Chapter 24

3.5K 140 32
                                    

Amoy sunog. Yun agad ang naamoy niya nang bumaba siya sa first floor. He woke up alone at mukhang hindi na siya ginising ng girlfriend. 

The moment he gets inside his kitchen ay si Sunshine agad ang nakita niya na tila galit na nakatingin sa maitim na bagay na nasa plato. 

"Sinta?" tawag niya dito at agad naman itong tumingin sa kanya. Kita niya ang pamumula ng mukha nito na tila nahihiya. "What happen?" he asks nang makalapit  siya dito. 

Hindi ito sumagot kaya sinapo niya ang mukha nito, "what happen?"

Ngumuso ito bago itinuro ang maitim na bagay sa plato. "Natusta ko ang itlog." mahina nitong sabi.

Tiningnan niya ang nasa plato. "Itlog yan?" he ask na umani ng hampas mula dito kaya napatawa siya. 

"Nakakainis." sabi nito at aalis sana sa pagkakahawak niya kaya niyakap niya ito. "Gusto kitang gawan ng breakfast." sabi nito. "Pero wala akong pag asa sa kusina." 

Napangiti siya bago hinalikan ang noo nito. "Sinta alam mo namang sa ating dalawa eh ako ang mas maalam sa gawaing bahay diba? I appreciate that you wanna make me breakfast but I dont mind making it everyday for us."

"Pero babae ako Dark, I should know how to cook for you."

"Just love me, yun lang ok na ako."sabi niya bago humiwalay dito at tiningnan ang kamay nito. True enough may maliit na paso ito sa kaliwang kamay. "Nasaktan ka tuloy."

"Malayo sa bituka."

"But you still got hurt." he said bago hinalikan ang paso nito. "go sit down ako na ang magluluto ng agahan natin." sabi niya bago ito pinaupo sa upuan. 

"Sinta."

"Hmm?" he said habang nakatingin sa loob ng ref, checking what kind of breakfast he would make.

"Kung aayain ba kita ng kasal papayag ka ba?" tanong nito na tila ikinatigil ng mundo niya. 

Napaayos siya ng tayo at napatingin kay Sunshine na nakatingin na sa kanya. 

"W-what?"

Napangisi ito. "Wala."

"May sinabi ka kanina." he said bago ito nilapitan. "You want to marry me?"tila kakapusin siya ng hininga. 

"Naman. Do you think maghihiwalay pa tayo? Na hihiwalayan kita?"kaswal nitong sabi bago hinaplos ang mukha niya. "Mahal kita Dark, at lahat ng mahal ko ay iniingatan ko. I want to keep you Sinta. Forever perhaps."

Napahawak siya sa puso niya, ang lakas ng kabog nito. Ramdam niya ang pangingilid ng luha niya habang nakatitig sa babaeng mahal niya. Sunshine looks at him also na tila siya ang pinaka importanteng tao sa buhay nito. 

"Nagulat ba kita?"tanong nito. 

"Sobra." he said bago ito niyakap. "Sigurado ka ba? Na gusto mo akong pakasalan?"

"Hmm. Ayaw mo ba?" may pagkabahala sa tanong nito. 

Like seriously? Can't she see how in love he is to her? 

"Gusto. Gustong gusto." he said bago sinapo ang mukha nito. "I would love to marry you, pero sinta naman ikaw na nga ang nagtanong na maging boyfriend ako, inunahan mo naman ako sa proposal question mo." reklamo niya na ikinatawa nito. 

"Ikaw ang domesticated sa atin diba? So oo na sa proposal ko?"

"Yes, I will marry you Sinta. Sa kahit saang simbahan, lugar at oras pa." sagot niya. 

Ngumiti ito bago hinalikan ang labi niya. 

"Then let me tell you who I am. Tonight sa Shangrila, 8pm meet me there and wear a suit." sabi nito na ikinataka niya.

 "I want you to know the real me bago kita dalhin sa simbahan at pakasalan."she said bago siya hinalikan ulit sa labi. "I love you Sinta. See you later." she said bago siya iniwan sa kusina at lumabas ito ng bahay niya. 

Bago paman niya ito mahabol ay nakaalis na ito sakay sa motor nito. 

Sunshine.

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon