Dala-dala ang mahigpit na ipinag-bilin ng Ate Caila niya na Strawberry Cheesecake, binay-bay ni Dwayne ang huling kanto papunta kina Akira.
Tila hindi maipaliwanag ang nararamdaman nito, ngayong pupunta siya na alam niyang andiyan ang Ama nito. Ni ang Ina nga ni Akira ay hindi niya pa nakikita in person, ano pa kaya ang-
"Sino ang hanap nila?" Tanong ng isang lalaking nasa mid-40s with a slight stubble visible on his face.
Lumunok muna si Dwayne bago mag salita. "Magandang araw ho. Ako ho si Dwayne Alvera, kaklase ho ni Akira. Eh kauuwi lang ho kasi ng Ate ko galing Baguio nakisuyo ho na ibigay ito sa kaniya"
"Ahh gano'n ba? Halika pumasok ka muna,"
Ramdam ni Dwayne ang malamig na pawis niyang dumadausdos sa batok at sentido niya na agad niyang pinunasan.
"Venniepot, may bisita ka!" Medyo malakas na boses na tawag ng Ama kay Akira mula sa ibaba ng hagdan.
Pinigilan ni Dwayne na matawa sa kung paano tawagin ng Ama ang kaniyang panganay na anak. Pfft, ang cute!!
"Saiko, maki daanan mo nga si Ate mo sa taas at makisabi na may bisita siya." Utos ng Ama nang dumaan si Saiko sa livingroom galing kusina kasunod ang Ina.
Agad na tumayo si Dwayne upang batiin ang isa pang nakakatanda. "Magandang araw po. Dwayne Kenzie Alvera po, kaklase ni Akira" magalang na nag mano ito katulad ng ginawa niya sa Ama ni Akira kanina nang makapasok sa kanilang pamamahay.
"Kaawan ka ng Diyos," ngiti ng Ina nito.
BINABASA MO ANG
Unintentional Attraction
Teen FictionWhere a freshman college student entered her first day in their provincial university. Her university life isn't going to be as boring and hard as she thought it would be. Things will unexpectedly turn around when an Incident she never knew she woul...