"Where are we going?"tanong niya kay Sunshine nang gisingin siya nito nang maaga.
Naglalakad na sila sa dalampasigan ngayon at pansin niya ang mga tao na tila may inaabangan sa laot. Alas singko palang at papasikat palang ang araw.
"Mag aabang tayo ng mga mangingisda. Bibili tayo sa kanila pagkadaong nila para makamura tayo." Kaswal nitong sabi bago siya hinawakan sa kamay at hinila sa tabi nito.
Parehas silang nakaputing tshirt at itim na sweatpants.
"Sunny ikaw ba yan?" Anang boses babae sa likuran nila at nang lumingon sila ay may apat na babae na mukhang kaedaran lang ni Sunshine .
"Oi mga bakla. Kamusta."
"Mabuti. Ikaw ha ang tagal mong nawala, tas pag balik mo may kasama ka ng gwapo." Sabi nung isa kaya tipid siyang ngumiti.
"Ay asawa ko nga pala."
"Asawa?" Sabay sabay na sabi ng apat.
Tumango siya sunshine bago siya hinawakan sa kamay. "Girls meet my husband Dark. Sinta mga kaibigan ko dito."
"Hi ladies." Bati niya at oa man pero may napatakip pa talaga ng mukha habang nakatingin sa kanya.
"Diyos ko Sunny prayer reveal naman diyan." Sabi nung isa na ikinahalakhak ni Sunshine habang siya ay walang idea kung bakit ito natatawa.
"Lumuhod lang ako bakla at nanalangin."
"Niluhuran mo bhe? Sa harap ba?" Sabi na naman ng isa at mas lalong natawa si Sunshine.
"Yes baks. Niluhuran ko, at kinantahan ko."
"Ay marunong akong kumanta bakla. Beke nemen gusto ng asawa mo threesome ready ako." Sabi nung isa na ikinahilakbot niya at talagang napahawak siya kay sunshine na natawa sa reaksiyon niya.
"Hoy wag niyo takutin asawa ko. Joke lang yun sinta. Ganyan talaga sila magsalita."
Napalunok siya bago humigpit ang hawak sa kamay nito.
"Umayos na nga kayo. Baka hiwalayan ako ng asawa ko dahil sa inyo. But seriously girls, pinapakita ko lang sa asawa ko ang bahay ko dito bago kami bumalik sa manila."
"Ilang araw kayo dito?"
"Baka matagalan. Nasa honeymoon stage pa kami ng sinta ko."
Ok, di ba kinikilabotan ang babaeng to? At nag training ba itong umarte?
"Ay ayus yan. Malapit na ang fiesta sa barangay natin. Di mo naranasan yun yong andito ka kaya ngayon mararanasan muna kasama ang asawa mo. Ay hala andito na ang mga isda. Ay ang mga mangingisda pala. Mamaya ulit Sunny at Fafa." Sabi nung isa at sabay na nag alisan ang mga ito dahil dumating na ang mga bangka.
"Pasensiya na kanina. Sadyang mga baliw lang silang kausap at walang filter pero mababait naman ang mga tao dito." Sabi ni Sunshine bago siya tiningala at nginitian. "Halika na? Ipaparanas ko sayo ang buhay ng mga ordinaryong pilipino." Sabi nito bago siya hinila palapit sa mga balde baldeng isda na nahuli ng mga mangingisda.
Habang nakikipagtawaran at nakikipag kamustahan si sunshine sa mga tao sa paligid at inobserbahan niya ang mga kausap nito.
All of this people probably is leaving a below minimum amount of money a day pero kita mo ang saya sa mga itsura ng mga ito.
He never experienced being surrounded with the low class people, not because he is prejudiced but because he just didn't get a chance too.
But now he is living like a normal pinoy with his makulit at nakakatakot na asawa and even if he knows this is just for a show for him to be hidden and safe . He felt happy, all because of sunshine.
Speaking of her...
Nilingon niya ito at nakatingin lang ito sa kanya na may maliit na ngiti sa labi. At nang magtama ang mga mata nila at lumapit ito sa kanya bago may inilahad na malaking isda na hawak nito.
"Look, libreng bigay ng kakilala ko. May ipapakain na ako sayo sinta."
Dug dug dug
Damn this is bad.