Kabanata I

268 92 0
                                    

Years later,

Jennifer POV

I STARED at the big painting in front of me. Nakadikit iyon sa puting pader ng aking kwarto. Nakapinta ro’n ang mukha ng aking mga yumaong magulang. My parents whom I never had the chance to be with since I was born.

Despite of that, hindi ko naramdaman ang pagiging isang ulila. I have my Ate Clara beside me who became a sister, a mother, and a father to me. And in fact, I grew up being rich because of Ate Clara’s endeavor and perseverance.

Nakapagpatayo siya ng isang kumpanya ng mga beauty product dito sa Pilipinas, ang Ever Beauty. And now, it is the leading and most successful company in our country. Halos lahat ay tinatangkilik ang mga produkto nila dahil sa pagiging epektibo nito at mabibili lamang sa murang halaga. Pati sa ibang bansa ay nakapage-export na rin sila ng kanilang produkto.

Minsan nga ay nagtataka ako kay Ate. Kung paano siya nagkaroon ng sobrang lawak na kaalaman kung paano gagamitin sa pagpapaganda ang iba’t ibang uri ng mga halaman gayong sa normal na eskwelahan lamang siya nag-aral at nagtapos. One time, I asked her about this and she just said, “Balang araw, malalaman mo rin kung bakit. And when that time comes, siguradong baka mas magaling ka pa sa akin sa field na ito.”

I came back from my thoughts when my dog, Wolf, jumped on my lap. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama at nakasandal sa head rest. He also looked at the painting and then started wiggling his furry tail. It was like he was seeing his owners.

Napangiti ako nang mapatingin akong muli sa aking mga magulang. I’m proud. Napakagwapo at napakaganda nila. Para silang hari at reyna ng isang maharlikang angkan. And I’m thankful because I have successfully adopted their good features just like Ate Clara.

Well, that painting was personally made by her. Ginawa niya iyan para makita ko pa rin araw-araw ang aming mga magulang kahit sa ganoong paraan man lamang. Hindi pa raw kasi uso ang camera noon kaya wala siyang maipapakitang personal na litrato nila.

INIHINTO ko ang sinasakyan kong Honda Accord sa parking area ng Central Plaza Mall. Pinatay ko ang makina at saka kinuha ang susi mula sa ignition lock cylinder, pagkatapos ay inilagay ko iyon sa aking Birkin bag na nagmula pa sa bansang New York. Ito ang naging pasalubong sa akin ni Ate Clara nang magpunta siya ng New York upang um-attend sa isang meeting na may kaugnayan sa balak ni Ate na pagpapatayo ng branch ng kanilang kumpanya sa nasabing bansa.

“Ang babaeng ‘yon! Nilalandi si Robin,” paghihimutok ni Lorilyn. Nakaupo siya sa shot gun seat. We were already best friends since the day we learned how to walk.

Magkapitbahay lang kami. Lagi kong tinatakasan si Ate sa tuwing tatalikod siya dahil may kukunin. I would step out of our fence at maghahanap ako ng batang babae na makakasama ko sa pagbibilang kung ilan ang sasakyan na dadaan sa maliit na highway ng aming lugar. And that’s when I met her. Dahil siya ang unang bata na nakita ko at sumang-ayon sa trip ko.

“Crush mo lang naman si Robin kaya ‘wag mong dibdibin,” I told her, as a matter of fact.

“Pero do’n kasi nagsisimula ang lahat. Sa crush. And that bitch! Lahat na lang ng malalaman niyang crush ko, inaagaw. Pa’no ako n’yan magkaka-boyfriend?”

Isinukbit ko sa kanang balikat ko ang aking bag, saka lumabas ng kotse. Gano’n din ang ginawa ni Lorilyn na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob.

“Hayaan mo siyang gawin kung anong gusto niya. Saka hindi naman sinabi ni Robin na gusto niya rin si Arlene,” tukoy ko sa babaeng laging karibal ni Lorilyn sa lalaki.

Arlene’s boyfriend broke up with her with his reason na ang gusto na niya ay si Lorilyn na walang kamalay-malay sa nangyayari. That was way back when we were in eighth grade. Kaeskwela kasi namin si Arlene at ang boyfriend nito na si Lance na nasa kolehiyo ay laging dumadalaw sa classroom para kay Arlene at doon nito nakita si Lorilyn.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon