Jennifer POV
TULALA akong bumalik sa tahanan nila Kuya Vince. Sumalubong agad sa akin si Ate na nagsimulang mag-alala nang makita niya ang aking tuloy-tuloy na pagluha. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sinalubong niya ang aking mga mata.
“Anong nangyari?” May bahid ng pag-aalalang tanong sa akin ni Ate Clara.
Mapait na napangiti ako. “Nakita ko siya ulit. Buhay siya,” saad ko.
“Bakit hindi mo siya kasama? At bakit ka umiiyak? Tears of joy ba iyan?” pag-uusisa pa ni Ate.
Tumalikod ako kay Ate at sumandal sa haligi ng bahay nila Kuya Vince sa may labas. Tumingin ako sa malayo. I’m glad that he’s still alive and fine. Ngunit parang isang estranghero na lamang siya sa akin. Hindi ko siya magawang mayakap o mahawakan man lamang. Tila sa ikalawang buhay niya ay tinanggalan na niya ako ng karapatan na pumasok muli sa kaniyang buhay. Hindi ko siya masisisi.
“He acts like a total stranger to me, earlier in the marketplace,” saad ko.
“Huwag kang mag-alala dadating din ang araw na mapapatawad ka niya. Nararamdaman kong mahal na mahal ka ni Akira,” pag-aalo sa akin ni Ate.
Napatingin kami ni Ate Clara kay Kuya Vince nang bigla siyang nagsalita. “Hindi siya galit sa’yo. May amnesia ang alpha mo,” pagsasaad niya. Nahigit ko ang aking hininga at nasundan iyon ng malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Biglang nagliwanag ang aking mukha nang marinig ko ang mga salitang sinabi ni Kuya Vince. May sapat naman pala na dahilan kung bakit ganoon nalang ang naging kilos ni Akira kanina sa mismong harapan ko.
“Ngunit paanong nabuhay siyang muli?” Nagtatakang tanong ko. Immortal nga kaya ang aming lahi?
“Diyan pumapasok ang napakahalagang gampanin ng aming mate sa aming buhay. Nang mamatay si Akira ay naramdaman iyon ng kaniyang mate at dinala siya ng kaniyang sariling mga paa sa kinaroroonan ng katawan ni Akira. Gamit ang kaniyang laway ay makakaya niyang paghilumin ang sugat na natamo ni Akira at isang halik para sa isang panibagong buhay. Ngunit isang beses lang niya iyon magagawa kay Akira upang buhaying muli ito. Sa ikalawang buhay ni Akira ay inaasahan ng makakalimutan niya ang lahat ng pangyayari sa kaniyang naging nakaraan na buhay. At ang nakita mong babae na kasama ni Akira ay si Dani, ang kaniyang mate at ang kasalukuyan na magiging Luna natin,” mahabang paliwanag ni Kuya Vince.
Natagpuan na rin niya ang kaniyang mate. Napakaganda ni Dani at ang masasabi ko ay hindi sila bagay para sa isa’t-isa. Mahal ko si Akira at hindi ko kayang ipaubaya na lamang siya sa iba. Ngayong buhay siyang muli, hindi na ako papayag na mawala siyang muli sa akin. Babawi ako sa napakalaking kasalanan na nagawa ko sa kaniya. At handa akong kalabanin ang tadhana, makuha ko lamang ulit siya.
“Bakit mukhang mas masaya ka pa? Hindi ka man lang ba malulungkot dahil nahanap na ni Akira ang kaniyang tunay na mate?” Nagtatakang puna sa akin ni Ate. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa naging reaksyon ko.
“That was just a mate thing and what we had was the real thing. It happens without reason and that’s what true love is,” proud na saad ko.
Pagkatapos ay bumaling naman ako kay Kuya Vince, “And by the way, Kuya Vince maaari mo bang ituro ang lahat ng lugar sa akin na maaaring puntahan ni Akira?” saad ko.
I LEARNED that Akira was now the Alpha of our race at si Dani ang kaniyang natatanging Luna. Masakit isipin na ang taong pinakamamahal mo ay itinadhana na sa iba. Minsan, napapatanong ako sa aking sarili? May chance ba ako na magawa kong baligtarin ang tadhana naming dalawa?
“Andiyan na ang Alpha! Magsi-ayos na kayo ng hanay!” Biglaang sigaw ng isa sa mga commander sa amin. Kaagad akong tumindig ng ayos at humanay sa mga kapwa ko na bagong salta lamang dito sa hukbo ng mga mandirigma.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...