On that same day, night falls. Napagka-sunduan ng circle of friends ni Dwayne na magkita-kita ngayong gabi. Driving papunta sa venue, approximately a 15 to 20 minute drive mula sa house nila. And by means of kita-kita, in their term, booze is involve. Kaya naman kahit labag sa loob ng Mom ni Dwayne ang lumabas ngayong gabi, matigas ang ulo niya at umalis parin ito.
Finally finding a parking space na kasya ang kanyang Honda Civic. Pagka-patay ng makina, the continuous buzz of his phone signalling may mga messages siya. His friends are flooding their GC, tinatanong kung nasaan na siya. Isang tawa ang pinakawalan ni Dwayne habang pababa mula sa kotse.
Agad naman siyang umakyat papunta sa bar sa taas na may live band para i-meet ang friends niya.
They agreed to meet on this spot where most bars and live bands were held. MWF ang schedule ng live band sessions where you can request a song by writing it on a piece of tissue paper para kantahin nung band sa harap. Sa taas ito located, spacious at open air, which means fresh air from labas ang malalanghap rito once na umuhim ang hangin. Also a perfect spot sa mga tao that likes smoking while drinking. Sa baba naman nito ay isang convenience store para sa mga sober at gustong mahimasmasan after hard drinking.
Hindi naman siya nahirapan sa pag hahanap sa mga kaibigan niya, nakapwesto ito sa may far end ng bar pero sa may gilid. Parang veranda style ang lugar, kaya doon sila bumanda sa may gilid para open air at pasok sa kanila ang hangin.
"There's our college dude!"
"Kenzieboiiii!!!!"
Naging maingay ang table ng apat niyang kaibigan dahil sa pag dating niya. They were whooping and cheering as if isang celebrity ang dumating. Well, ganon naman talaga nila salubungin ang isa't isa.
Agad silang nag bro-hug and nag fist bump once makarating si Dwayne sa table kung saan sila nakapwesto. Pinag-bukas siya ng isang bottle ng pilsen, at kapansin-pansin 'din na may Cuervo at ibang drinks 'rin sa table. But Dwayne does not have any plan on getting drunk tonight. Kasi nga It's a school day tomorrow. Oh diba, parang high school lang na may curfew.
Isang malakas na "Cheers!" ang pinakawalan nilang magto-tropa bago lumagok mula sa mga bote at shot glasses nila.
"Kamusta, Kenzieboi. First day huh?" May mapang-asar na ngiti sa mga labi ang isa sa kanila na nag tanong. Dwayne just scoffs as he remembers yung nangyari kanina. First day na first day.
"Mygod, college student na ang isa pang abunjing bunjing ng tropa," Sabay nagtawanan naman silang lahat. Si Dwayne ang isa sa pinakabata sa kanilang magto-tropa. Dalawa sa kanila ay tapos na mag-aral, habang tatlo ay nag-aaral pa rin. Isang 2nd year na, at ang isa naman ay 1st year lang din, kaso sa ibang university sa Manila. Umuuwi ito every weekends, pero mukhang napa-haba ang stay.
Nagkakila-kilala silang lahat noong high school. Mas ahead nga lang yung dalawa sa kanila pero nag click naman silang lahat dahil sa mga pagkaka-pareho nila ng hilig. May mga naging friends din naman si Dwayne from his class noon, pero not as close katulad nitong apat. Yung isang ka-edad niya, sa kabilang section ng same grade level as his noong high school.
BINABASA MO ANG
Unintentional Attraction
Teen FictionWhere a freshman college student entered her first day in their provincial university. Her university life isn't going to be as boring and hard as she thought it would be. Things will unexpectedly turn around when an Incident she never knew she woul...