Chapter 14

3.4K 144 21
                                    

Agad siyang napailing ng makita si Dark sa dalampasigan at kausap ang mga kapitbahay nilang mangingisda. Sa halos tatlong linggo nilang paninirahan sa munting barangay na ito ay sanay nang makihalubilo si Dark sa mga tao.

Minsan nga ay nakikipag inuman pa ito. Sumama din itong mangisda pero di na naulit dahil sa sunburn na natamo nito. So far so good naman ang sitwasyon nila. Di sila naghihikahos sa hirap dahil sa dami ng perang dala ni Dark.

"Dark." Tawag niya dito at naglingunan naman ang mga kausap nito at si Dark sa kanya.

"Yes sinta?"

Gusto niyang mapailing dahil sanay na sanay itong tawagin siyang sinta. Na kahit silang dalawa lang ang mag kasama ay sinta parin ang tawag nito sa kanya na hinayaan nalang niya.

"Gutom na ako." She said.

Tumango ito bago humarap sa mga kausap nito.

"Usap nalang tayo mamaya mga pre, pagluluto ko muna ang misis ko." Sabi nito sa mga kausap. "Di kasi ito kumakain pag diko luto." Sabi pa nito na ikinatawa ng mga kausap nito at ikinapula niya.

When Dark walks next to her at inakbayan siya ay agad niya itong kinurot na ikinaaray nito at ikinatawa ng mga nakakita sa ginawa niya.

"Kainis ka." Sabi niya pero ngumisi lang ito.

"Bakit? Totoo naman ah. You love my cooking sinta." Mayabang nitong sabi na ikinairap niya lang dahil totoo naman.

She loves his cooking. Masarap itong magluto at masarap panoorin.

"Sinta do you have an idea how much is fishing boat around here?" Tanong nito nang magsimula na itong mag luto na ikinakunot ng noo niya.

"Probably 25-50,000 pesos. Bakit mo tanong?"

"I was just thinking na bigyan nang regalo ang mga kapitbahay natin. I mean kanina nung nag usap kami ng mga mangingisda, nalaman ko na karamihan sa kanila ay hinuhulugan pa ang mga bangka nila. Yung iba naman ay nakiki arkila lang. Total may pera naman ako kaya bakit hindi ko sila bigyan diba?" Kaswal nitong sabi.

Napatitig siya dito bago napangiti.

"Mapapasaya mo panigurado ang mga kapitbahay natin." Sabi niya.

Nilingon siya nito bago ngumiti sa kanya.

"But how are gonna do it without compromising our situation? Ayaw ko namang matagpuan na naman tayo ng mga gusto akong patayin." Sabi nito.

Bumuntong hininga siya bago nag isip.

"Si Mang Lando." She said bago lumapit kay Dark. "Kausapin natin si Mang Lando. Sabihin nating magpapamigay ang boss mo ng mga bangka at ang lugar nato ang napili. Gawin nalang nating anonymous kunyari at si Mang Lando lang ang makakaala para di umabot sa kung sino."

Tumango ito bago siya hinila at hinalikan sa noo na ikinagulat niya.

"Ang galing at talino mo talaga." Sabi pa nito.

"Namimihasa kana Dark." She said na ikinatawa nito.

"Di ka naman nagagalit."

Inirapan niya ang binata bago ito tinalikuran bago pa nito mapansin amg pamumula ng pisngi niya. Letse.

"Sinta."

"Oh?"

"Mag saing kana. Ako na nga nagluto sa ulam ako pa din ang mag sasaing? Wag mo naman akong kawawain sinta. Asawa mo ako, hindi mo ako boy." Drama nito na ikinalaki ng mga mata niya at ikinahalakhak nito ng makita ang reaksiyon niya.

She didn't respond to him, instead she open a drawer in kitchen at pasimpleng ipinakita ang baril dito at pinahiran iyon.

"Sabi ko nga, ako na mag sasaing sinta. Upo kana don. Baka mapagod ka."

I Do or DIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon