Katatapos niya lang makipag usap sa boss niya patungkol sa kaso ni Dark. Hanggang ngayon ay di parin nahuhuli ang taong gustong ipapatay si Dark kaya wala parin siyang release order na pwede na silang bumalik sa manila.
Hindi naman mahirap ang trabaho niya kumapara sa mga katrabaho niya. All she needs to do is to make sure na ligtas ang binata hanggang sa mahuli ang gustong magpapatay dito.
But as days passed by ay nababahala siya. Dark is starting to be annoyingly adorable sa mga mata niya. Hindi na ito masyadong nakakainis kaya kinakabahan siya.
"Sunny ang asawa mo." Agad siyang napakurap sabay tingin sa may pinto.
Nakatayo doon si Mercy at bakas ang pag aalala sa mukha.
"Ano?"
"Ang asawa mo dali." Sabi nito bago tumalikod kaya agad siyang napasunod dito.
Paglabas niya sa bahay ay agad niyang nakita si Dark na may kasuntukan.
Putangina!
Dali dali siyang lumapit sa mga ito at walang takot na hinila si Dark.
"Putangina kang lalaki ka, akala mo kung sino." Sigaw ng kaaway ni Dark kaya napatingin siya sa mga ito.
May kasama itong apat na lalaki na parehong nakangisi.
"Ano hong problema?" Tanong niya habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Dark. "Bakit niyo pinagtutulungan ang asawa ko?" Tanong niya.
"Asawa? Asawa mo yan? Pwes miss para sabihin ko sayo, nilalandi niyan ang girlfriend ko." Sabi nito sabay turo sa babaeng naka swimsuit na nakataas ang kilay sa kanya.
"Asshole, hindi ko nilalandi ang girlfriend mo. Yang girlfriend mo ang lumapit sa akin at binigay ang number niya kahit diko tinanong." Malakas na sabi ni Dark bago siya tiningnan. "Do you really think ipagpapalit ko ang asawa ko sa girlfriend mong mukhang starfish?"
Dinig niyang may natawa dahil sa sinabi ni Dark.
"Gago ka ah." Sabi ng lalaki at susuntukin sana si Dark nang unahan niya ito at agad itong napaupo sa buhangin sa lakas nang suntok niya.
"Sinta." Dark said at ito naman ang humawak sa kanya na tila inaawat siya.
"Anong karapatan mong saktan o suntukin ang asawa ko ha? Putangina bat ka nagagalit eh totoo namang mukhang starfish yang girlfriend mo. Sa gwapo ng asawa ko ang lakas ng loob mong pag bintangan siyang nanlalandi sa girlfriend mong di naman kalalandi landi ang itsura." She said bago iwinaksi ang kamay ni Dark na nakahawak sa kanya.
Agad niyang nilapitan ang babae na nanlalaki ang mga mata na napaatras.
"Miss wag kang feeling ha. Hindi type ng asawa ko ang mga lamang dagat. Magsama kayo ng boyfriend mo dahil bagay naman kayo. Dikya siya at starfish ka naman. Magsi alis na kayo bago ko kayo pagapangin pauwi. Alis!" Sabi niya at dali dali namang umalis ang mga ito.
Once they're gone ay hinarap niya si Dark na may namumulang panga. Mukhang nasuntok pa ito. Pero ang lalaki ay nakangiting nakatingin lang sa kanya.
"Anong nginingiti mo ha?" Taning niya ng lapitan niya ito bago hinawakan ang mukha nito. "Tangina bat ka nagpasuntok?"
"Lima sila sinta, mag isa lang ako."
Agad na nangunot ang noo niya. "Tangina, yan kasi wag kang lumabas ng bahay nang di ako kasama."
"Sorry sinta."
"Tsk. Uwi, nang magamot ko yang mukha mo bago pa yan maging pasa." Masungit niyang sabi.
"Yes sinta. Uwi na tayo." He said bago siya inakbayan.
Inirapan niya ito bago nagpatuloy sa paglalakad. At tila walang nakitang mga kapitbahay na nakikiusyo sa kanila.
Tsk.