Chapter 10

3.5K 127 8
                                    

Napangiwi siya nang maramdaman ang hapdi sa gilid ng labi. Fucking shit hindi pa nga masyadong magaling ang isang putok sa labi niya ay nadagdagan na naman.

After that kiss ay suntok agad ang sumunod mula kay Sunshine na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Where are we?" Tanong niya dahil kanina pa ito tahimik.

They ride a bus again going some place and now their walking in a seaside. Gabi na pero dinig niya ang tunog ng alon sa dagat at preskong hampas nang hangin.

"Nasa Batangas na tayo. Isang barangay sa batangas na natirhan ko dati." Kaswal nitong sabi. "Bilisan mo." She said kaya agad siyang tumabi dito.

Sa loob nang bus na sila kumain at bumili ng damit na maisusuot dahil tanging bag na may pera at dokumento lang ang dala niya habang backpack na puro baril at bala naman ang dala ng dalaga.

They stop in one house na nakaharap sa dagat.

"Tao po. Mang Lando, tao po." Sunshine said at agad na may matandang lalaki ang nag bukas ng pinto.

"Sunny." Masaya nitong sabi ng makita si Sunshine. "Ang tagal bago ka nagawi dito ah."

"Pasensiya na po, naging busy po sa manila. Ito nga po pala ang asawa ko si Ibrahim, sinta siya naman si Mang Lando ang barangay captain sa sugar na to." Sunshine said bago siya pinandilatan ng mata.

Napabuntong hininga siya bago ngumiti sa matanda. "Magandang gabi po."

"Ay kay gwapong bata mo iho. Ikaw Sunny ha, kaya pala ayaw mo sa mga lalaking nanligaw sayo dito dahil magandang lalaki pala ang gusto mo."

Tumawa si Sunshine bago yumakap sa braso niya at isinandal pa ang ulo sa balikat niya.

Papasa talaga itong artista.

"Parang ganun na nga po. Pero mang Lando yung bahay ko po ba eh bakante pa?"

"Abay oo iha. Malinis din yon. Lagi kong pinapalinisan sa mga anak ko kada linggo. Sandali kukunin ko ang susi." Sabi ng matanda bago ito nagtungo sa kwarto.

Di naman nagtagal ay lumabas ito sabay abot ng susi kay Sunshine. Agad silang nagpaalam at nagtungo sa bahay ng dalaga na apat na bahay lang ang layo sa bahay ni Mang Lando.

Sunshine open the house na gawa sa pinaghalong kahoy at kawayan.

"Tuloy ka." Sabi nito kaya pumasok din siya sa bahay.

"Bahay mo to?"

"Hmm. Isa sa mga bahay ko. NPA ako , no permanent address kumbaga. Kung saan ako may hinawakang trabaho eh doon ang magiging tirahan ko."

"Anong trabaho ang meron ka dito?"

"Smuggling ng droga. Dito nila binabagsak ang mga droga na dinedeliver sa manila. I stayed here for almost a year bago namin nahuli ang mga sindekato."

Tumango siya bago tumingin sa nag iisang kama sa bahay na yun. Isa lang ang kwarto at isang kama. Tas kawayan na sala set at mesa at upuan sa kusina. May maliit na ref din doon at paglulutuan na de gasul.

"Sa kama ka." Sabi nito.

"Paano ka?"

"Sa kama din. Subukan mo lang na gapangin ako, si San Pedro na ang kakagisnan mo." Sabi nito na ikina iling niya.

Pumasok ito sa kwarto at sumunod siya. May kinuha ito sa isang cabinet na plastic box bago siya pinaupo sa kama.

Gamutin natin yang sugat mo." Sabi nito bago umupo sa tabi niya at hawak sa mukha niya. "Sorry dito. Nagulat kasi ako. At first kiss ko yun."

Tinitigan niya ang babae na ngayon ay namumula na. "Wag mo akong tingnan."

"Diko maiwasan ang lapit mo."

"Di pumikit ka."she said bago siya sinamaan ng tingin. "Pikit na dahil baka madukot ko yang mata mo." Banta nito.

"Tsk." He said bago pumikit.

Mahirap na baka totohanin nito ang banta.

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon