Jennifer POV
“JENNIFER, hey wake up!” I heard someone’s voice. She was shaking my shoulder trying to wake me up to my senses.
Sinubukan kong gumalaw at imulat ang aking mga mata. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatingin kay ate. Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil kumikirot sa sakit ang ulo ko. Tinulungan ako ni ate na makabangon dahil tila naubos lahat ng enerhiya ko sa katawan.
“Kailangan na nating umalis ngayon,” tila nagmamadali at seryosong saad ni Ate.
Teka, ano bang meron? I tried to look around on my surroundings kahit nahihirapan ako. Tila gumuho ang mundo ko sa nasaksihan ko di-kalayuan sa kinapwepwestuhan namin. Pinilit kong gumapang upang lapitan ang hindi na gumagalaw na katawan ni Akira. At nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay doon ako dumating sa reyalisasyon ko na kagagawan ko kung bakit -no! Hindi pa patay si Akira. He’s a werewolf and maybe they are immortal. Right!
“Akira? Gumising ka na. Pinapatawad na kita. Makikinig ako sa explanation mo. Just please, don’t die! Don’t leave me, please!” I cried. I tried shaking his shoulders but I got no response. Sinubukan ko ding i-CPR siya ngunit wala pa rin.
“Jennifer, I’m sorry but we must leave now!” Ate Clara interrupt. Hinila niya ako palayo kay Akira at dahil naubusan ako ng lakas ay madali lang niya akong natangay.
Habang papalayo ako nang papalayo kay Akira ay mas lalong nawawasak ang puso ko. Nahihirapan akong huminga at wala na rin akong maisip na rason para huminga pa at magpatuloy sa buhay. I just want to be with Akira again. I badly wanted to hear his voice calling me his angel, again.
“Breath, Jennifer!” Natigilan ako nang sigawan ako ni Ate. I found myself riding in a branch of tree habang nasa likod ko si Ate Clara na matindi ang pagkakakapit sakin upang hindi ako mahulog.
Humarap ako sa kaniya na luhaan ang aking mga mata. Mahigpit na niyakap ko siya kasunod ng malakas na paghagulhol ko. Hindi ko kaya! I swear! Hindi ko kayang wala si Akira. I can’t, please. Sana panaginip lang ang lahat ng ito.
“Ate sampalin mo ako,” pakiusap ko sa kaniya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at nakikiusap na tumitig ako sa kaniyang mga mata. Kinuha ko ang kaniyang isang kamay at inilapat iyon sa aking kanang pisngi. I close my eyes and waited for her slap. Lumipas ang mahabang sandali ngunit wala pa rin akong natatanggap na sampal mula sa kaniya.
Mas lalo akong naiyak. Walang humpay sa pagbuhos ang aking mga luha habang nakapikit. Napahawak ako sa aking dibdib dahil halos mapapatidan na ako ng hininga. Hindi ko talaga kaya!
“Jennifer please naman! Huminga ka!” Ate Clara said it again. Marahan niyang hinahagod ang aking likod dahil umaasa siyang makakatulong iyon para makahinga ako ng ayos at kumalma sa sitwasyon namin ngayon. Ngunit nagkakamali siya. Unti-unti ay nararamdaman ko ang paggaan ng aking pakiramdam. Para akong lumulutang sa hangin habang hinihila ng matinding antok. And in a while, I was already sleeping and I don’t have an idea if I will be able to wake up again in this cruel world.
NAPAMULAT ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang mabigat na nakapatong sa aking tiyan. Napatingin ako kay Wolf na mahimbing na natutulog at nakapatong ang kaniyang ulo sa aking tiyan. I looked around and I find myself lying in my bed inside my own room.
Sinubukan kong makaupo ng dahan-dahan upang hindi magising si Wolf. Tumingin ako sa maliit na salamin na nakapatong sa aking lamesa at pagkatapos ay bumaling ako sa painting ng aking mga magulang. I’m now aware that I am a witch and has the blood of a werewolf. I’m not a normal person anymore.
Ibinalik ko sa salamin ang aking tingin at pagkatapos ay pinalutang ko iyon sa ere ng may buong tiwala na magagawa ko iyon. Pinapunta ko ito sa akin hanggang sa mahawakan ko iyon. I smirk. This is kinda a cool thing for me. When I was just a kiddo, I used to sing ‘If I have magic’, a barbie song. And now, I’m in the phase of the lyrics where ‘I got magic’.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...