Dark's POV
Agad siyang napabaling sa katabi niya nang sumandal ang ulo nito sa balikat niya, nang tingnan niya ito ay tulog na tulog na ang dalaga kaya umayos nalang siya nang upo at hinayaan ito.
After they left his house ay sa terminal nang bus sila dumeretso. Hindi nito pinagamit ang sasakyan niya dahil mag cocommute daw sila. And now here they are riding a bus to go to baguio. And this is his freaking first time to ride a public bus.
Nasa gilid nito ang backpack kung saan naroon ang pera at at ibang importanteng gamit niya kaya umayos siya nang upo at pinilit na matulog tutal mahaba pa naman ang byahe at madaling araw pa. Yung bahay niya? Sabi ni Sunshine mga kasama nadaw nito ang bahala ang importante ma ialis siya sa lugar na yun.
——————————
Sunshine's POVAgad niyang idinilat ang mga mata nang maramdaman ang pagpatong nang ulo nang katabi sa kanya. Dahan dahan siyang umayos nang upo bago ito tinitigan. Napakaamo nang mukha nito, kahit bakas ang kasungitan pero gwapo parin.
Huminga siya ng malalim bago nag iwas nang tingin dito at tumingin sa labas ng bus. She still remember how her boss told her to hide Dark. Hindi lang basta bastang tao ang nabangga nito. Anak ng pinakamakapangyarihang drug lord ang napakulong nito at ngayon nga ay tinutugis ang binata. Sabi ng boss niya ay binayaran nang ama ng binata ang buong ahensiya para lang masiguro ang kaligtasan ng anak nito. She will keep him away from those people who wanna hurt him while her co-agents will hunt down the people who wants him dead.
She look at his bag and open it at agad na kumuha nang pera mula dun. Tsk puro tig lilibo ang mga bugkos nang pera nito na sa tingin niya ay halos isang milyon base narin sa tig isang libo na nakabungkos. Sa edad nitong trenta'y singko eh bilyonaryo na ang binata, maliban sa pagiging kilalang abogado nito ay may sarili din itong negosyo na talaga naman subrang successful sa ibat ibang panig nang asya at europa.
Nang makakuha nang isang libo ay agad niyang isinara ang bag bago pumikit ulit, malapit na sila sa bus stop at kailangan niyan bumili nang pagkain nila nang binata dahil matagal tagal pa ang byahe paakyat ng bagyo. Isa din sa dahilan kaya sila nag bus dahil ayaw niyang mag drive. Yes tinatamad siyang mag drive kaya ito sila ngaun naka bus lang. Buti nalang di na nagreklamo ang katabi niya.
Makalipas ang dalawang oras ay nakasimangot na nakatingin siya sa binatang tulog parin. Peste nakabili na siya nang mga pagkain pero tulog na tulog parin ito.
"Tsk ang dali mong patayin dahil sa pagiging antukin mo." Bulong niya bago inis na pinisil ang ilong nito para di ito makahinga.
Agad siyang napangisi nang habol nito ang hininga habang masama ang titig sa kanya.
"Are you gonna kill me?" Galit nitong sabi.
"Hindi, ginigising lang kita." Kaswal niyang sabi at gusto niyang mapahalakhak nang lalo itong sumimangot.
"Fck I almost suffocate because of what you did." Reklamo nito pero wala siyang paki.
Tinitigan niya ito bago walang emosyon na nilahad ang pagkain dito. "Kumain ka na." She said.
Tila nagdadalawang isip pa ito kaya ikiniling niya ang ulo bago nagsalita. "Gusto mong subuan pa kita?" She said na umani nang sama nang tingin nito.
Tila ito batang inapi nang kinuha nito ang pagkain na binili niya at nagsimulang kumain. Nakaapat na subo na ito nang tumingin sa kanya. Gone the mad expression in his face and eyes.
"Kumain ka na?" Tanong nito kaya umiling siya. Nakakaaliw titigan ang mukha nito. "Bakit hindi pa?" Tanong nito.
"Ikaw muna bago ako." She said na ikinatigil nito at ikinataka niya nang mamula ang tenga nito. "May sakit ka ba? Bat namumula yang tenga mo?" She ask pero mahinang nagmura lang ito bago iniiwas ang tingin sa kanya.
Problema nang lalaking to?