Dark's POV
"Oh kumain kana." He said sabay baba nang pagkaing niluto niya sa mesa. "Sunshine." Tawag niya dito nang tila wala itong nadinig.
"Ha?"
Napailing siya bago nakasimangot na umupo sa harap nito. "Ang sabi ko kumain ka na."
Ngumisi ito bago agad na tumayo at naglakad patungong dining area nang bahay niya.
Naiiling na sumunod siya dito at halos mapangiwi siya nang makita ang subrang ganado nitong kumain, nakataas pa ang isang paa sa upuan. Tila ito lalaki sa lakas nitong kumain, walang kahinhinan.
"Magdahan dahan ka nga, baka mabilaukan ka at ikamatay mo pa." He said pero tila wala itong nadinig at ipinagpatuloy lang ang pagkain.
Nakakainis talaga ang babaeng to, siya ang boss pero ito at naging tagaluto siya nito. Tsk when he ordered pizza awhile ago ay ni hindi man lang ito kumain dahil gusto nito lutong bahay so He doesn't have a choice but to cook for her food and eat the pizza alone. Napakaarte.
"Kababae mong tao, dika marunong magluto." He said.
Nilunok nito ang pagkain sa bibig nito bago siya samaan nang tingin. "Hindi nga ako marunong magluto, pero marunong akong pumatay gusto mo sampulan ko yang buhay mo?" Walang emosyon nitong sabi kaya napailing nalang siya.
"Tsk nagsasabi lang ako, bat ka nagagalit?"
"Di naman ako galit. Kasi kung galit ako baka butas na yang bungo mo sa mga sandaling to." She said at inignora siya.
Bumuntong hiningang siya bago tumayo, kumuha siya nang tubig para dito. Peste naman kailan ba siya mananalo sa babaeng to? Siya ang boss, ang amo sa kanilang dalawa pero bakit tila siya pa ang nagsisilbi sa babaeng to?
"Matutulog na ako. Ikaw ang maghugas nang pinagkainan mo." He said at tumango ito kaya lumabas nalang siya nang kusina.
His house is not that huge, it only have two room. At kahit dalawa ang kwarto niya ay mas pinili nitong matulog sa sala, dahil mas mababantayan daw nito ang paligid pag di ito nakakulong sa kwarto. Kaya instead na yung sofa niya dati ang andun ay nagpabili siya nang sofa bed para dito.
When he entered his room ay agad siyang humiga sa kama at pinakititigan ang kisame. For almost six months now ay hindi na normal ang buhay niya, fck bakit ba kasi tinanggap niya ang trabaho na ang mga kalaban ay mga malalaking drug lord sa pinas? Tsk, hindi na natahimik ang buhay niya, and it's been awhile since he got laid.
But his life is change for now. May bodyguard siyang sakit sa ulo, at mga pagbabanta sa buhay niyang di niya alam kung kailan matatapos. Sana lang talaga mahuli na nang kasama ni Sunshine ang taong gusto siyang patayin. Dahil nakakapagod ang magkaroon nang hindi normal na buhay. Goodness, he wanna go to a bar, get some woman to fill his needs.
He closed his eyes and just let sleep takeover. Today is crazy day, and he was drained from everything.
He was about to fall asleep ng agad siyang napabalikwas nang makadinig nang ingay sa sala, he immediately goes out of his room to check the living room at ganun nalang ang gulat niya nang makita si Sunshine na pinapatumba ang isang lalaki habang ang isa ay tulog na sa sahig.
Kitang kita niya kung paano nito sinipa ang tiyan nang lalaki kasabay nang pag suntok nito sa gilid nang leeg na ikinatumba nang kalaban. Tila di pa ito na kuntento at hinawakan nito ang kwelyo nang lalaki at walang pag aalinlangan na pinagsusuntok ang mukha nito hanggang sa mawalan ito nang malay.
"Shine." He said nang makitang hindi parin ito tumitigil.
Nilingon siya nito bago nito basta basta nalang binitawan ang halos di na makilalang mukha nang lalaki. Kinuha nito ang dalawang baril nito at inilagay sa may likuran nito bago ito tumingin sa kanya.
"Kunin mo ang mga importanteng dokumento na meron ka, magdala ka nang pera, madami. Magpalit ka narin, aalis tayo." Sabi nito bago tiningnan ang mga nakalaban nito. Halos mapangiwi siya nang pag sipa sipain nito ang dalawa habang nagsasalita. "Peste kayo ang sarap na nang panaginip ko, dinisturbo niyo pa tangina."
Umiling nalang siya bago dali dali pumasok sa loob nang kwarto at nagpalit nang damit he then grab his backpack and put all the cash in his vault , grab all his cards and put all his important documents sa suitcase niya bago lumabas at tinungo ang dalaga.
Nang makitang ready na siya ay agad nitong pinatay ang cellphone nito bago siya tinitigan. "Nakatulog kaba?" Tanong nito.
Umiling siya bago tiningnan ang relo sa sala. "Halos patulog palang" He said at tumango ito. "Saan tayo pupunta?"tanong niya habang nakasunod dito palabas nang bahay niya.
"Probinsiya, kailangan kitang itago. Gusto ka talagang tapusin ng nakalaban mo." Kaswal nitong sabi kaya napahinto siya sa paglalakad. Tumingin ito sa kanya. "Don't worry dadaan muna sila sa bangkay ko bago ka nila mapatay."
"Why would you do that?" He said pero tiningnan lang siya nito. "Why would you sacrifice yourself for me?"
Huminga ito nang malalim bago siya tinitigan sa mata.
"Bakit hindi? You are worth the sacrifice Mr. Jones, way worth it. Isa pa ay trabaho ko yun. I promise to protect you with all my life. So be a good boy now at wag nang maraming tanong." Sabi nito bago ito umalis.
Damn Sunshine