Kabanata VII

75 31 0
                                    

Jennifer POV

“WAIT!” tawag ko kay Akira nang tumalikod na siya at akmang tatakbo palayo sa akin. Huminto siya sa paggalaw at nanatili lamang na nakaharap ang likod niya sa aking gawi. Nasundan iyon ng katahimikan sa pagitan namin.

Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang aking sunod na sasabihin. My hands were cold and tears started flooding from my eyes. To be honest, I don’t really feel afraid of him despite of him becoming a werewolf—but I’m really getting emotional. Nagsisimula na akong mag-overthink.

Anong mangyayari sa kaniya kapag nalaman ng iba na gan’yan ang tunay niyang pagkatao? Paano na lang kaming dalawa? Natatakot ako sa katotohanang magkaiba pala ang mundo namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko at kung maniniwala ba ako sa lahat ng nasasaksihan ko ngayon.

Maybe this is just only a dream. Oo, tama! There’s no such thing as werewolf. They’re just fictional beings.

Ngunit sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nagbabasa ng tungkol sa ganiyang klaseng nilalang. And I never encountered a topic about that for the past few days. Kaya walang dahilan para mapanaginipan ko ito.

“Totoo ang nakikita mo at hindi isang panaginip lamang,” I heard Akira’s voice from my head. He can read my mind and he can also talk to me in telepathy. This is, WOW!

Unti-unting lumingon sa akin ang lobong anyo ni Akira. As soon as I saw his terrifying fierce eyes, I looked down on my heels. I tried to manage and calm my heartbeat. Ayokong isipin niya na kinatatakutan siya ng kaniyang mismong girlfriend.

“I love you, Akira,” tanging nasambit ko sa pagitan ng aking pag-luha. Mahal ko pa rin siya at walang magbabago kahit isa siyang taong-lobo.

But I can’t face him. Nahihirapan akong tingnan ang kaniyang bagong anyo. He’s a big white, fury wolf at nagmumukha akong isang one year old na bata sa harap niya. At ang hirap pa ring tanggapin sa aking sistema na ang boyfriend ko ay isang malaking lobo. And anytime he wants, he can eat me alive. No! He won’t do that to me. I know him.

“And I love you more,” tugon niya gamit ang kaniyang kakayahan sa telepathy.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. At nang magtama ang aming mga mata ay nanikip sa una ang aking dibdib. Isang normal na reaksyon ng isang tao na kaharap ang isang out of this world na nilalang.

Unti-unti akong humakbang papalapit sa kaniya. Ngunit napatigil ako nang gumalaw siya. Kakaripas na sana ako ng takbo palayo sa kaniya dahil baka may balak siyang kainin ako, ngunit mali ang naging hinala ko. Dumapa siya sa damuhan at pagkatapos ay iginalaw-galaw niya ang kaniyang mahaba at mabalahibong buntot. Napangiti ako nang wala sa oras.

May kaunting pangamba man ay tuluyan na akong lumapit sa kaniya at walang ano-ano ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kaniyang malapad na likod. Para lamang akong humiga sa malambot na kama dahil sa napakakapal niyang balahibo.

I decided to smell his fur. Akala ko ay may amoy rin yun na kagaya ng sa aso, but I was wrong. With his fur, I can smell the essence of the forest. Napapikit ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaginhawaan na idinudulot ng kaniyang amoy.

Moments later, iminulat ko nang muli ang aking mga mata. Npahawak ako sa aking dibdib habang nakatanaw sa kabilugan ng buwan. Tila namamanhid ang aking mga kamay habang ang aking dibdib ay nakararamdam ng sakit dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko kanina. I then realized that my tears had already stopped leaving my eyes red and sore.

“Bakit hindi ka tumakbo?” tanong sa akin ni Akira.

“Because I want to stay. I want to hear the truth from you. At iintindihin ko ang lahat ng sasabihin mo dahil girlfriend mo ako,” I assured him.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon