Twenty One .5

0 0 0
                                    

Meanwhile, in the middle of scanning out the SP paper na kanina pa kinabi-busy-han ni Dwayne, the doorbell to the main door rang. Ilang minutes lang ay sinagot ito ng isa sa mga caretakers ng bahay.



"Hi, is Tita Christine home?" Agad na pinapasok ang nagma-may ari ng boses na iyon. Bitbit ang kaniyang Kate Spade na hand bag.



Nagtama ang mga mata nina Hailey at Dwayne na nakaupo sa breakfast table na may laptop at busy sa sarili niyang mundo. Tinanguan niya lang ito bago umupo si Hailey sa recieving sofa kung saan niya hihintayin si Christine, occasionally glancing at Dwayne na busy sa pag type sa laptop at tila hindi mapakali na panay tinitignan ang phone.



"M&M's, Hailey"



Alok ni Dwayne sa kaniya sa candies na nakalagay sa bowl katabi niya. You could say na pangpa-sipag niya ito sa mga gagawin niya.



Bago pa man makasagot si Hailey ay biglang sumulpot si Christine sa living room.



"Andito na pala si Hailey- Hi iha!" Pag beso niya sa dalaga. "Nako, im sorry I can't do the plan that's set for today. Kasi yung business partner namin, last minute nagpatawag ng meeting at nagkaproblema sa transaction ng isang product. I feel so bad na hindi kita nasabihan agad sana hindi ka na tumuloy"



Palit-palit ng tingin si Dwayne between sa mommy niya at kay Hailey.



"No, tita it's okay. I understand naman po."



"If you want, you can stay here nalang. Nandiyan naman si Caila at saka si Dwayne maiiwan,"



"Okay po, tita."



"Nako I'm so sorry talaga, ijah" nanghihinayang ang tono nito. "Osiya, Dwayne. Aalis na kami ng daddy mo, maiwan ko na kayo ha"



"As you always do, Mom" Dwayne sighs habang patuloy pa'rin sa ginagawa sa laptop. Napatawa naman ng mahina si Hailey na ngayon ay nakaupo na kaharap niya sa breakfast table.



"Ay nako" bahagyang iling ng kaniyang ina.



Once the door closes, "Totoo. They're always gone, business trip, out of town conferences, meetings on the last minute. Sinong hindi masasanay?"



Hailey was surprised that Dwayne was talking to her. The last time she checked, ni hindi nga siya nito ma-kibo. He's in a good mood maybe?  "They're still your parents. They only want the best for you and your sisters."

Unintentional AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon