Agad siyang napatingin sa cellphone ni Sunshine nang tumunog iyon.
"Hello?" He answered.
"Good evening Mr. Jones. Just letting you know that the person who wanted you dead is already dead. One of my people killed him while being on the way to get you." Agad na sabi ng kabilang linya na tila hindi man lang nagulat nang siya ang sumagot imbis na ang dalaga.
"Who is it? Who is the one who wanted me dead?" Tiim bagang tanong niya.
"Mr. Chua." Simple nitong sagot na ikinamura niya.
His last case. Naipakulong niya ang anak nitong drug lord.
"You can return to your home and live life like normal Mr. Jones. I already send some of my people to take care of Sunshine."
"B-but she's in the operating room."
"I know. Anyway, you can come home whenever you pleases. There's no more harm in your life. Bye." Sabi nito bago ibinaba ang tawag.
Habang siya naman ay napatingin sa operating room ng ospital kung saan niya dinala ang dalaga.
"Iho."
Napatingin siya sa nagsalita at nakita ang isa nilang kapitbahay na dala ang stuffed toy na pinabalikan niya sa mga ito. He wanted sunshine to see it once she open her eyes.
"Salamat po." He said ng ibigay sa kanya ang stuffed toy.
"Kamusta na si Sunny?"
"Hindi pa po lumalabas ang doctor." Sabi niya bago yumuko. He saw his shirt full of blood from sunshine. "Pwede po bang makisuyo. Pagbilhan niyo po ako ng tshirt sa baba?" Sabi niya bago dudukot sana ng pera sa pitakang dala niya ng umiling ang kapitbahay nila.
"Wag mo nang alalahanin ang bayad. Ako ng bahala." Sabi nito bago umalis.
Habang mag isa ay madami ang gumugulo sa isip niya. Pero mas nangingibabaw ang takot sa puso niya.
Seeing her lifeless awhile ago scared the fuck out of him. Nung kahit anong gising niya ay di ito dumilat.
He can't lose her. He can't lose the woman who save his life. Ang babaeng tila reyna na nagtayo ng palasyo sa puso niya at nanirahan doon.
Yes, he's been secretly falling for her. Sino ba ang hindi? Mas maton man itong gumalaw kesa sa kanya eh hindi naman maipagkakaila na hindi ito mahirap mahalin.
Brusko man ito pero sinisiguro naman nitong laging nasa mabuti siyang kalagayan. She may be bossy but she's also sweet at the same time.
God knows how he wish that their setup is real. Yung mag asawa talaga sila at naninirahan sa probinsiya na May simpleng pamumuhay.
"Mr. Jones."
Agad siyang napaangat ng tingin nang may lumapit sa kanyang apat na lalaki. Lahat ay nakaitim at may mga armas sa balikat.
"Who are you?" He said bago tumayo.
"We're here for Sunshine. Mga kasama niya kami sa trabaho. Pinapaalam ng boss namin na kung gusto mo nang umuwi sa manila eh ihahatid ka namin." Sabi ng tila leader ng grupo.
Magsasalita sana siya ng bumukas ang operating room at lumabas ang doctor.
"Good evening, I'm doctor cruz, sino sa inyo ang pamilya ng pasyente?" Tanong ng doctor.
"Ako doc. Asawa niya ako." He said na ikinabaling ng mga kasama ni Sunshine sa kanya.
"Hello sir, I just wanna inform you that the patient is safe. Nakuha na po namin ang bala sa katawan niya at wala nama pong organs ang natamaan sa awa ng diyos. We will send her to one of the rooms here and she needs to stay for couple of days so we can monitor her and to assure her recovery."
Tumango siya bago nakipagkamay sa doctor. "Salamat doc." He said at nagpaalam naman ito.
He looks at sunshine's subordinate bago nagsalita.
"I'm not going home hanggat di kasama ang asawa ko." He said sabay kuha sa teddy bear at punta sa receptionist desk.
He will make sure sunshine will get the best room and care this hospital could offer.