokong usisain pa nila ako patungkol doon. At ayoko ding humakot ng atensyon ng media, ang bilis pa namang gumawa ng mga konklusyon ang mga mortal.
Binuksan kong muli ang aming gate at pagkatapos ay dumiretso ako sa aking McLaren F1 at pinaandar iyon palabas ng aming bakuran. Pagkatapos ay bumaba akong muli ng aking kotse at muling isinarado ang gate.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...