Part 6

19.8K 319 1
                                    

DELL'S POV

At the bar

Pinalitan ko na yung kumanta kanina pagkarating na pagkarating ko dito sa bar at kinakanta ko yung kanta ng Bee gees na 'how deep is your love' acoustic version request ng mga matatanda sa bar dito

Tapos na ang acoustic jam kaya naman nagpatugtog na ang bar ng party songs at hinahanap ko si jana

Ang sakit talaga sa tenga, gosh...ang dami na ng mga mayayamang mga babae na sumasayaw sa dance floor kaya dali dali akong umalis

" huli ka! Nandito ka lang pala eh, hinahanap kita kanina pa "

Nasa banyo lang pala eh...hinila ko yung kamay niya palabas

" ayokong lumabas dell, ikaw na lang "

" sasama-sama ka pagkatapos sa banyo ka lang pala pupunta?"

Hinila ko siya ng malakas pero kumapit siya sa sink

" wag!!!! Mahal ko ang banyo! "

Napangiwi ako sa sinabi niya, bruha talaga

" seryoso talaga ako jana promise!, " hinila ko pa siya ng todo
" may papakilala ako sayo kaibigan ko, gwapo kasi bakla hahaha"

Ano bang problema nito ba't ayaw lumabas

" ano ba kasi ang kinakahiya mo jana? Buti sana kung butas butas yang damit mo? "

" may tinataguan nga kasi ako dell, yung crush ko hahaha kaya ayaw kong lumabas"

Kumunot ang noo ko crush? Sino?

" ano ka ba naman dell, nakalimutan mo agad? Yung crush ko..si sir"

" oh anong kinakatakot mo? "

" wala"

" yun naman pala eh, tara na kasi"

Hinila ko ulit siya at nagpahila na rin siya at dinala ko siya sa bar counter

" Hi ganda!!! Oh sino yang kasama mo?" Sabi ni jimmy ng papalapit ako sa counter

" ah..siya si jana" binaling ko naman ang tingin ko kay jana

" at jana siya naman si jimmy ang gwapong bakla...crush ko nga yan eh"

" tigil tigilan mo ako jan girl ha! Masamng joke yan, kauri mo ako..baka natotomboy ka na? Sayang ang kagandahan mo tsk tsk tsk"

Natatawa kaming dalawa ni jana sa sinabi ni jimmy 'push mo yan paniwalain mo ang sarili mo na babae ka talaga! Hahahaha'

" eh baka ikaw nga rin naa attract ka sakin aminin mo na kasi jimmy...hahaha"

" hindi ah" sabi ni jimmy habang nagsasalin ng mga inumin

" weh??? Sinasabihan mo nga ako ng ganda eh hahaha..aminin,crush mo rin ako noh? "

" hindi nga ang kulit mo na girl ha!!! Alam mo ba ang tawag dun? Same sex appreciation yun yon, ano ka ba? "

" hahahaha tanggi pa more!!! "

" 1 grape wine please! Yung hindi sweet ha " maaerteng pagkasabi ng babae na halos lumuwa na ang dibdib

Tumalikod na si jimmy sa amin at nagtrabaho na siya

" huy jana? Okay ka lang? Ba't ka ba tago ng tago sa braso ko"

" hindi ako okay, uneasy ako"

Sabi niya habang kapit parin ng kapit sa braso ko

" sino ba kasi yang boss mo? Asan? "

Tumingin ako kung asan siya nakatingin

" ayun oh, pagkatapos ng tatlong lalake tapos may bakanteng upuan, tas siya na yun"

Tumingin ako sa lalake, teka familiar to ah

" siya? Seryoso ka jana? " tiningnan ko siya na halatang nagulat talaga ako sa nakita

" oh? Ba't gulat ka diyan? Gwapo kaya niyan, ang yummy pa hahaha "

" eh ang pangit ng ugali niyan eh! "

" bahala na basta gwapo hahaha"

" ang landi mo jana hahaha"

" as always "

" Hi miss, from the other night "

Tumingin ako sa nagsalita at gusto kong tumakbo papunta sa pintuan para umuwi bwiset na lalake to!!!

" Oh, hi Mr. Alfonso from the other night " sarcastic na pagkasabi ko sa kanya..kaya ko rin makipag plastic noh!

Nakipag shake hands siya sakin at tinanggap ko naman yun

" How do you know my last name? Are you my stalker?...if that's so?...then I'm really glad to hear that "

Napangiwi ako sa sinabi niya..stalker? Sure siya?

Ang yabang!!! Litse

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon