Special Chapter

3K 112 20
                                    

"Sinta?" Tawag niya sa asawa at nang walang sumagot ay nagtungo siya sa kusina at doon nakita niya si Dark na abala sa pagbabalat ng mangga.

"Dark." She said na ikinabaling nito sa kanya. "Bat gising ka pa? Diba may hearing ka mamaya?" She asks bago lumapit dito. Alas tres palang ng madaling araw.

"Sinta. Bat ka naglakad ng walang tsinelas? Malamig ang sahig." Sabi nito bago siya halos kargahin at iniupo sa bar stool. "Nagising lang ako 30 minutes ago. Nireready ko lang ang kakainin mo mamaya. You've been craving for these mangoes kaya hinahanda ko lang."

Napangiti siya bago yumakap sa bewang nito. "Salamat Sinta."

Ramdam niya ang paghalik nito sa noo niya bago ito yumuko para halikan siya sa labi. "I love you." Bulong nito bago siya niyakap.

Being married to Dark for six months now is an adventure. May time na nag aaway sila. Dahil magkaiba sila ng opinyon, but they always settle it right away. Wala ata silang away o tampuhan na nagtagal ng isang oras. And now that she's two months pregnant with a triplets ay mas naging sumpungin siya, pero mas humaba naman ang pasensiya ng asawa niya.

Literal na sinunod nito ang kasabihang happy wife is a happy life.

"I love you too sinta." Sabi niya. "Pwede akong sumama sa opisina mo mamaya?"

"Oo naman. Nabobored kaba dito sa bahay?" Tanong nito bago inayos ang buhok niyang sure siyang tila pugad ng ibon sa gulo.

Ewan niya ba pero hindi siya talaga pala ayos. Pero kung makatingin ang asawa niya sa kanya ay tila siya ang pinakamagandang babae sa mundo. No jokes ha, pero inlove na inlove ang loko eh.

"Medyo. Plus gusto lang kitang nakikita lagi. Sabi ni mama pinaglilihian daw kita. Which is ok. Dahil gusto kong maging kamukha mo ang mga anak natin."

Napangiti ito bago isinandal ang noo sa noo niya. "You love me too much Sinta."

"Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto." Sabi nito bago siya hinalikan ulit sa labi. "Good lord ang ganda ng asawa ko."

Natawa siya bago ito hinampas sa dibdib. "Saan banda ang ganda eh ang dugyot ko ngang tingnan."

"Sinta sa mga mata ko ikaw ang pinakamaganda. Kahit basahan pa ang suot mo at kahit wala kang suklay eh maganda ka parin. Lalo na ngayong buntis ka." Sabi nito bago hinaplos ang tiyan niya. "I still can't believe we will going to be a parent. Handa ka naba sinta?"

"Hindi Syempre. Pero pipilitin kong maging mabuting ina nang mga anak natin. Isa pa andiyan ka naman. Alam kong dimo ako pababayaan. Bakit? Natatakot ka ba?" Tanong niya.

Huminga ito ng malalim bago yumakap sa kanya nang mahigpit. "Yes. But I'm excited too. Sana maging kamukha mo ang kahit isa. Gusto kong may replica ang babaeng mahal ko."

"Corny mo." She said na ikinatawa nito bago siya hinalikan sa noo.

"Love mo naman. Anyway stay here and I'll just finish pilling the mangoes and I'll get you some warm milk too. Are you hungry now? Do you wanna eat something?"

Umiling siya bago nangalumbaba sa island kung saan ito nagbabalat ng mangga.

"I'm good sinta. Panonoorin nalang kita."

"Baka ma inlove ka sakin lalo sinta."

Natawa siya bago ngumuso. "Di na kailangan dahil inlove na inlove na ako sayo. Kiss mo nga ako." She said na agad nitong sinunod.

Gusto niyang matawa ng makita ang pamumula nito after siyang halikan.

"Bakla ka talaga sinta."

Napailing ito bago siya dinampian ulit nang halik sa labi.

"Tomboy ka naman."

—————————-####——————-
Merry Christmas everyone.

Jes

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon