Galit, yan ang nararamdaman niya ngayon habang nakaupo at kaharap ang taong binayaran niya para hanapin si Sunshine. Umuwi lang siya para kunin ang mga importanteng dokumento eh pag balik niya sa ospital ay wala na si Sunshine. And that was two months ago.
At sa loob ng ilang buwan ay nagbayad siya ng mga tao para hanapin ang dalaga pero tila nawala ito parang bula.
Nakabalik na siya sa manila but he's not taking any case hanggat hindi niya nakikita ang dalaga.
"I'm sorry sir, pero mukhang itinago talaga nila ang katauhan ni Miss Dimagiba. There is actually no Sunshine Dimagiba sa kahit anong plataforma ng gobyerno. NSO, Lisensiya ay wala po talaga kaming mahanap." sabi ng taong binayaran niya para hanapin si Sunshine.
Bumuntong hininga siya bago tumayo at naglakad sa opisina niya. "Try to dig deeper. You may leave." sabi niya at agad naman itong nagpaalam.
He look outside the busy street of his glass wall at napaisip. Who is hiding sunshine? Bakit ganun ang mga report na lumalabas sabi nga ng tauhang binayaran niya. Heck is Sunshine even her name?
Tiningnan niya ang teddy bear na nasa ibabaw nang mesa niya bago iyon nilapitan at hinawakan ang malambot na kamay. A smile appear on his face when he remember na kahit sa bingit ng kamatayan ay ang teddy bear na to ang huling habilin ni Sunshine sa kanya. He didn't even got a chance to see her eyes open again.
Pag nalaman at nakita niya lang ang mga taong nagtago kay Sunshine ay ipapakulong niya talaga. Fuck, walang araw na hindi siya nag aalala kung ok na ba ito. Kung gising na at kung may komplikasyon ba ang sugat nito.
For two months walang sandali na di ito pumapasok sa isip niya kaya nga hindi siya humahawak ng mga kaso dahil alam niyang wala doon ang focus o atensiyon niya.
"Where are you sinta?"tanong niya sa teddy bear na para bang sasagot iyon sa kanya.
Napahinga siya nang malalim bago umupo sa swivel chair niya. Might as well make himself busy bago pa siya mabaliw sa kakaisip sa dalaga.
He may not take some new case but he is also a businessman at may mga negosyo din siyang pinapalakad katulong ang mga kaibigan niya. He holds the legal works of their business and he's making sure na walang loophole ang mga iyon.
Being too busy reading some documents ay hindi niya namalayan na gabi na. Kung hindi lang siya kinatok ng secretary niya ay di pa niya mamalayang alas sais na pala. His secretary bid goodbye to him and after thirty minutes ay tsaka palang siya natapos sa ginagawa.
He fix himself and texted his friends to meet him up in a bar at agad namang pumayag ang mga ito. He needs to make his mind occupied at maybe drink some alcohol para makatulog siya agad pag uwi.
When he arrives to the bar ay nandoon na ang mga barkada niya at nag iinuman na ang mga ito.
"Yo whats up attorney." Bati ni Chazer sa kanya.
Nakipagkamay siya sa mga ito bago umupo sa tabi ni Blaine na busy sa cellphone nito na mukhang katext ang girlfriend nito.
"How was everything guys?" he asks. Mas matanda siya sa mga ito kaya parang kuya siya nang barkada.
"All good." Leroy answer. "Ikaw ang kamusta. Nahanap muna ang Sunshine mo?" Tanong nito habang may malaking ngisi sa labi.
He told them everything that happens to him, maging ang paghahanap kay Sunshine ay sinabi niya din para tulungan siya nang mga ito.
"Still searching." he said sabay inom nang alak.
"Tsk, well to ease your mind, do you want a girl to fuck tonight?" Adam ask at agad itong nakatanggap ng batok mula kay Klaine. "What the hell, inano kita?"tanong nito kay Klaine.
"May asawa na yang si Attorney gago." Klaine response.
"You mean imaginary wife?" Blaine said na ikitawa ng mga ito.
"Gago, wag kami porket masaya love life mo." he said na ikinangisi lang nito bago ito nakipagtext na naman sa girlfriend nito.
Magsasalita sana siya nang biglang nagkagulo sa baba ng bar, nasa second floor kasi sila for privacy.
"What happened?" Leroy asks at lahat sila ay tumayo at dumungaw sa baba.
Ganun nalang ang pagtigil ng mundo niya ng makita ang babaeng dalawang buwan na niyang hinahanap. At may kasuntukan ito.
"Fuck!." he said bago dali daling bumaba ignoring his friends calling his name.
"Sinta." sabi niya sabay hila sa babae sa braso.
"Sinta? I am not sinta."
Napatingin siya sa babae at nahinuhang hindi si Sunshine ang nahawakan niya. "I'm sorry." he said bago ipinalibot ang tingin sa paligid.
At ganun nalang ang panlulumo niya ng hindi niya makita ang babaeng laman ng utak niya.
Shit, am I hallucinating?