Chapter 7

3.9K 132 7
                                    

Dark's POV

Nakatingin lang siya kay Sunshine habang chinicheck nito ang mga baril sa loob nang bag na bitbit nito. After nitong maligo akala niya ay matutulog ito pero pinaayos lang sa kanya ang sofa bed at agad itong umupo dun at inilatag ang mga ibat ibang klase nang baril.

"Do you know how to use gun?" Tanong nito.

"Yes. The basic, I own one with license dahil nadin sa propesyon ko. But I am not good."

Tumango ito bago ito tumingin sa kanya. "Bukas tuturuan kita. You need to learn how to aim good dahil tayong dalawa lang ngayon, hindi ako laging nandito para iligtas ka." Malumanay nitong sabi na para bang wala itong iniindang sakit sa katawan.

As what he said he knows the basic but his not as good as this woman. May alam din siya sa martial arts pero tama lang. Hindi niya kasi kinahiligan ang mga yon.

"Can I ask you something?" He said at tumango naman ito. "What are you really? I mean your job. Do you work in an agency? Like fbi and such?"

Tinitigan siya nito bago tumango. "Yup like that." Sabi nito.

"But why? Babae ka."

Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. "And so? Porket ba babae hindi na pwede? Ikaw ha sa simula pa lang ang laki na nang problema mo sa trabaho ko. Gender discrimination na yang ginagawa mo."

"No that's not what I mean. I mean out of all job bat ito ang pinili mo?"

"Dahil ito ang gusto ko."she said bago ito yumuko at kumuha nang baril bago nito iyon itinutok sa kanya. "I love guns, fist fights and I owe someone alot for giving me a family way back. And I promise to myself na gagawin ko lahat maging proud lang ang mga taong yun sa akin.After all those people change my life, I am what I am now because of them." She said

Napatahimik siya bago ito tinitigan. Sincerity is visible in her eyes habang nakatitig sa kanya.

"Lucky people then." Mahinang sabi niya na ikinangisi nito at tumango lang pero di na nagsalita.

"Matulog ka na." She said. "It's late Dark you need to sleep."

"Paano ka?"

"Mamaya na, babantayan muna kita." Kaswal nitong sabi pero ang lakas nang impact sa kanya. He could feel his heart beating so fast sa sinabi nito.

Bumuntong hininga siya bago humiga, he ask her to sleep in the bed at siya nalang sa sofa bed kanina pero umayaw ito at tulad nang nakagawian hindi na siya nakipag talo. He closed his eyes and let darkness take over which happen fast dahil narin siguro sa pagod nang katawan niya.

—————————-
Sunshine's POV

Agad siyang napangiti nang makitang mabilis na nakatulog ang binata. So she get up and place some guns inside the apartment. Like under the table, under his bed, sa banyo at kusina. All those guns are loaded already, she needs to be ready sa kahit anong sitwasyon. Mahirap nang di maging handa.

After putting all the guns to their places ay tumayo siya sa gilid nang kama at pinakititigan ang tulog na binata. Napaka peaceful nang itsura nito, she wonder what he looks like if his genuinely happy.

"Goodnight Dark." Bulong niya bago dahan dahan ang galaw na nagpunta nang banyo at nagpalit nang all black na outfit. She then wear her mask and get her sniper gun.

Nang masigurong himbing na himbing ang tulog nito ay maingat siyang lumabas nang apartment at inilock iyon bago siya naglakad sa isang malaking puno na nakita niya kanina at inakyat iyon.

Nang makapwesto na siya sa pinakataas at masigurong hindi siya madaling mahulog ay agad niyang sinuri ang lugar at napangiti nang makitang kitang kita niya sa pwesto ang buong palibot nang apartment na inuupahan nila.

And for couple of hours she stayed their checking everything and everyone to be sure na walang mga kalaban sa paligid. Halos pasikat na ang araw nang maisipan niyang bumaba at bumalik sa apartment, but when she get inside she gut stunned to see Dark awake at tila kanina pa to gising dahil palakad lakad ito sa loob nang apartment.

"Hey." Bati niya at tila nakahinga ito nang maluwag nang makita siya. Before she could say anything ay lumapit na ito at niyakap siya. "D-dark."

"Fck bat ba lagi kang umaalis?" Masungit nitong tanong bago siya sinuri. "Di ka natulog?"

Umatras siya palayo dito bago huminga nang malalim, ni hindi man lang niya namalayan na pinipigilan niya ang huminga habang yakap nito.

"Hindi, kailangan kung bantayan ang paligid. Dahil mas nagiging aktibo ang mga kalaban pag gabi." She said bago nilagay ang baril sa mesa at humiga siya sa sofa bed. "Nagugutom ako." She said.

"Wait ill cook breakfast." Sabi nito na nagpangiti sa kanya.

Gusto na niyang matulog pero hindi niya palalampasin ang kumain nang luto nito. Dahil kung may talent man ang binata yun ay ang masarap itong mag luto. The good aroma of the food he made fill the whole apartment kaya bumangon siya at pumwesto na sa mesa.

Nang ilapag nito ang pagkain ay di na niya ito hinitay at nagsimula nang kumain na ikinailing lang nang binata. They eat in silence at nang matapos sila ay agad niyang hinugasan ang mga pinggan na nagamit nila.

"Matutulog ako nang tatlong oras. So please don't go out. Matulog ka narin ulit dahil mukhang di ka nakatulog nang maayos kagabi." She said bago siya humiga sa sofa bed.

Nilingon niya ito nang umupo ito sa sofa bed sa gilid niya.

"Go to sleep, I'll just sit here and read my books." Sabi nito sabay pakita sa librong nabili nito kahapon.

Nagkibit balikat siya bago tumalikod dito at pumikit. Hindi niya alam kung panaginip ba o ano pero tila may humahaplos sa ulo niya bago siya lamunim nang antok.

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon