The student's vacation went by as if it was like a blink of an eye. The first semester of their 2nd year in college is starting. Akira and Saiko are just waiting for their to-go order of Iced coffee at their usual McDonald's branch.
Sa parehong university na 'rin pumapasok ang Kapatid ni Akira na si Saiko Avnee, 1st year Psychology student naman ito. Bit-bit na ang kapeng inorder nilang dalawa, they both travelled to the university na.
The University was packed with students, new faces to be exact. Most probably and karamihan dito ay 1st year students.
Hindi nahirapan si Akira na hanapin ang mga kaibigan na sina Luna at Rover. Dahil malayo palang silang dalawa ay dinig na ni Akira at Saiko ang boses ni Rover na nakikipag-tawanan kay Luna sa usual puno slash meeting place nilang tatlo. Para nga naman mabilis magkahanapan.
"Hindi ko na kailangan ng tracker para mahanap kayo, bunganga palang ni Rover kaya ko na kayo i-locate," Bungad ni Akira sa dalawa.
"Ito talaga kamong tao na ito, grabe. Alam mo minsan iniisip ko kung bakit magkaibigan tayong dalawa eh," Natawa si Rover. "NAMISS KO KAYO, TEH!!!" Sabay yakap nito kay Luna at Akira.
"Huy! Welcome sa'yo dito sa university!" Pag tuon ni Luna ng pansin sa kapatid ni Akira na kasama niya.
"Hala, oo nga 1st year na pala ang kapatid mo shutacca! Anong course mo beh?" Tanong ni Rover habang pinapaypay-an ang sarili dahil init na init ito.
"Psychology po,"
"Ay hala, Psychology!" OA na sagot ni Rover. "Sigurado ka na ba sa pinasok mo? Kasi kami, hindi na!"
"Ay, si OA naman!" Sabay tawa ng tatlo sa kaibigan.
"Siyempre joke lang ano ka ba! Saka ka na magpaka-stress kapag 2nd year ka na,"
"Oo, tama. Chill pa yang 1st year tignan mo," Pag sangayon ng mga kaibigan ni Rover sa sinabi. " 'Wag ka lang hahanap ng ikaka-stress mo katulad ni Ate mo- Aray!" Hablot ni Akira sa damit na suot ni Rover.
Kasalukuyan naman silang tinatawanan ni Saiko.
She knows. If there's anyone na alam ang pinagdaanan ng Ate niya recently, it's her. Not Luna or Rover, not Jayden- but Saiko. Hindi lang siya pala-kibo, but she notices things. After All, she was an observer. Which sometimes, it helps her. It is her type of coping mechanism.
Saiko then found the banner of their program held up high by one of the students, where her supposed classmates are. Nagpaalam na ito sa Ate at dalawang kasama nito upang pumunta sa mga kaklase.
"Si Ate naman, maka-hatak sa damit ko, OA" Sabay ayos ni Rover sa slightly magulo niyang damit.
"Huy, bago 'yan!" Hagalpak ng tawa si Luna.
"Ay bago pala!" Natawa na 'din si Akira. "Okay lang 'yan, love naman kita"
BINABASA MO ANG
Unintentional Attraction
Teen FictionWhere a freshman college student entered her first day in their provincial university. Her university life isn't going to be as boring and hard as she thought it would be. Things will unexpectedly turn around when an Incident she never knew she woul...