Chapter 15

3.6K 157 17
                                    

Another weeks had passed at fiesta na ngayon sa barangay kung saan sila nagtatago ni Dark.

"Have you ever been to a fiesta?" Tanong ni Dark.

Magkatabi sila nito habang nanonood sa mga kapitbahay nilang busy sa pagluluto. Dahil sa may pera ito ay sinabi nito sa mga kapitbahay nila na ito ang sasagot sa gastos sa mga pagkain sa fiesta.

Kaya tila naging palaking piging ang nangyayari ngayon. Ang mga kababaehan ay busy sa pagluluto ng ibat ibang putahi ng pagkain habang ang mga lalaki ay naglelechon ng limang baboy, halos trentang lechon manok at mga malalaking isda iniihaw.

Naibigay nadin nila kay Manong Lando ang pera para sa mga bangka ng mga kapitbahay nila at ito na ang bahalang mag distribute mamaya.

"Oo naman. Pero hindi sa barangay nato at lalong hindi ganitong kadaming pagkain." Sabi niya habang kumakain ng biko na isa sa mga luto ng mga kapitbahay nila.

Meron din kasing mga dessert at mga pagkain para sa mga bata ang inilaan ni Dark para daw lahat ay masaya.

"May perya daw mamayang gagabi. What is like to be in a perya?"

"Nakapunta ka naman siguro sa amusement parks diba? Parang ganun rin pero more on mumurahing palaro lang."

"We should go later."

Napangiti siya bago tumango at ipinagpatuloy ang pagkain. Bakit ba eh sa food is life.

Nang matapos sa pagluluto ang lahat makaraan ang ilang oras ay naglatag naman ang mga kalalakihan ng napakahabang mesa sa dalampasigan. They've decided na salo salo silang kakain. At kung may mga dayo naman eh welcome silang makikain sa mesa.

Dark even help on putting the food on the table. At ngayon niya lang napansin na ang maputi nitong balat ay may kulay na. Siguro sa kakabilad nito ng araw at kakaligo sa dagat.

Dark is love by their neighbor. Lagi itong nakikihalubilo sa mga kapitbahay nila na para bang napaka normal na gawin iyon.

"Sinta halika na." Tawag ni Dark sa kanya nang tapos na ang mga ito sa paglalagay ng pagkain sa mesa.

Nangingiting lumapit siya sa tabi nito bago tila nagningning na tiningnan ang mga masasarap na pagkain sa mesa lalo na ang lechon baboy at manok na naka ready nang kainin.

"You really love food." Bulong nito sa kanya napatingala siya dito. Dark smile bago ginulo ang buhok niya. "Ang ningning nang mga mata mo habang nakatingin sa pagkain."

Ngumisi siya bago tumango. Totoo naman.

"Dark iho, maraming salamat sa pag gastos sa mga pagkain na to." Anang isang matanda na mangingisda.

"Walang ano man yun tay. Isa pa ang makikinabang naman sa mga pagkain na to eh ang asawa ko." Dark said bago siya inakbayan na ikinagulat niya. "Mahilig po sa pagkain ang asawa ko kaya sure akong happy siya today. Diba sinta?"

Mabilis siyang tumango na ikinatawa ng mga kapitbahay nila.

"Ano pang hinihintay natin? Kumain na po tayo." Dark said at agad namang nagsikainan ang lahat.

Galit galit muna ang lahat for ten minutes hanggang sa napuno ng ingay ang napakahabang hapagkainan. Puro kwentuhan sa ibat ibang panig ng mesa. Mga tawanan at halakhakan na siyang nagpapasarap sa pagkain.

"Try this sinta." Dark said bago isinubo sa kanya ang balat ng lechon baboy.

Isang ungol ang napakawalan niya ng malasahan ang sarap nun at ang crispy skin na di naman makunat.

"Ang sarap." She said at ng tingnan niya si Dark ay tulala itong nakatitig sa kanya. "Bakit?" She asks at napalunok ito bago umiling at nag iwas nang tingin.

Problema ng lalaking to.

"Kain ka rin." She said bago ito sinubuan ng lumpia na agad nitong kinagat.

Halos isang oras din silang kumain. Well more on nahati sa pagkain at pagkekwentuhan ang nangyari. At nung may mga dayo na dumating ay napagpasyahan nilang dalawa na umupo sa mga silya kasama ang ibang kapitbahay nila habang ang iba ay naglagay naman ng mga pagkain ulit sa mesa para sa mga dayo na nakiki fiesta sa kanila.

"Matanong ko lang, kayo ba ay walang balak na mag anak?" Tanong ng isang ginang na kapitbahay nila.

Magkatabi sila ni Dark at nakapatong ang kamay nito sa sinasandalan niya kaya tila ito nakaakbay sa kanya.

"Wala pa po nang. Itong asawa ko muna ang baby ko." Dark said kaya siniko niya ito. "Oh bakit, ikaw naman talaga ang baby ko." He said at inulan sila ng tukso ng mga kapitbahay nila.

"Hindi ko akalain na makikita kong may asawa tong si Sunny. Dati ang tahimik ng batang to, tila laging pasan ang mundo. Nakikihalobilo man pero hindi nagtatagal."

"Grabe ka mang lando, may pinagkakaabalahan lang ako dati." She said dahil nung nag undercover siya dito dati ay talagang trabaho lang siya. Ni hindi nga alam ng mga kapitbahay niya na siya ang dahilan kaya nawala ang smuggling ng droga sa lugar nayun.

"Oh pre inom ka." Sabi ng lalaking kapit bahay nila na laging kasama ni Dark sa kwentuhan. May iniabot itong baso na may orange color sa loob.

"Ano yan?"

"Lambanog Sunny." Sagot nito.

Nilingon niya si Dark ng inabot nito iyon at ininom ng straight iyon bago ito napangiwi.

"Fuck that taste weird." Sabi nito.

"First time mong uminom niyan?" Tanong niya at tumango ito. "Eh bat mo inistraight agad? Paano kung malasing ka?"

Dark lean on her at ipinatong ang ulo sa balikat niya. "Andiyan ka naman sinta." Sabi nito at tila walang pakialam sa mga kapitbahay nilang nakatingin sa kanila na nakangiti.

"Pag ikaw nalasing Dark, nako pagagapangin kita pauwi." Sabi niya na ikinangisi nito.

"Oh come on sinta, alam kong kaya mo akong buhatin."

Nanlaki ang mga matang tiningnan niya si Dark. "Heck no. Sa laki mong yan sure akong mabigat ka kaya no way. Gumapang ka pauwi pag nalasing ka."

"Sige ako nalang kakarga sayo." Sabi nito.

"Eh kung mahulog mo ako?"

Tinitigan siya nito. "Sasaluhin naman kita sinta, at kahit malasing ako sure akong di kita ihuhulog dahil ayaw kong masaktan ka." Sabi nito na ikinapula niya.

Bakit ba nauwi sa ganito ang usapan nila?

"Oyyy kinikilig ang bakla." Sabi ni Mercy at agad nasundan iyon ng mga tawanan. Kainis.

"Nakakaaliw talaga kayong mag asawa. Parang asot pusa lagi."

Niyakap siya ni Dark patagilid bago sunagot. "Love language po kasi ng sinta ko ang awayin ako."

Siniko niya ito ng malakas at napangiwi naman ito.

"At pati pala pananakit sa akin eh love language niya din. Battered husband po ako ng asawa ko. Baka sa susunod na araw ipapabarangay ko na to." Dark said kaya naghalakhakan na naman ang mga kapitbahay nila.

"Tsk isang lambanog palang ang naiinom mo ganyan kana." Sabi niya bago humalikipkip.

Ngumiti si Dark bago nilingon ang lalaking nagbigay ng alak dito.

"Pass na muna ako sa inuman pare. Mahirap na baka magalit misis ko." Sabi nito.

"Takusa ka pala Dark eh. Takot sa asawa." Nagtawanan ang mga ito.

Ngumisi si Dark bago hinawakan ang mukha niya at iniharap sa mga kausap nito.

"Pre mukhang anghel lang ang asawa ko, pero pag nagalit ito bala ang ipapaulam nito sa akin at pulbura ang magiging asukal ng kape ko." Sabi nito at naghalakhakan naman ang mga kapitbahay nila.

Inis na kinurot niya si Dark na ngumisi lang sa kanya bago siya hinalikan sa noo.

Kainis tangina.

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon