Where a freshman college student entered her first day in their provincial university. Her university life isn't going to be as boring and hard as she thought it would be. Things will unexpectedly turn around when an Incident she never knew she woul...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gumising si Dwayne na naka terno na pang tulog. Navy blue long sleeves with brown checkered lines, and shorts with the same pattern. Napa-hawak siya agad sa ulo niya nang maramdaman ang biglang pag sakit nito. Tangina, wasted malala.
Dahan-dahan siyang lumabas ng pinto ng guestroom ng condo ni Ian, kinu-kusot ang mata sabay napa hawak sa ulo nang pumintig ito.
"'Yon, gising na!" Dinig ang boses ni Ian mula sa sofa kung saan sila naka-upo nila Charlse at Marco na tulala pa'rin habang pinapanood ang mga kaibigan mag laro ng Xbox.
"Good morning naman sa'yo ano?" Tumawa si Andrei nang makita ang itsura ni Dwayne sa kusina kung nasaan siya nagka-kape. Magulo ang buhok nito at maga ang ilalim ng mata sa eye bags.
Instead, Dwayne groans making his way sa isa sa mga high chairs ng Island table sa kitchen na naka harap sa living room. "Ang sakit ng ulo ko!" Pag reklamo nito.
"Ayan, ayaw mo paawat kagabi. Lagok kung lagok sa mga iniinom, samu't-saring chix pa tume-table sa'yo," Sabay tawa ng malakas ni Charlse. "Isa ka pa," Humarap pa ito kay Marco para mabatukan. Wala na nga itong imik mula pa kanina sa pag gising, nabatukan pa.
"Gago, ang dami kong DM galing sa mga babae kagabi" Natatawa niyang sambit. A glimpse of what happened last night, sa lahat kasi sa kanila, kay Dwayne ang panay nilang dikit. Mayroon namang naha-hatak sila Charlse, pero hindi kasing dami ng kay Dwayne na tatlo agad. Sabi naman kasi sa'yo hihinahon ka eh.
Parang nag liwanag ang mga mata ng mga kaibigan nito. "Patingin!" Nag takbuhan pa nga papunta kung saan naka upo si Dwayne sa kusina. Kahit si Marco na nags-space out ay napa-tayo para maki-usiyoso sa Twitter inbox ni Dwayne.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.