"You sure you're ok?" Blaine asks, "We can drive you home bud."
Umiling siya bago lumapit sa kotse niya. After the incident inside the bar ay napag desisyonan niyang umuwi nalang.
"Nah im good, I just remember na mag gagawin pa pala ako." he said at nakakaunawa namang tumango ang mga kabarkada niya bago umalis ang mga ito para bumalik sa loob ng bar.
He open his car and get in.
"Ang tagal mo ah."
Agad siyang napalingon sa nagsalita at nagulat nang makita si Sunshine na nakaupo at nakahalukipkip sa backseat ng kotse.
"S-sinta." mahina niyang sabi bago ikinurap ang mga mata just to see if he's hallucinating, pero nandoon parin ang dalaga na kunot ang noong nakatingin sa kanya. "Sinta!!."
Ngumisi ito bago lumipat sa passenger seat. "Hello Dark, miss me?" tanong nito.
Walang babalang hinila niya ito bago niyakap na ikinagulat nito.
"Damn you, damn you."
"Letse ka rin." sabi nito bago niya naramdaman ang pagyakap sa kanya. "Wag mo akong mumurahin."
Humiwalay siya sa pagkakayakap dito bago sinapo ang mukha nito at pinakititigan ang mukha nito.
"Where have you been? Bat ka nawala sa ospital at ang sugat mo? ok na ba? ayos ka lang ba?" sunod sunod na tanong niya.
"Oa. Ok na ako." Sabi nito bago inalis ang kamay niyang nakahawak sa mukha nito. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nagising nalang ako na nasa ospital ng ahensiya na. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita, nagkakumplikasyon kasi ang pagpapagaling ko. But I am ok now. Kaya ikaw agad ang pinuntahan ko, buti nalang nasundan ko agad ang kotse mo nung papunta ka dito." kaswal nitong sabi.
Pinakititigan niya ito at tila nailang naman ito sa kanya dahil kitang kita niya ang pamumula ng pisngi nito bago ito nag iwas nang tingin.
"Sinta?"
"Hmm?"
"Can you look at me."
Napakagat labi ito bago huminga ng malalim at tila napilitan na tingnan siya. "Bakit?"
"Thank you. Thank you for saving my life." he said. "Thank you for putting your life in danger just to save mine."
"Sus ikaw nga ang nagsave sa akin eh. Kung di mo binaril ang bumaril sa akin eh baka nailibing na ako ngayon."
Huminga siya nang malalim bago inabot ang pisngi nito bago iyon hinaplos. "Hinanap kita."
"Hinanap at pinahanap kita Sunshine Dimagiba pero walang record ng pangalan mo sa kahit saan." he said at bumakas ang pagkabahala sa mukha nito. "Tell me, who are you?"
Tila nagdalawang isip ito bago tila na sumukoat napasandal nalang sa upuan nang kotse.
"Sunshine ang pangalan ko. Sunshine Flores." she said.
Ngumiti siya bago isinandal ang ulo sa balikat nito na ikinagulat ng dalaga.
"D-dark."
"Kahit ano paman ang pangalan mo, mananatili ka paring sinta ko." he said. "You know I realize something nang makita kitang duguan."
Sinilip siya nito kaya umayos siya nang upo at tinitigan ang mga mata nito.
"Narealize kong nahulog ako sa maton na babaeng nagpanggap na asawa ko."he said na ikinalaki ng mga mata nito.
"Yes sinta, I fell. I fall inlove with you at ikinatakot ko na baka dimo marinig yun."
Napakurap ito at bakas parin ang gulat sa isiniwalat niya.
"So I am telling you now. Mahal kita Sinta."