Part 55

12.5K 220 0
                                    

 

DELL'S  POV

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay tumingin ako sa paligid at walang anino nung dalawa

Asan naman kaya yun nagpunta? Pinadali pa ako ng demonyong yun! Tapos wala naman pala akong madadatnan dito! Bwiset!

Marahas kong binagsak ang katawan ko sa sofa at huminga ng malalim, nakakainis!

"O, iha nandiyan ka na pala?"

"Ahm, manang, asan daw po sila ni deither?"

" Ahh yung mag-ama?"

Kumunot ang noo ko, hindi ako sanay na may nakaalam na iba, at tinawag pa talagang mag-ama tsk tsk tsk

"Manang baka may makarinig po sa inyo"

Ngumiti siya at tumango sakin

"May pinuntahan at galit na galit sayo ang alaga ko, ang tagal mo raw dumating"

"Talaga yung hudas na yun eh! Kinokontrol ako, nakakainis! Ang galing niya ha, ang effective, nakakatakot rin siya"

Umupo si manang sa kaharap na sofa at tumingin sakin ng nakangiti

"Iha, ano ngang pangalan mo?"

" Dell po, ikaw po manang?"

"Tering, tinatawag talaga akong manang tering nitong si deither, kahit hindi yun ang pangalan ko hahaha, lucena talaga ang totoo"

" Paano po, baliw ang alaga niyo eh"

Tumawa siya at sumandal sa inuupuan niya

"Masanay ka na kay deither iha, gusto niya kasing kinokontrol niya lahat ng bagay eh"

Wow lang? hindi ko kayang makisama sa ganyan , hindi ako sanay na may kumokontrol sakin noh! Ano siya? Sineswerte?

"Demonyo talaga manang tering noh?"

Tumawa lang si manang tering sakin at nagpatuloy ang pag-uusap namin

Nabanggit rin ni manang tering na kung makita ni tito Diego si greyson ay baka makahalata rin ito, dahil magkamukhang-magkamukha daw sila ni deither

At yun ang dapat kong iwasan ang makita ni Tito diego, hindi pa kasi niya nadadatnan si greyson eh, kapag kasi pumupunta siya ng bahay namin dati ay nasa skwelahan ito

Dapat mag-ingat dahil wala talaga akong balak ipaalam eh

"Sige na iha, magpahinga ka na at baka mamaya pa uuwi ang mga yon"

 Tumango ako at sinablay ko na ang bag ko at pumunta sa kwarto namin ni deither, aba at hindi talaga niya pinalitan yung password niya ha

Nag- half bath lang ako at may naalala akong papel na kailangan kong basahin, kaya dali-dali akong lumabas ng naka-robe lang at tiningnan ang papel sa bag

"hindi mo ba ako naiintindihan kanina?"

Hindi ko na nilingon dahil alam kong si deither yun at patuloy parin ako sa pagbabasa

Hinimas niya ang dalawang balikat ko, pataas at pababa....kaya kinabahan ako

"know what dell? I hate someone who doesn't obey me"

Inamoy-amoy niya ang magkabilang leeg ko at pati narin yung batok ko kaya umiwas ako at pumunta sa malayo-layong distansya sa kanya

"deither! Hindi ka nakakatuwa!"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang mga balikat ko at kumunot ang noo nito at inalog-alog ako...bwiset! Anong tingin niya sakin doll?

"Ano ba! Nahihilo ako sa ginagawa mo!, bitiwan mo nga ako"

Bintiwan niya ako kaya napaupo ako sa sofa na nasa likod ko...ouch ha? Ang sakit nun

Tumalikod siya at humarap nanaman sakin at ginulo ang buhok niya, problema nito?

"Don't try to disobey me again, or else you won't like the punishment! You know what lady?! Hindi ka naaawa kay greyson! He needs time and he deserves it!"

Napyuko ako, wala akong masagot sa sinsabi niya eh, totoo lahat...onti lang ang nabibigay kong oras

"I'm sorry"

Huminga siya ng marahas at umalis sa harapan ko, pumasok siya sa loob ng banyo

Nagbihis ako ng pantulog at binasa ko ulit yung papel kanina na hindi ko natapos ng dahil kay deither

" Drop that or I'll tear that"

Mabilis ko itong nilapag at tumayo, okay para na akong robot sa kanya, lahat ng utos susundin, nakakabagot! Hindi ako sanay ng ganito!

"Let's sleep, wag na wag kang magdadala ng trabaho sa bahay, get it?"

Tumango-tango ako at sumunod ako sakanya at humiga na kami

Hindi ako makagalaw, dahil naiilang ako na katabi siya, para akong kahoy ditto, ang laki-laki ng higaan pero di ako makagalaw

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon