Two

3 0 0
                                    

Around 10ish nang matapos ang isinagawang Freshman Walk ng mga Freshies lead by their Seniors. Sa pagli-libot, Akira remembered yung sinabi ng Mom niya about doon sa gamit na kukunin sa office of the registrar. Buti nalang ay nadaanan kanina ang building kung saan ito located kaya madali nalang para kay Akira na puntahan ito. Gusto pa niya sumama kay Jayden para sa naputol nilang catch-up kaso, feel niya need na niya 'yon kunin before mag start yung class.

"I just remembered, may dadaanan pala ako sa office of the registrar." With matching turo ng thumb patalikod kung saan naka-locate yung building. "Ikaw ba? Nakuha mo na yung gamit mo na sagot ng school?" 

"Yeah, kanina bago mag freshman walk. Dinaanan ko kanina sa registrar," Sabay pakita nung malaking clear envelope na may laman na dalawang textbooks, notebook for note taking, ilang pens, spare papers and rulers for him kasi required sa course niya.

Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip na daanan sa registrar kaninang bago pa mag welcome walk? Lutang so much, Kira?

"Okay lang ba na mauna na ako?" Much to her dismay, kailangan na nila mag part ways. Susulat ka, kaibigan! Charot.

"Sure. Ahh, can we meet tho? Like sa hapon after ng classes?" Nag-aalangan na tanong ni Jayden.

"Oo naman. I'll message you if tapos na ako for the day," Akira smiles. He hesitated. Para namang others itu. It's actually nice na nagkita sila ulit. Sana on the long run ng pagiging schoolmates nila, hindi man classmates, wala pa rin mag bago sa turingan, sa isip-isip ni Akira.

With that, saka pa lang tuluyan na naghiwalay at inasikaso ang mga kailangan asikasuhin.

Akira would be lying if she says na hindi niya na-miss si Jayden. Truth is, na-miss niya ito. A lot. Bilang mag best friend for 4 years, na miss niya yung bond nilang dalawa. Yung mga kalokohan nila sa ibang mga kaibigan, yung asaran, everything. Sa two years na nag daan, Akira never really reached out to anyone. She was alone. Kaya ganon na lamang ang takot niya na pumasok sa kolehiyo, knowing what she had been through noong senior high siya. Mahirap. Sobrang hirap.




Sumilip muna siya sa pinto ng office sa pinto bago kumatok. Nang makita na senyasan siya ng isang tao sa loob, doon lang siya tuluyan na pumasok sa loob. "Good morning po," Bati niya.

"Akira anak. Come," Banggit sa kanya ng isang babae na she knows too well at lumapit sa table nito kung saan busy siya mag ayos ng mga gamit na naka clear envelope, katulad ng hawak ni Jayden kanina.

A smile came across Akira's face nang tawagin siya nito. "Tita ninang, Hi!" Agad na nag-mano si Akira pagka-lapit niya sa lamesa nito na ikina-tuwa naman ng kaniyang tita ninang.

"Naku, I'm so happy to be seeing you around the campus starting today!" Kinuha nito ang kamay ng dalaga at niyug-yog ng kaunti out of excitement. "So how are you? Kamusta kayo nila Mom mo?" 

"We're okay naman, tita ninang. Actually first day rin ni Sai sa school niya today," 

Her tita ninang let out a smile, a smile that screams she longs to be with her best friend's two daughters na tinuring niyang parang anak niya. Hindi kasi ito biniyayaan magkaroon ng anak, kaya she longs for the feeling kung ano ang pakiramdam magkaroon ng sariling dugo at laman mo. Nonetheless, hindi naman ito pinag-kait ng kaniyang kaibigan- ang mama nila Akira sa kanya. In fact, halos magka-tuwang ang mama nila at ang kanilang tita ninang sa pagpapalaki sa kanila since their father is an OFW abroad.

Kaya hindi na sila iba sa kanilang tita ninang.

"Aww, I would love to sit and catch up with you sa favorite natin na cafe tatlo. Hopefully, one of these days, maka dalaw na ako ulit sa inyo nila Mom mo. I miss you girls so much," Halos maiyak-iyak nitong sambit. Bilang isa sa may mga matataas na posisyon ang tita ninang nila sa university na ito, naging busy ito simula nang mag announce na start of classes na this September. Kaya hindi nagkakaroon ng time na dumalaw at mangamusta.

Unintentional AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon