Sunshine's POV
"Here's your new assignment." Sabi ng boss niya sabay bigay ng folder sa kanya.
She grabs it at agad namukhaan ang nasa letrato. Yung lalaking madaldal na tinulungan niya ilang linggo na ang nagdaan. She read the file of her new assignment.
[Dark Ibrahim Jones, 35 years old and single. He is half Filipino - half American. A topnotch lawyer in the country. Wala pa itong natalong kaso. Maliban sa sikat na abogado ito ay anak din ito ng isang senador sa america.]
"As of now ay pinagbabantaan ang buhay nito at mukhang desidedo ang kung sino man na patayin ito. Now I want you to be his bodyguard."
"Pero sir diba pwedeng pulis nalang ang maging bodyguard niya?" Putol niya sa sasabihin ng boss niya.
"Sunshine hindi pwede. Tayo ang kinontak ng ama niya para sa siguredad ng anak nito dito sa pinas. And we can't fail the senator. Isa pa matagal ka nading di nag bodyguard, change surrounding kana muna." Sabi nito.
""Pero..."
"Walang pero pero. You will guard Mr. Jones and that's an order."
"Yes sir." Walang choice niyang sabi sa boss niya.
"You may take your leave now." Sabi nito kaya sumaludo siya bago umalis.
Dumeretso siya sa kotse niya dahil uuwi pa siya ng apartment para nag empake ng gamit. She will go to her new assignment tonight and introduce herself.
She's not really a police but their agency works with them sometimes. She's an agent in one of the top secret agencies who handles the jobs that the police force can't handle.
Inshort they're the one who do the dirty deeds. Kumbaga sa america sila ay myembro ng FBI. Pero mga piling tao lang ang nakapasa bilang agent sa agency at isa na siya doon. Ang bukod tanging babae sa Grim Agency.
When she arrives home ay agad siyang nag empake ng mga damit at baril na gagamitin niya sa trabaho. With what she saw the first time she saw him ay alam niyang seryoso ang pagbabanta sa buhay nito. Kung di nga niya nakitang dehado ito ay di siya tutulong eh.
After makapag empake ay tiningnan niya ang orasan, alas otso palang ng gabi. Sigurado namang gising pa ang magiging bago niyang alaga. With that thought ay agad siyang nagtungo sa bahay nito na nakalagay sa files na hawak niya.
Hindi na siya nagulat sa nakitang naglalakihang bahay sa subdivision kung nasaan ito nakatira. May security pero di gaano kahigpit dahil agad siyang pinapasok ng ipakita niya ang chapa niya.
When she arrives in his home ay tumayo siya ng ilang sandali sa labas. She check the whole outer area of his home at pinag aralan iyon. Once she's satisfied ay nag doorbell na siya. It took few doorbell rings bago bumukas ang gate at nakita niya at nakaharap ang lalaki.
"You!" Agad nitong sabi. "What are you doing here?"
Good that he asks. Ayaw niya kasi ng paligoy ligoy.
"I'm here to guard you sir. Your dad hired me to guard you." Sagot niya sa napaka kaswal na paraan.
Napakunot noo ito bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "Guard me? Eh ang liit mo."
Agad na ningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Yes, she's only 5'4 habang ito naman ay 6' ata ang taas. But he doesn't have the right to judge nor belittle someone just because of their heights.
Huminga siya ng malalim bago ito itinulak papasok sa loob ng gate nito na ikinagulat ng lalaki.
"Hey." Angal nito.
Nang nasa loob na sila ay agad niyang ikiniling ang ulo niya pakaliwa at pakanan bago ini stretch ang mga braso. After that ay tumingin siya sa lalaki bago itinaas ang palad.
"Come here. I know na may alam ka sa martial arts, so let's fight. Pag nasuntok mo ako within two minutes then I'll ask my boss to send other people to guard you, pero pag nasuntok kita in 1 minute I will stay and guard you even if you don't want to." Sabi niya bago napangisi ng sumama ang itsura nito. "Ano na, sugod na." She said at nang di ito kumilos ay walang babala niyang hinila ang braso nito at agad na susuntok sana na agad nitong nadepensahan.
In that lawn, two people fight. But in every fight there's always a winner. A person who will stand as undefeated.
"Tsk. Pano ba yan panalo ako." She said bago nginisihan ang lalaking nakahiga sa damuha. "Next time, wag kasi puro husga. Kukunin ko lang ang maleta ko." She said bago ito iniwan na tulala habang hawak ang labing pumutok dahil sa suntok niya.