Tahimik ang sasakyan sa pag punta nina Marco at Dwayne sa Starbucks. Kapansin-pansin na tahimik si Dwayne habang nag da-drive, when usually ito ang unang magsasalita sa ganitong sitwasyon. Nakapatay pa ang radio kaya mas lalong nakabi-bingi ang katahimikan.
Marco hesitated na mag salita. Kinakabahan siya na baka marami lang itong iniisip at bigla nalang mag snap kapag tinanong niya pa ito. Pero sadyang makulit 'ata talaga ang lahi nila kaya guess what coconut, nag tanong parin si tanga. He cleared his throat muna bago mag salita. N̶a̶k̶a̶k̶a̶h̶i̶y̶a̶ n̶a̶m̶a̶n̶ k̶u̶n̶g̶ p̶i̶-̶p̶i̶y̶o̶k̶ p̶a̶ s̶i̶y̶a̶. "Okay ka lang ba, Kenzieboi?"
Napataas ang kilay ni Dwayne at huminga ito ng malalim. Hindi naman na ito bagong issue sa kanila ng Mom niya, and his friends know it too well kaya hindi na kailangan itago pa ang kung ano mang bumabagabag sa kaniya. Umiling ito ng bahagya, "It's the same issue with Mom. Nakakapagod lang," Binaba ni Marco ang phone niya at nakinig sa kwento ng kaibigan.
Dwayne told him about the issue, even about the slight talk back nito sa kaniyang Ina. Signaling the car for a right turn, agad naman silang naka hanap ng parking spot pagka-pasok nila sa vicinity. Apparently, ang likod ng Starbucks branch na pinuntahan nila ay isang malaking event's place kaya dayuhin ng maraming tao. Buti nalang at may nahanap sila agad na parking space.
On the other hand, nakatapos na sila Akira ng dalawang Movie. Nagba-browse nalang si Jayden ngayon ng mga videos sa YouTube habang si Akira naman ay pinaglalaruan ang buhok ng kaibigan niya, tuwang-tuwa na ini-ipitan ito.
"Aray, ang higpit naman!" Reklamo nito.
Tinapik ni Akira ang kamay ni Jayden dahil sinusubukan nitong tanggalin ang hair tie. "Hindi naman, maarte ka lang- 'Wag sinabi hawakan Jayden Kade pagka-kulit mo!"
"Mahigpit Kira promise!" Hindi siya pinansin ni Akira at patuloy pa'rin ito sa ginagawang pag ipit. Nilagyan niya pa ito ng i-ilang piraso ng hair clips para cute. "Pag ako na-kalbo," Ang OA ha.
Natawa si Akira at the thought of kalbo si Jayden. Half of the 2nd movie nang maisipan ni Akira na ipitan ang grown out na hair ni Jayden. Fetching her Sanrios and cute hair clips sa kwarto niya at wala nang nagawa si Jayden kung hindi ang umupo sa lapag na nakatalikod kay Akira.
Natapos na at lahat ang 2nd movie na pinapanood nila pero hindi pa siya tapos sa buhok ng kaniyang kaibigan.
Habang nags-scroll sa YouTube ang ngayo'y nagdudusa na si Jayden, bigla siyang nag crave for Frappuccino kaya napa-iktad ito at humarap bigla kay Akira. "Hindi pa tapos-"
"Starbucks tayo!" At parang nag sparkle ang mga mata niya sa pag sabi.
Nakakahawa na 'ata ngayon ang pagc-crave at parang nahawa si Akira sa pag crave ni Jayden. "Tara! Bihis lang ako" Natutuwa nitong banggit at binigay ang hand mirror sa kaibigan. "'Wag mo na tanggalin ipit mo, bagay sa'yo"
Nanalamin ito at nan-laki ang mga mata nang makita kung gaano karaming hair clips ang nasa ulo niya. Para na siyang hairclip na may konting Jayden. "No way, Kira!"
BINABASA MO ANG
Unintentional Attraction
Teen FictionWhere a freshman college student entered her first day in their provincial university. Her university life isn't going to be as boring and hard as she thought it would be. Things will unexpectedly turn around when an Incident she never knew she woul...