Chapter 9

3.5K 127 9
                                    

Dark's POV

Kanina pa siya nakatitig sa dalaga na ngayon ay busy sa pagkalikot ng laptop sa harap nito. After nilang mag insayo ay agad silang umuwi dahil may natanggap itong tawag mula sa boss nito.

Magsasalita sana siya para tanungin ito kung nagugutom na nang bigla itong tumayo at bakas na bakas sa mukha nito ang galit.

"May problema ba?" He ask.

"Putangina." Sabi nito bago nagmadaling kumuha ng bag at mabilisang naglagay ng mga damit nila doon.

"Hey."

"Maghanda ka aalis tayo." She said at kahit nagtataka ay sinunod niya ito. He then grab some clothes and of course the bundle of money he brings. "Fck bilisan mo Dark." She said at ng makita siya nitong tapos na ay agad siya nitong hinila palabas.

Halos patakbo siyang sumunod dito nang pumasok ito sa may kagubatan malapit sa lugar na inuupahan nila. She was carrying a bagpack at isang bag na mga armas ang laman.

"Why are we running away?"

Tumingin ito sa kanya bago bumuntong hininga. "Alam na nang mga gustong pumatay sayo kung saan tayo nagtatago. By now nasa apartment na sila at hinahalughog ang paligid." Kaswal nitong sabi.

"What the fck?"

"They trace us dahil sa pagtawag mo sa tauhan mo sa law firm mo. They tapped your phones in the office kaya madali ka nilang natuntun." Paliwanag nito.

"Damn it. I'm sorry shine." He said.

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "Ok lang. Nasasayangan lang ako sa perang ibinayad natin para sa apartment at pinambili nang mga gamit."

"It's just money shine." Sabi niya at tumango nalang ito.

"Tsk sana piniga ko ng maayos ang kalaban nung isang araw."

"Kinausap mo ang kalaban?" Tanong niya at gulat na nakatingin dito.

Tumango ito bago tumalikod. "Hmm nung binugbog ko na tsaka maayos na nagsalita kaya kinausap ko na din." She said at napahinga nalang siya ng malalim.

Bakit ba napaka kaswal magsalita ng babaeng to? Tipong wala man lang takot sa katawan.

"I should have not take that case, damn it." Frustrated na reklamo niya.

"Wag mong sabihin yan. Masaya akong naipakulong mo ang drug lord na yun. Madami kang taong natulungan dahil sa ginawa mo, at mga kinabukasan nang kabataan na biktima ng gulo sa droga."Malumanay nitong sabi at tahimik na naglakad palayo kaya wala siyang choice kundi ang sumunod.

———————————-
Sunshine's POV

Ilang buntong hininga naba ang napakawalan niya? Peste pagod na pagod na ang katawan niya pero kailangan nilang makalayo sa lugar na inuupahan. She look at dark at tila may pumisil sa puso niya ng makita ang frustrated at pagod nitong itsura.

"Magpahinga muna tayo." She said at agad na umupo at sumandal sa puno. She look at Dark nang umupo ito sa harap niya at gumaya sa kanya bago ito pumikit.

A small smile appear on her face nang makita ang itsura nito. Ang gwapo talaga nito kahit mukhang pagod at pawisan. Ang ganda ng kombinasyon nang tatay nitong amerikano sa nanay nitong pinay. Gusto niyang tuktokan ang sarili dahil hindi niya maalis ang mga mata sa pagtitig dito. 

"If looks could melt a person, sure akong tunaw na ako ngayon shine." Sabi nito habang nakapikit parin.

Napa tsk siya bago ngumisi at pumikit narin. She needs to rest, damn it ni hindi man lang sila umabot nang isang linggo at agad na silang natunton. Fck sayang yung pera na pinambili nila nang mga gamit at yung pinambayad sa pag renta. Now she needs to plan where to bring Dark. Her other co-agents are working their butts off to hunt down and locate the person who wants Dark dead. All she needs to do is to make sure na buhay itong uuwi pagkatapos ng gulo.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang naidlip pero agad siyang napadilat nang may madinig siyang mga taong naglalakad. When she look at Dark ay tulog na tulog pa ito kaya agad siyang tumayo at dahan dahang lumapit sa lalaki.

"Dark, hoy dark." Mahinang gising niya dito. And when he open his eyes ay tila nagulat pa ito nang makita siya kaya agad niya itong sinenyasan na tumahimik.

Pinakiramdaman niya ang paligid at agad na relax ng tila lumampas sa kanila ang mga tao. It seems like they are just by passers. Or baka mga taga roon na napagdesisyonang mangaso.

When she look at Dark ay doon niya lang napansin na subrang lapit nang mukha niya dito at tila kanina pa ito titig na titig sa kanya. Isang dangkal lang ang layo nang labi niya sa labi nito at nakaluhod siya sa harap nito habang nakahawak ang isang kamay niya sa balikat nang binata.

"Sorry." She said at lalayo na sana nang hilahin siya nito na siyang dahilan nang pagkatumba niya at paglapat nang mga labi niya sa labi nang gulat na binata.

Putangina

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon