One

6 0 0
                                    

College. Sabi nila sa kolehiyo nagsisimula ang lahat. Simula na ng totoong buhay. Simula na ng totoong hamon bilang isang estudyante. Sa totoo lang, medyo natatakot si Akira sa kanyang unang araw sa kolehiyo. Natatakot siyang harapin ang kung ano mang parating, at mas natatakot alamin kung anong nakahanda para sa kaniya. 

Bandang alas sais ng umaga nang simulang katukin ng kanilang ina ang pinto ng kwarto ni Akira. Tama, alas sais talaga, kahit 8:30 pa ang simula ng unang klase niya sa unang araw niya sa unibersidad ng kanilang probinsiya. "Maaa~" Angal nito. "Ang aga aga pa," 

Noon pa man ay ganito na talaga kaaga ang dapat na gising nilang magkapatid, her mother knows too well na mas marami pa ang itu-tunganga ni Akira kaysa sa pagkilos. Sino ba namang hindi? Right before opening your eyes siguro halos lahat naman tayo magbibigay ng ilang minuto sa pag tunganga habang sinusubukang alalahanin ang naging panaginip, or nag-ooverthink sa kung anong pwede mangyari buong araw.

Hindi nag tagal nang makarinig uli ng isa pa, ngunit mas malakas na katok si Akira sa pinto ng kwarto niya, "Ate! Bumangon ka na daw sabi ni Mama," Sigaw ng kapatid niyang si Saiko sa kabilang banda ng pinto.

"Oo, gising na" Bumaling muna ito sa gilid niya kung saan naka pwesto ang isang cat tower. Kahit pikit pa ang isang mata sa antok, tanaw niya ang kanyang pusa na si Yoda na mahimbing pa 'rin ang tulog. Napa ngiti siya bago hinimas iyon.

Lazily, Akira shifts from the bed para tumayo at mag hilamos sa cr para naman mahimasmasan ito. Dahil tatadyakan na talaga ng Mama nila ang pinto ng kwarto niya kung hindi pa siya nakabangon sa mga oras ngayon. This isn't some story na dadalhan ka ng 'breakfast in bed' ng Mom mo with a smile on her face kemeru tulad ng sa ibang movies. Beh, totoong buhay 'to so, walang ganun na ganap.

Pupungas-pungas pa si Akira ng makababa ito sa dining area nila at umupo sa tabi ng kapatid na agad namang nilapit ang plato sa harap niya. "Do you have to wake us up this early, Ma?" Hikab niya with matching pagi-inat.

"Nako, Akira Venn paniguradong mas marami ka pang itu-tunganga kaysa sa iki-kilos mo ngayong umaga. Hindi ka pwede ma-late kasi first day mo sa University," Their mom speaks habang pigil naman ang tawa ng kapatid niya. "'Wag kang tumawa, Saiko Avnee ha, ikaw 'rin isa ka pang mabagal kumilos"

 "'Wag kang tumawa, Saiko Avnee ha, ikaw 'rin isa ka pang mabagal kumilos"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

First day 'rin ng kapatid ni Akira na si Saiko sa eskuwela niya ngayon. She's currently in Senior High School kaya next school year ay nasa kolehiyo na 'rin siya. Bilang ang college university na pinasukan ni Akira ay isang eskuwelahan na sagot ng gobyerno ang tuition fee ng mga estudyante pero may kailangan silang i-maintain na grade, kaya ang kapatid niyang si Saiko nalang ang iniintindi ng kanilang mga magulang when it comes to paying tuition fees kasi siya nalang naman ang naiwan sa private school.

"Bilis-bilisan ninyo. Akira, tumawag ang tita ninang mo, pinapasabi na ang mga gagamitin mo raw sa university tulad ng ilang textbooks at ibang materials ay kukunin mo sa office of the registrar, i-pakita nalang daw yung resibo mo noong nag enroll ka nasa'yo 'yon hindi ba?" Sunod-sunod na sabi ng Mama niya habang tango lang ang naibigay na sagot ni Akira. "'Wag mong iwa-wala 'yon ha" Isa pang tango.

Unintentional AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon