Jennifer POV
“I know her. She holds the entire pack of werewolves. But no one knows what she looks like. Wala pang nakakakita sa kaniya,” pagsasaad ni Kuya Vince.
Kasalukuyan kaming nasa kusina at umiinom ng milk tea ngayong dis-oras ng gabi. This werewolf is really weird. Imbes na kape dapat ang iniinom namin sa ganitong klaseng oras, pinagpilitan niyang milktea na lang daw. At kanina, kaya naman pala galit na galit na ‘yong driver dahil sa hindi niya pagbabayad ng pamasahe ay dahil nagpaikot siya sa buong probinsiya doon sa taxi driver bago dumiretso rito sa amin gaya ng napag-usapan nila ni Ate.
“Isang malaking problema natin ‘yan, ngunit kung sakali man na makikita ko siya ay malalaman ko agad na siya ‘yon,” saad naman ni Ate sa pagitan ng pagsipsip niya sa straw.
I just continued sipping on my milk tea and watching the two of them to talk. I’m glad that I am not breaking down. Ngunit hindi pa rin maaalis ang bahagyang paninikip ng dibdib ko. Walang segundo na hindi ko naiisip si Akira. Paminsan-minsan ay bigla na lamang tumutulo ang aking mga luha. Knowing that I won’t be able to be with him again for my entire life makes my body, heart and mind to shut down.
Gusto ko sanang puntahan ang Mama ni Akira ngunit hindi ko kayang humarap sa kaniya. At ang sabi ni Ate, malaki ang tiyansang walang magaganap na burol kay Akira dito sa mundo ng mga tao. Kaya pala pinagmamadali ako ni Ate na makaalis at iwan ang bangkay ni Akira nang araw na iyon sapagkat maaaring paparating na roon ang mate ni Akira o kaya naman ang ama nito na isang alpha.
“I’m sorry for your lost,” nakikidalamhating sabi ni Kuya Vince sa akin. Mahinang tinapik niya ang aking balikat. Hindi ko namalayan na nakatulala na lang pala ako at panay ang patak ng aking mga luha. Hindi ko na namamalayan ang kanilang pag-uusap.
“I’ll going to hunt her,” tanging nasambit ko. My heart was full of anger at hindi na ako makapaghintay na makita ang babaeng iyon.
“But before that, kailangan ka muna naming i-train ng Ate mo. Ako ang magtuturo sa’yo sa pagiging taong lobo at ng mga dapat mong malaman tungkol sa katauhan mo at si Ate mo naman ang bahala sa witchy side mo!” tila excited na saad ni Kuya Vince. Kahit papaano ay na-e-excite na rin ako na matutunan ang mga kapangyarihan ko bilang isang witch at bilang isang taong lobo.
“MADALI lang ang paggamit ng kapangyarihan mo bilang isang witch. Una, dapat malaman mo muna na witch ang katauhan mo. Ang pagiging aware mo sa katauhan mo at paniniwala mo na magagawa mo ang isang bagay gamit ang kapangyarihan mo, ang magpapagana sa iyong kapangyarihan bilang isang witch. Magagawa mo na ding makipag-ugnayan sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kalikasan. Katulad na lang ng paggamit ko sa naputol na sanga ng puno bilang sasakyan na lumilipad sa hangin. Nabibigyang buhay ko iyon sa paraan ng pakikipag-usap sa kaniya at paggamit ng aking kapangyarihan na may buong tiwala na magagawa ko iyon. Hindi naman limitado ang paggamit ng ating kapangyarihan ngunit ang limitado ay ‘yong kakayahan ng ating katawan. Kung gaano lamang ang kaya nating ilabas na kapangyarihan na hindi tayo umaabot sa puntong mawawalan ng malay dahil sa sobrang pagkaubos ng enerhiya sa ating katawan. Katulad lang ‘yan ng pagtakbo, kailangan mo munang magsanay nang magsanay sa pagtakbo hanggang sa masanay ka at hindi ka na hihingalin kaagad sa susunod na pagtakbo mo,” mahabang turo at paliwanag sa akin ni Ate. Tahimik lamang na nakaupo sa tabi ko si Wolf at tila nakikinig din ng mabuti kay Ate.
Pagkatapos niyang magsalita ay kaagad na nagtungo na kami sa unang araw ng pag-eensayo ko. Gagamitin ko ang aking kapangyarihan ngayon bilang isang witch kahit sa anong paraan hanggang sa mawalan ako ng malay. Kapag nawalan ako ng malay ay maaaring abutin ako ng labing-dalawang oras bago magkamalay ulit. Masasabi lamang na matagumpay na ang aking pagsasanay kapag hindi ako nawalan ng malay sa loob ng labing-dalawang oras na paggamit ng aking kapangyarihan.
Sa unang araw ay nakakaisang oras pa lamang ako ay kaagad na akong nawalan ng malay. And what would it feels like? Para lang akong lobo na unti-unting nawawalan ng hangin hanggang sa kumupos. Hindi naman siya masakit ngunit nakakapagod at nakakapanghina ng sobra. It took me eighteen days just to be immune in using my powers all day and to go on to my next lesson of being a werewolf.
“KAPAG kabilugan ng buwan, once na sumilip na ang full moon sa kalangitan ay kusang magbabagong anyo ka at hindi mo ‘yon magagawang pigilan. Ngunit sa mga araw na hindi pa buong-buo ang hugis ng buwan ay pwede kang mag-transform kung kelan mo lang gugustuhin. You can even stay in a human form all day and all night. Tungkol naman sa sense natin, lumalakas lang iyon kapag nasa anyong lobo tayo. Kapag naman nasa anyong tao tayo ay lumalakas naman ang ating pangangatawan. Kung masusugatan tayo ay mapapahilom natin kaagad iyon gamit lamang ang sarili nating laway o ang laway na mula sa ating mate. Pagdating naman sa mate thing, malalaman mo kaagad na mate mo ang isang taong lobo dahil once na maging malapit siya sa kinaroonan mo ay kusa ka ng dadalhin ng mga paa mo patungo sa kaniya. You will feel connected to him or her sa gusto at ayaw mo. That’s how it works! By the way, iwasan mo na ang mga bagay na gawa sa silver. May allergy tayo sa ganoon at once na dumikit satin ang bagay na gawa sa ganoon ay mapapaso tayo,” mahabang turo at paliwanag naman sa akin ni Kuya Vince.
Pagkatapos ng pagtuturo niya sa akin ng mga kaalaman sa pagiging isang taong lobo ay kagaya noong nakaraan ay nasundan din iyon ng pagsisimula sa aking pagsasanay. Ang una niyang itinuro sa akin ay ang pagsasanay ko sa pagpapalit ng aking anyo at ang pagkontrol ko sa aking lobo. Namangha pa si Kuya Vince nang makita niya ang kakaiba kong lobo. Itim at puti lang daw kasi ang orihinal na kulay ng kanilang lahi.
Sumunod naman ay ang pagsasanay ko sa paningin at pang-dama ko kapag nasa anyong lobo ako. Dito kami natagalan at inabot kami ng halos sampung araw dahil nahihilo ako lagi sa zoom in feature na vision ng mga mata ng aking lobo. At ang pinakahuli ay tinuruan niya ako ng martial arts. Pakiramdam ko ay nasa isang action film na ako, na parang dati lang ay pinapangarap kong maging isa sa mga bida na babae sa mga palabas na action films. Kahit papaano ay nakakagaan din ng pakiramdam ang naging mahabang pag-eensayo ko. Nakakalimutan ko ang masakit na nararamdaman ng puso ko sa tuwing maaalala ko si Akira. Unti-unti man ay karaniwan kapag naiisip ko si Akira ay tanging masasayang ala-ala na lamang namin ang naglalaro sa isipan ko. Though, hindi ko pa rin maikakaila na naandito pa rin iyong sakit at pagsisisi na nakatatak na talaga sa puso’t isipan ko.
THIS day serves as my graduation day sa pagsasanay na maging isang hybrid. Half human, half werewolf at half witch. Kulang na lang yata iyong pagiging half bampira para full package na— kinuha ko na yata ang lahat ng uri ng dugo. Hindi rin imposible kung malalaman ko isang araw ay nag-e-exist din pala ang ganoong klaseng nilalang, ang bampira. Ngunit kung sakali man, hindi ko gugustuhing maging kabilang sa kanilang lahi. Being an immortal is the last thing I would wish. I don’t want to live forever without Akira bedside me. Mahirap din ang tumandang dalaga.
Nasa Bagasbas kaming tatlo nila Ate at Kuya Vince. Masayang naliligo sa dagat ang dalawa habang ako ay nag-iisa na nakaupo sa baybayin habang pinapanuod silang mag-harutan. Oo, harutan nga! Kunwari pa si Ate na kaibigan lang ang turing niya kay Kuya Vince pero halata naman sa mga ikinikilos niya na nade-develop na siya sa lalaki. Si Kuya Vince naman ay napaka-showy na crush niya si Ate.
Maya-maya pa ay sumilip na ang haring araw— ang pinakahinihintay kong sandali. Napangiti na lamang ako habang pinapanuod ko ang senaryong iyon. Alam kong halos tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas simula ng mangyari iyon at masyado pang maaga upang lumaya sa guilt at sakit na nararamdaman ko. But seeing the sunsets and remembering how Akira loves me. Alam kong mas gugustuhin ni Akira na patawarin ko na agad ngayon pa lamang ang aking sarili. Mas gugustuhin niya ang sumaya ako. And I’ll promise, that I would get the justice he and his father deserve.
“Masarap ang tubig. Halika na dito!” sigaw sa akin ni Ate. Parehas na silang nakatingin sa akin. Ate Clara was wearing a two-piece swimsuit habang si Kuya Vince naman ay naka-short at topless naman ang kaniyang itaas. Habang ako? Naka-short lang at naka t-shirt. Ewan ko ba dito sa dalawa. Hindi yata nakakaramdam ng lamig.
Tumayo ako at pinagpag ang buhangin na dumikit sa hita ko. Masaya akong tumakbo sa buhangin ng naka-paa patungo sa dagat kung saan naroroon sina Ate at Kuya Vince. Pagkarating ko pa lamang ay kaagad na nila akong sinabuyan ng tubig-dagat at shit! Sa mata ko pa talaga tumama iyon at nakaramdam ako ng agarang hapdi. Well, I’m glad because this only proves that I’m still a human.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...