Chapter 12

3.4K 132 9
                                    

"What did I do this time?" He asks ng makita ang matatalim na tingin ni Sunshine sa kanya. Katatapos lang nilang kumain.

"Inubod mo ang isda. Ikaw din ang may pinakamaraming nakain." Sabi nito ng nakasimangot.

"And your mad because?"

"Dahil mas marami ang nakain mo kesa sa akin."

Napabuntong hininga siya bago timunghay kay Sunshine. Bat ba hindi ito kilos babae? Kung kumain din mas lalaki pang umasta kesa sa kanya.

"Sinta gutom ako at masarap ang pagkakaihaw ng kapitbahay sa isda kaya naparami ang kain ko. Kung galit ka sige ibibili kita ng sampung isda tas ikaw lang ang kumain."

Umirap ito bago inilahad ang kamay sa harap niya.

"What?" Taka niyang tanong.

"Pera. Pengeng pera dahil talagang bibili pa ako ng isda. Gutom pa ako at hindi ako magiging ok hanggat hindi ako busog."

Naiiling na tumayo siya at naghugas ng kamay bago nagpunta sa bag niya at kumuha ng isang libo doon at ibinigay iyon kay Sunshine.

Agad naman itong napangisi bago nagmamadaling lumabas ng bahay. He sighed before start putting dishes in the sink and washing it. It may not obvious but he knows some house hold chores dahil muka college ay mag isa na siyang namuhay sa condo na niregalo sa kanya ng daddy niya. He also made a new batch of rice incase na kulangin si Sunshine na mukhang may anaconda sa tiyan.

Tapos na siyang mag saing sa rice cooker at mag hugas ng pinagkainan pero di pa nakakabalik ang babae kaya lumabas siya sa bahay at agad itong nakita na may kargang bata habang nakangiti.

"Sunny asawa mo mukhang hanap kana." Dinig niyang sabi ng kausap nito.

Kita niya ang pagbigay ni Sunshine sa bata sa mukhang ina nito bago siya nilapitan.

"May kailangan ka?"

"Wala naman. Nagtaka lang ako dahil ang tagal mong bumalik."

Tumango ito bago may itinuro na mga lalaking nag iihaw ng isda.

"Dipa sila tapos eh. Halika, bili tayo ng coke para may panulak tayo." Sabi nito bago siya hinawakan sa kamay at hinila palakad.

"You know coke is bad for you."

"If madami ang iniinom mo." Agad nitong sagot kaya napailing siya, hindi talaga ito nawawalan ng panguntra sa mga sinasabi nito.

Nang makarating sila sa isang tindahan ay bumili sila ng dalawang litro ng coke, mga chitchirya, shampoo and sabon sa katawan at kape at gatas tsaka asukal.

"Subrang saya ni Aling alma." Sabi niya dahil ang laki ng ngiti ng matanda habang bumibili sila.

"Ofcourse halos ubusin natin ang nasa tindahan niya." Sabi nito.

"I like it here Sinta." He said bago tumingin sa paligid. "Maaliwalas at payapa."

Ngumiti ito. "Mabuti naman dahil nabahala ako na baka mahirapan kang mag adjust."

"Why would you say that?"

"Dahil mayaman ka."

"Not all rich is bad."

"Alam ko at napatunayan ko yun dahil sayo. Kaya sana habang andito tayo eh mas lalo mong maapreciate ang buhay na meron ka. Not everyone is lucky like you. And yes yung iba eh lumaking mahirap at mamamatay ding mahirap hindi dahil tamad sila kundi dahil walang oportunidad na inilahad sa harap nila na siyang mag aahon sa kanila sa kahirapan."  Sabi nito.

Napatitig siya dito. She really got some aura in her na tila ang dami nitong alam sa buhay.

"Wag mo akong titigan." Biglang sabi nito.

"At bakit hindi?"

Inirapan siya nito bago naunang maglakad pabalik sa bahay.

"Dahil nababadtrip ako."

"Tsk ayaw mong titigan ka ng gwapo?"

Ngumisi ito bago siya nilapitan. "Gwapo? Saan banda?" She said.

Agad nanlaki ang mga mata niya at tangka itong hahabulin nang mabilis na tumakbo si Sunshine habang tumatawa.

Napailing siya habang tinitingnan ang mukha ng babae. For once he saw her so carefree.

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon