Dark's POV
"Damn it." He said bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang bodyguard niya.
"Oh."
Agad siyang napapikit dahil sa inis sa paraan nang pagsasalita nito. Napaka walang galang talaga. Mula pa kaninang umaga ay badtrip na siya.
"Where the hell are you?"
"Somewhere."
"Fck aren't you gonna guard me? Ikaw lang ang bodyguard na hindi nakasunod sa binabantayan niya." Singhal niya.
"Busangot na mukha, naka blue na necktie, nakatayo at nakaharap sa labas nang building holding a black fancy pen on the left hand." Sabi nito describing him. "I am good kung saan man ako naroroon Mr. Jones, I don't need to be next to you to guard you." Walang emosyon nitong sabi naikinabuntong hininga niya. Sumabay naman sa kanya ang babae kanina pero bigla itong nawala pagkapasok niya sa kanyang opisina.
"Nasa cctv room ka?" He said. Pero agad siyang napayuko nang may laser dot na puwesto sa may puso niya. "Fck some sniper's gonna kill me." He said pero agad siyang napatahimik ng mag tsk ito.
"Sniper my ass, ako yan. Dami mo kasing tanong. Nasa itaas nang kabilang building ako, binabantayan ka." Sabi nito kaya napatingin siya sa rooftop nang kabilang building and there he saw a figure wearing all black at may hawak na sniper gun na nakatutok sa kanya. "Work your ass now Attorney." Sabi nito bago ito mismo ang pumutol nang tawag.
Naiiling na napahilot nalang siya sa ulo bago umupo sa swivel chair niya. Damn mula nang makilala niya ang babaeng yun palagi nalang sumasakit ang ulo niya. He was about to bite his lips nang maalala niyang naputukan siya ng labi dahil sa babae. Who would have thought that the small figure can punch hard like that. Literal na natumba siya sa lakas nang suntok nito.
His Bodyguard, ayaw niya sana pero mapilit ang ama niya ng tawagan niya ito at para manahimik ang mga to ay umuo nalang siya. At first diskumpyado pa siya sa babae, dahil sino ba ang hindi? Babae siya. Tapos.
Pero wala itong katakot takot makipag barilan at pumatay kung kinakailangan base narin sa unang pagtatagpo nila. But he hated the fact na tila mas boss ito kesa sa kanya. Kagaya kagabi, mas nauna pa itong pumasok sa bahay niya at basta nalang inilagay ang maleta sa gitna ng sala. She also pull out her guns without minding his presence.
Her aura says follow her or you will be dead. Nang sinabihan niya itong sa guest room ito matulog ay umiling lang ang babae at pina akyat na siya ss kwarto niya dahil naiinis ito sa pagiging matanong niya. Like what the hell, nasa pamamahay niya ito pero kung makaasta ay parang ito pa ang boss at may ari ng bahay.
Napatingin siya sa pinto nang may biglang pumasok dun and before he could ask something ay bumunot ito nang baril pero bago paman nito yun maitutuk sa kanya ay may bumaril na dito mula sa likod niya dahil dinig niya pa ang pagkabasag nang salamin.
The guy fall down nang matamaan ito deretso sa ulo kaya gulat na napatingin siya sa kinarorounan ni Sunshine. His phone rang kaya agad niya iyong sinagot.
"Sorry, napuwing ako eh. Sa ulo tuloy natamaan. Tsk balikat lang punterya ko." Sabi nito kaya napanganga siya. "Tsk pasok ka sa secret room mo, at wag kang lalabas hanggat hindi ako kakatok." Sabi nito bago iyon binaba.
Without hesitating ay agad siyang pumasok sa secret room niya na walang mag aakala na mayroon ang opisina niya. And while his inside ay dinig niya ang ingay sa labas na tila may hinahalughog sa opisina niya at ang mga putok nang baril.
He grab his license gun at agad iyong itinutok sa pinto nang bumukas iyon. At agad siyang napahinga nang malalim nang makita ang walang emosyon na mukha ni Sunshine habang ngumunguya nang bubble gum.
"Lika na." Kaswal nitong sabi bago tumalikod.
And when he comes out ay agad siyang napasimangot nang makitang basag ang glass wall ng opisina niya at may tatlong lalaki ang duguan na nasa sahig.
"What the hell." He said.
Sunshine looks at him so bored at agad nitong pinalobo ang bubblegum tsaka iyon pinaputok.
"Sorry boss, na excite lang." she said bago nito kinuha ang sniper gun nito at tila bagot na bagot na tumingin sa kanya. "Tara na, baka may dumating pa na mga reporter."
Napailing nalang siya bago lumapit dito. Habang nakasakay sa elevator ay tumingin sa babae at agad napailing nang makitang kawalang paki nitong itsura.
"Sino ang kukuha sa mga bangkay sa opisina?" He ask.
Humikab ito bago siya tiningnan. "Mga kasama ko. Sila nadun ang bahalang magpaliwanag sa mga pulis." Simpleng sagot nito.
Tumahimik siya bago sumandal sa dingding nang elevator.
"Mahirap ba?" Tanong nito kaya napatingin siya dito. "Mahirap ba ang maging punterya ng mga halang ang kaluluwa? Sino naman kaya sa mga kalaban mong kaso ang nagpapapatay sayo? " Seryoso nitong tanong.
"I don't know. Madami sila, lahat malalaking sindikato."
"Hmm, buti nalang mga api ang pinagtatanggol mo. Dahil ayaw kong maging bodyguard nang isang tao na halang na kaluluwa ang denidepensahan sa hukuman." Sabi nito.
"I don't support evil Sunshine."
Sinamaan siya nito ng tingin bago nagsalita. "Sun itawag mo sakin."
"Tomboy ka?"
"Eh kung barilin kita ngayon gusto mo?" Kaswal lang ang pagkakasabi nito pero sapat na ang walang emosyon nitong mga mata para umiling siya.
"I want a normal life." He said to change topic.
"Sa propesyon mo? Mahirap yan bossing. Takaw gulo ang trabaho mo."
"Same as you. Why did you choose that job anyway when you're a woman."
"May problema kaba sa kasiraan ko? Kagabi ka pa ah." Inis nitong sabi.
"Im just asking geez."
"Tsk. Eh sa ito gusto ko. Mas kinahiligan ko ang baril at martial arts kesa sa makeup at barbie."
He stare at her. His bodyguard is actually a beauty. Matangos na ilong at kulay brown na mata. Itim na itim na buhok na laging nakatali at morenang balat.
"Pag yang mata mo ayaw akong tantanan sa kakatitig, may paglalagyan yan." She said na ikinakurap niya.
"'May I remind you that I am your boss Sunshine." Asik niya dito at tiningnan lang siya nito na tila dalawa ang ulo niya bago sumagot.
"Paki ko naman."
Damn this girl.