Dark's POV
Parehas silang nakatingin sa gate kung saan sila bumaba ni Sunshine nang makarating sila sa baguio. Apartment complex ito na may malaking placard na for rent.
"Peste ang tagal buksan."
Bulong nang kasama niya bago nilakasan ang paghampas sa gate dahil wala namang doorbell dun.
"Ay jusko mga bata wag niyo paglaruan ang gate ko." Sabi nang isang matandang babae na siyang lumabas at nang makita sila ay dali dali itong lumapit sa kanila. "Ay anong maipaglilingkod ko sa inyo?"
"May bakante pa po ba?" Tanong ni Sunshine kaya tinitigan sila nang matanda. At teka nga kailan pa bumait ang boses nang babaeng to?
"Naku meron pa ining. Hali kayo pasok kayo." Galak na sabi nang matanda bago sila pinagbuksan nang pinto. "Ay ano ba ang mga pangalan niyo?"
"Sunny po at ito naman si Ibrahim asawa ko." Sunshine said na ikinalaki nang mata niya at di lang yun ngumiti ito. Ngiting natural at hindi ngisi.
"Ay buti naman at mag asawa kayo. Isa nalang kasi ang apartment na bakante tas studio type pa." Sabi nang matanda bago nito binuksan ang isang pinto sa pinakahuling bahagi. "Ako nga pala si Luz pero tawagin niyo nalang akong nanay luz. Ako ang may ari nang apartment na to." Sabi nito bago sila pinapasok sa loob nang apartment.
Maliit. Yun agad ang naisip niya. Walang mga gamit at walang kwarto. Pero may isang banyo at maliit na kusina. Fck paano sila magkakasya dito? Eh mas malaki pa ang library niya sa bahay niya dito.
"Ok na ba sayo ang lugar sinta?"
Sinta?
Sinamaan siya nito nang tingin kaya tumango nalang siya baka bugbugin pa siya nito mahirap na.
"Sige po kukunin namin to nay." Sunshine said bago ito humawak sa braso niya at isinandal pa ang ulo sa balikat niya na siyang dahilan kung bakit nagtaasan ang mga balahibo niya. "Magkano po ang upa?"
Ngumiti ang matanda bago sumagot. "Ay four thousand lang ang buwan ining, tas two month sa deposit at one month advance. Libre na ang bayad sa tubig pero may sariling metro kayo nang kuryente."
Tumango si shine bago naglakad sa likod niya at kumuha nang pera sa bag. She then handed the money to the old lady.
"Nay saan po pala ang ang palengke dito at mga bilihan nang gamit?"
"Ay ituturo ko ning, isang sakayan lang yun dito. Asan na pala mga gamit niyo?"
"Bibili po kami nang mga gamit nay. Maarte kasi tong asawa ko gusto niya mga bago ang mga gamit namin." Sunshine said na ikinangiti nang matanda.
"Hala sige ituturo ko na sa inyo at sakayan para makabili na kayo nang mga gamit niyo. Ay ito pala ang susi nang apartment niyo. Lilinisin ko narin to habang wala kayo para di niyo na kailangang linisin to pagbalik niyo." Nay luz said bago sila sinamahan sa sakayan nang jeep. Sinabi din nitong maari silang umarkela nang jeep sa bayan dahil baka madami ang mga mabili nilang gamit.
"Asawa ha?" He said to Sunshine na ikinasama nito ng tingin.
"Oh problema mo dun? Alangan namang sabihin kung magkapatid tayo eh ang layo nang itsura natin. Isa pa magtatago tayo, kailangan nating magpanggap."nakasimangot nitong sabi kaya napatawa siya dahil halatang napipikon ito.
"Wala namang problema dun sinta." He said bago ito kinindatan.
"Isang kindat pa at talagang dudukutin ko yang mata mo." Seryosong sabi nito kaya napaayos siya nang upo.
And the whole time na papunta sila sa palengke ay di na siya nito kinausap at nanahimik narin siya, baka pag nagalit ito ay baril na ang kumausap sa kanya.
——————-
"Fck ang sakit nang likod ko." He said pagkatapos maipasok ang mini ref na nabili nila.For the first time in his life he step in a market, at ganun nalang ang gulat niya dahil ang mumura nang mga bilihin. They bought a bed, tv, small fridge, cooking equipment , utensils, plastic table and chairs, mga panlinis sa sahig, balde at tabo. At syempre mga damit nila.
And all of that didn't even reach fifty thousand.
Napatingin siya kay Sunshine nang humiga ito sa kama bago tumingin sa kanya.
"Mag luto ka." Utos nito kaya agad siyang napasimangot.
"Pagod ako, can we just order some pizza?"
Sumimangot ito. "Order order, magluto ka."
"Im fcking tired shine." He said bago umayos nang upo sa sofa.
Magsasalita pa sana ito nang biglang may kumatok sa pinto. When he open it ay nakangiting mukha ni Nay luz ang andon at may bitbit itong mga tupperware.
"Oh sa inyo na, alam kung gutom kayo. May kanin na din diyan. Pa welcome ko sa inyo dito." Mabait nitong sabi at bago paman niya maabot iyon ay may kamay nang nauna sa kanya.
"Naku salamat nay, talagang gutom na gutom na kami nang asawa ko." Sunshine said at nakangiti na naman. Artista ba tong babaeng to?
Nagpaalam ang matanda kaya agad niyang isinara ang pinto. Nang tingnan niya si Sunshine ay nagsimula na itong kumain.
"Hoy tirhan mo ako." He said bago umupo sa harap nito.
"Oh." She said bago iniumang ang kutsarang may pagkain sa kanya. "Nganga." Utos nito at kahit gulat sa ginawa nito ay ngumanga siya at isinubo ang pagkain.
Good lord what the heck.
And the whole time they're eating ay sinusubuan siya nito, ok not in a sweet way dahil tila laging masama ang loob nito pag inuumang nito ang kutsara sa kanya. Napakatakaw talaga nang babaeng to.
Nang matapos silang kumain ay walang salita itong nag ayos nang mga food supply nila sa maliit na ref habang siya ay nilagyan nang beddings ang kama. He also put all the pillows and blanket on top of the bed and arranged the kitchen. Nang matapos sila ay pagod na humiga siya sa kama at pipikit na sana nang maramdaman niya ang titig nang dalaga.
"Aalis ako." Sabi nito kaya napabangon siya.
"Saan ka pupunta? Sasama ako."
Umirap ito bago ibinigay ang isang baril sa kanya. "Dito ka lang, may kukunin lang ako saglit." She said bago tiningnan ang hawak nitong baril at kinasa iyon. "Wag mung buksan ang pinto hanggat hindi ako yun. I'll knock three times and say Sinta. Code natin yan kaya wag mong kalimutan."
"Sasama nalang ako." He said pero sinamaan siya nito nang tingin.
"Dito ka lang. babalik ako agad." She said at tatalikod na sana ito nang hawakan niya ang kamay nito na ikinalingon nito sa kanya.
"Mag ingat ka." Mahinang sabi niya dito.
Ramdam niya ang ilang segundo nitong pagtitig sa kanya bago ito tumango at walang salitang umalis.
Damn it