Part 24

12.8K 247 1
                                    


DELL'S POV

Pumasok ako sa opisina ni sir, para ibigay ko sa kanya ang usb

" Sir? Kailangan po ba talagang kasama ako?"

Tumango siya habang pinapasok yung flash drive sa laptop niya para i-check yung ginawa ko

" Eh sir, wala naman po kasi akong passport "

" Don't worry about that"

Wala na yata talaga akong kawala, ayoko na talaga gusto ko ng mag-resign naiilang na ako sa mukha niya

Tumingin ako sa relo ko 5 pm na, kailangan kong umuwi ng maaga dahil magpapa-change na ako ng apelyido magiging Tan na ako, official na rin kami ni jana na ampon ni mom at dad

" Sir, pwede po bang mauna na po ako..urgent po eh"

Kumunot ang noo nito na tumingin sakin

" How urgent is that? "

" Ahh, magpapa-change po kasi ako ng apelyido"

Nagulat siya at tumaas yung kilay niya

" May asawa ka na?"

" hahaha..hindi po sir, adopted na po kami ni Mr. Tan at gusto niya ang apelyido niya ang gamitin rin namin"

" Ahh okay, that's good"

" Po?"

" I mean that's good, dahil may nag-tangka pang ampunin ka......you may leave, don't forget for tomorrow's flight"

Ouch ha! May nag-tangka talaga sasabihin niya?

" Anong oras po ba yung flight sir? "

" 3:30 ng madaling araw"

Tumango ako at lumabas na ng opisina niya at tumungo na ako sa bahay para doon sa lawyer na darating at para na rin makapag-impake ako

" Well look who's here? Goodevening Ms. soon to be Ms. Tan...come join us here"

" Ah..opo"

Ngumiti ako sa kanilang lahat ng nandito sa sala, kinuha ni manang fe ang bag ko at inakyat sa kwarto ko at tumabi ako kay jana na halatang sobrang saya

" Okay! Start na tayo..come on Mr. Lawyer hahahaha"

Tiningnan namin si jana ng sabay-sabay....bruha talaga to eh

" Looks like my sweetie was so excited hahaha " sabi ni dad na nakaharap sa lawyer

" Okay Ms. Ramirez, just sign in here....here...here...and here"

Ang dami nitong papel ha, hinawakan ko ito at kumuha ng ballpen

" And you too Ms. Lim, just sign in here..here...here...and here"

Pumirma din si jana at sabay namin tong binigay sa lawyer ni mom at dad

Tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya samin ni jana

" So congratulations!! You two are Ms. Tan now"

" Yess!!!! "

Nag-apir kami ni jana at lumapit si mom at dad para yakapin kaming dalawa..

" So I guess we need to celebrate! How about that sweetie's? "

Tumango-tango si jana habang ako hindi ko alam ang isasagot ko ang busy ko pa eh

" How about you dell? "

" Mom, dad..kasi po, pupunta po ako ng france baka di po ako makasama sa party"

Umupo ako at huminga ng malalim at tiningnan ako nila ng nalulungkot na mukha

" Pero mom, dad...malapit na po akong mag-resign at maghahanap na lang po ako ng trabaho na magkakaroon pa ako ng oras sa inyo"

" That's good baby!!!. Papag-aralin kami ng Business education in entrepreneurship para ikaw na ang mag-manage ng business ng dad mo dito sa Philippines"

Lumaki yung mata ko sa sinabi ni mommy..talaga?..oh my gash!!!!
dream ko talagang mag-patakbo ng mga business

" And also for jana, we will let her study Business too major in entrepreneurship, para kayo na ang papasahan namin ng business you know were not getting younger hahaha"

Pagkatapos namin mag-usap ay umakyat ako sa taas tapos nag-imapake narin akong ng mga damit at natulog ako ng saglit

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon