"You plan all this?" Tanong niya sa asawa na ngayon ay nakaupo sa kama niya habang suot ang tshirt niya.
Yes asawa, dahil kinasal na sila three hours ago at ngayon ay nasa bahay niya at handa nang matulog dahil alas dos na ng umaga.
"Hmm." Sagot nito. "I have your files when I am your bodyguard kaya alam ko kung sino ang mga magulang mo at ang mga kaibigan mo. I also know how to contact them kaya tinawagan ko sila to set this up." Kaswal nitong sabi.
"Even my parents? How did you make my dad come here? He's a busy man."
"Sinta nag iisang anak ka nila. Of course they wanna see you get married. Isa pa mabait naman ang parents mo. Kasundo nga sila ng parents ko eh."
Napapailing na nameywang siya sa harap ng asawa na wala ng bahid na makeup ang mukha at nakatali na into a messy bun ang buhok.
"Di kaba nabibilisan sa Pag papakasal natin?" He asks. He just wanna know her reason.
"Di naman. I really wanna marry you Dark. Isa pa namumuhay na tayo sa iisang bahay at kasal nalang ang kulang kaya tinupad ko na yun. Mahal kita at mahal mo ako kaya bakit pa patatagalin diba? Yung iba nga ang tagal na mag jowa sa hiwalayan parin ang ending. And I don't want that. Ikaw ang first kiss at boyfriend ko and I want you to be my last." Sabi nito.
Napangiti siya sa sinabi nito at mas lalong umusbong ang pagmamahal na nararamdaman para dito.
"Ay wait May nakalimutan ako. Yung surprise ko sayo." Sabi nito bago umalis sa pagkakaupo sa kama at nagtungo sa walk-in closet nila at sinundan naman niya ito agad.
"Here." Sabi nito sabay bigay sa kanya ng envelope.
"Ano to." He asks bago binuksan ang envelope at binasa ang papel na nasa loob non. "Resignation letter?" He asks bago gulat na tumingin sa asawa na ang tamis ng ngiti sa kanya.
"Hmm. I resign as an agent. Para di kana mag alala sakin."
"Sinta you don't need to do this, I will understand." He said.
"Alam ko. But I wanna do it. For you and for us. I wanna be your wife na laging iintayin ang pag uwi mo at ihahanda ang mga gamit na kakailanganin mo sa pagtatrabaho. And if I get pregnant, mag reresign padin naman ako kaya uunahan ko nalang."
Titig na titig siya dito to see if may pagdadalawang isip ito. But all he could see is determination sa bagay o desisyon na ginawa nito.
"Mag aaral akong magluto at mag linis ng bahay para dimo na yun gawin."
"Sinta I can pay for someone to do that."
Lumapit ito sa kanya bago iniyakap ang mga braso sa batok niya.
"Alam ko. But I wanna be a good wife for you Dark. Ayaw ko na magkaroon ka ng rason na iwan o lokohin ako."
"Sinta."
"Subrang mahal kita alam mo yun. At hindi ko maipapangako na hindi lalabas ang mga ugali kong nakakainis kaya babawi ako sa pag aalaga sayo."
"But I love your attitude. The mataray at basagulerang version of you. You don't need to do all that things for me to be faithful Sinta. Mahal kita at sapat na dahilan na yun para di ako tumingin sa iba." He said bago tiningnan ang hawak na papel. "You really sure about this?"
"Yes."
Sinapo niya ang mukha nito bago ito siniil nang halik sa labi.
"Damn I love you so much." He said bago ito kinarga at agad naman nitong ipinulupot ang mga binti sa bewang niya. "Ready sinta?"
"Honeymoon naba?" Tanong nito na may ngisi sa mukha.
Tumango siya.
"Pwes kanina pa." She said bago ito mismo ang humalik sa labi niya.
Who would have thought? His bodyguard will end up being his wife?
THE END!!!!