Custodio POV
"AMARA!" Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha.
Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya.
Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda na ay nangingibabaw pa rin ang kaniyang kagandahan.
Hindi rin nagtagal at nawala ang ngiti ko nang makita ko na sinugod siya ng isang kulay lila na lobo. Kakaiba! Ngayon lamang ako nakakita ng ganiyang klaseng lobo. Naaamoy ko na siya ay hindi lamang isang taong-lobo, kundi may dugo rin siyang sa mangkukulam. Kaagad na binalot ng matinding kaba ang aking puso ng makita ko na balak patayin si Amara ng lobong iyon. Parang binalot ng matinding katahimikan ang aking paligid at tanging ang malakas na pagkabog lamang ng aking puso ang naririnig ko. Ngunit nahinto siya sa kalagitnaan ng kaniyang pagbabalak.
Jennifer POV
"ORLANDO..." mahinang banggit ni Amara sa pangalan ng aking ama. Mula sa bintana ng kaniyang mga mata ay nakikitaan ko siya ng emosyon. Sakit, pagsisisi at takot. Sandali akong natigilan dahil sa nakikita kong halo-halong emosyon mula sa kanya.
Napatingin ako sa aking kamay na natigil sa ere. Bakit? Bakit hindi ko magawang ituloy ang dapat ay nagawa ko na? I should kill her and get my revenge for my parents. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin. Naguguluhan na ako sa aking nararamdaman. Hindi ganito ang inaasahan kong dapat na mangyayari.
"Ikaw ba ang bunso nila?" Garalgal at naluluhang tanong sa akin ni Amara.
Pinaglalaruan niya ba ako? Akala niya ba maloloko niya ako? Parte lamang ito ng kaniyang palabas. Hindi ako magpapadala sa kaniya. Baka nga isang ilusyon lamang ang nakikita ko.
Ngunit nagkamali ako nang muli akong mapatingin sa kaniyang mukha. Andun pa rin iyong galit ngunit bakit parang unti-unting tinutunaw iyon ng kaniyang maamong mukha. Sa sobrang pagkagalit ko sa aking sarili ay malakas kong isinuntok sa tabi ng kaniyang mukha ang aking kamao at bumaon sa lupa ang naghahabaang mga kuko ko.
Nagpalit ako ng aking anyo bilang tao. Kaagad na nabihisan ko ang aking sarili gamit ang aking kapangyarihan bago pa lumantad sa mata ng lahat ang aking kahubadan. Doon na tumulo ng walang humpay ang aking mga luha na kanina pa nagbabadya. Mabigat na mabigat ang aking dibdib dahil sa kabiguan ko na makamit ang aking paghihiganti. Bakit kasi hindi ko magawa? Andito na siya sa harap ko. Magbubunga na ang matinding pagsasanay ko oras na makitil ko na ang kaniyang buhay. Ngunit sa tuwing mapapatingin ako sa kaniya ay isang babae ang nakikita ko at hindi demonyo na kagaya ng nalalaman at naiisip ko patungkol sa kaniya.
"Why did you kill them?" Umiiyak na sigaw ko sa kaniya. May galit sa aking mga mata na tumitig ako sa kaniya.
Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. Napatakip siya ng kaniyang mga kamay sa kabuuan ng kaniyang mukha at doon ay nagsimula siyang humagulhol.
"Ang hirap kalabanin ng mismong sarili mo," saad niya sa pagitan ng pag-iyak. Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin?
Naramdaman ko ang pagbangon niya. Akala ko ay may gagawin siyang masama dahil kaagad kong inihanda ang aking sarili ngunit nagkamali ako. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako ng mahigpit. At ng mga oras na iyon ay nagsimulang maglakbay sa nakaraan ang aking isipan. Sa kaniyang masaya ngunit naging mapait na nakaraan.
BINABASA MO ANG
Before Us (COMPLETED)
WerewolfSet in 90's times... Jennifer Largo used to be a cold hot headed teenage girl. She was living a normal life, not until a faithful encounter with Akira Dela Cruz, a college guy who spilled a 1 peso worth of juice on her 7,000 worth of peso bag. Sh...