DELL'S POVNagpatuloy ang meeting habang ako sulat lang ng sulat ng mga importanteng pinag-uusapan
" Mr. Franco..bumabagsak na ang kumpanya ni Mr. Reymuldo "
Halos magtalo na ang mga board of directors sa loob, pero itong si Sir Franco..kalma pero seryoso
" Then we will buy his company..how about that? " sagot ni sir franco
" Pero hindi pa niya yun binebenta Mr. Franco, because he's thinking na yung company niya ay makakaahon pa "
Tumingin ako kay sir na ngayong kumunot na ang noo at bigla na lang siyang nag smirk
" Well Mr. Saameda.. I will make him sell us his company, what do you think? "
Napangiti yung kausap niya at nakisabay na rin yung iba...
Ang weird nila ha, kanina halos mag-away na sila pero ngayon parang tuwang tuwa
" That's our Ceo!..your the asset man! Hahaha"
Sabi nung nasa kaharap niya
" I know, I know "
Ang yabang nito, hindi naman yata masamang maging humble noh? May pa I know I know pa siya
" Use your charm in him Mr. Franco "
Tumango lang si sir at ngingiti ngiti pa siya
Tiwalang tiwala sila sa charm ni sir ah..
Sabagay gwapo naman talaga siya halos nasa kanya na nga ang lahat eh, pero ang gaspang ng ugali
" Well, I think I have to go and talk to him,..so were done here "
Nagsitayuan ang mga board of directors at nakipagkamayan kay sir franco at tumungo na sa pintuan
Napangiwi ako ng may kumindat sa akin na isa sa mga mga board of directors
Kumindat parin siya sa akin ng ikalawang beses at lalapit na sana pero nagtago ako sa likod ni sir franco..habang si sir ay busy sa pakikipagkamayan
Okay..hindi na talaga ako kumportable tsss
Nung napansin nung kumindat sa akin na nagtago ako sa likod ni sir franco..nag smirk muna siya sakin tapos tumalikod na patungo sa pintuan
Yes!! Wala na....makakahinga na ako ng maayos
" Let's go..may pupuntahan pa tayo"
Natauhan ako ng magsalita si Sir Franco at dali-dali akong sumunod sa kanya papasok sa elevator
Ting!
Tumunog yung elevator at lumabas kami ni Sir patungo sa loob ng office niya
" Sit there..I'm just going to make some calls"
Wow ha kung maka-utos para lang akong aso eh
Natapos na yung tawag niya at tumingin sa akin
" You Ms. Ramirez! Make some calls now..." Natataranta akong kunin ang phone ko bwiset naman oh.....
" Eh sir, sino po yung tatawagan ko? "
" Buseto Restaurant..make some reservations! Please make it quick, baka magbago ang isip niya "
Tinawagan ko yung Buseto Restaurant para mag make ng reservations
" Sir, tapos na po "
Lumabas kami ni Sir ng patakbo..ang bilis tumakbo ha
" Sir, teka lang po..ba't tumatakbo po tayo? May emergency po ba?"
Pumasok kami sa sasakyan at binilisan niya ang takbo kailangan ko talaga ng helmet, may balak yata siyang ibangga tong sasakyan eh
" It's more than emergency Ms. Ramirez..now, go out! "
Kailangang sumigaw? Grabe na ha, ang baba talaga ng patience ng lalakeng to
Pumasok kami sa loob ng restaurant
" I told you! Pag sinabi kong bilisan mo bibilisan mo!"
Teka? Ano bang ginawa ko?
" Sir? "
" Look naunahan tayo ni Mr. Reymuldo dahil sa kabagalan mo"
Ako pa talaga ang may kasalanan ha..pwede fair lang na ako at siya ay may kasalanan
Umalis si sir at dumiretso sa reserved table kung saan nakaupo si Mr. Reymuldo habang ako naiwang nanlulumo sa pagsisi ni sir sakin
BINABASA MO ANG
Business matters
General FictionDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...