Five

3 0 0
                                    

Magkasamang kumakain ng breakfast ang magkapatid na Akira at Saiko. Naunang natapos ang Mama nila kumain sa lamesa kaya umakyat na ito para mag-gayak. Paano naman kasi, it's morning kaya for'da tulala at tsismisan ang ganap sa magkapatid today. It's Saturday kaya wala silag aalalahanin na male-late sa school.

"Alam mo, feeling ko it's meant to be" Confident na sabi ni Saiko sa Ate niya with matching pagturo ng kutsara na gamit nito sa pag kain ng all-time-favorite niyang Kelloggs Corn Flakes. (This is not sponsored C̶H̶A̶R̶E̶T̶!̶) 

"Meant to be ka diyan. Grabe ha!" Scandalous ng very very light ang reaction ni Akira sa sinabi ng kapatid. "Issue ka. Nagkataon lang siguro,"

"Ahh basta, gusto ko makita at makilala 'yang Dwayne na 'yan ha,"

"At bakit, aber?" Kunot noo na tanong ni Akira sa kapatid.

"Para naman makilala ko ang future brother-in-law ko," Sabay tawa nito ng malakas sa naging itsura ng Ate niya.

"Sira! Hindi ko jojowain. Hibang ka ba o ano?"

The dining area was filled with laughter sa sunod-sunod na kantiyawan at lokohan ng magkapatid. Hindi mapagka-kaila na close talaga sila. Aba siyempre ano, da-dalawa na nga lang sila. In short, they only have each other. 

Natigil ang asaran ng magkapatid nang bumaba ang Mama nila na naka bihis pang alis. Sabay silang napatingin sa kaniya.

"Aalis po kayo, Ma?" Tanong ni Akira habang umiinom sa bowl ang natira niyang gatas sa cereal.

"May ibang bibilhin at kukunin yung pinadala ng tatay mo na kahon. Saiko ang tagal tagal mo diyan, i-iwan na ba kita?" Tugon ng Mama nila. Si Saiko kasi ay hindi pa'rin tapos at masyadong nina-namnam ang gatas kaya hindi matapos-tapos. "Sasama ka ba, Kira?"

Around this time of the year ang kadalasang panahon na nagpapadala ang Papa nila ng box. May mga laman iyon na mga damit, de lata, ibang pagkain, sapatos, at ang hindi mawawala sa mga pinapadala na galing sa ibang bansa- chocolates. Bata pa man ay hilig na nina Akira at Saiko ang sumama sa tuwing kukuhanin ang padala ng kanilang Ama. 

Hindi man kasing pantay ng excitement na nararamdaman tuwing susunduin ang Papa nila sa airport tuwing December, they're still excited for they know it's from their Dad. Gusto sanang sumama ni Akira pero... 

"Pass muna po. Magtatapos ako ng take home activities," 

Napa-shrug nalang tuloy ang Mama nila. "O siya sige, ikaw ang bahala. Mag-isa ka 'rito, papuntahin mo kaya si Jayden para may kasama ka?" Suhestiyon nito.

Sa lahat ng naging kaibigan ni Akira throughout her life, si Jayden ang pinaka-kasundo, at panatag ang loob ng Mama niya kapag kasama ng anak niya ito. Bukod kasi sa halos si Jayden lagi ang kasama ni Akira buong panahon na Junior High School siya, naging pagkakataon ito na mas makilala siya ng pamilya ni Akira. Nakita ng Mama niya na matino at maganda ang impluwensiya nito sa kanyang anak. Sabi nga sa kasabihan, tell me who your friends are and I'll tell you who you are.

Nakarating naman na si Jayden sa bahay nila Akira bago pa man umalis ang kanyang Ina at si Saiko. Nasa harap ngayon si Akira ng kaniyang laptop at naka puwesto sa dining table, habang si Jayden naman ay nasa living room. "Aalis na kami, Kira ha? Kayo na ni Jayden ang bahala dito," Paalam nito habang sina-sakbit ang bag sa balikat.

"Opo, Ma"

"Ingat po kayo, Tita" Kaway ni Jayden bago bumalik sa pags-scroll sa TV ng pwedeng mapanood sa Netflix.




Lumipas ang ilang oras at nakatapos 'rin sa wakas si Akira sa mga ginagawa niya. Matapos i-ligpit ang gamit, tumabi ito kay Jayden sa living room sofa not before fetching a bag of chips sa shelf nila sa pantry. "Ano 'yan?" Pag tukoy niya sa palabas.

Unintentional AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon