Part 23

12.6K 249 2
                                    


DELL'S POV

Humalik ako sa kanilang mga pisngi at nagpahatid ako sa driver papuntang opisina, tumakbo ako papuntang elevator dahil 5 minutes late na ako

Ting!..pumasok ako at bumababa sa 8th floor at pumunta sa desk ko at inayos ko yung appointments ng demonyo kong boss

" Why are you late!!!, alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa employee ko!!? "

Napatingin ako sa kanyang mukha na galit habang nakakunot ang noo at pinagpatuloy ko ang pag-aaaikaso ko sa mga appointments niya na parang walang narinig sa sinigaw niya sakin

" Are you listening or what!!? "

" Nakikinig naman po sir, bakit po?"

" You know what?!! You're irritating me!"

Umalis si sir sa harap ko at pumasok sa impyerno niya de joke lang, sa office niya at sinarado niya ito ng pagkalakas-lakas

Mabuti at di niya ako namukhaan kanina, kinakabahan pa naman ako, baka kasi..alam niyo na, baka na realize niya na ako pala yung ka-ano niya kagabi at baka pagka-gising niya kaninang umaga...mabuti't di niya naalala

Huminga ako ng malalim at kumatok sa pintuan ni sir ng maraming beses....bwiset to ah ginagalit talaga ako eh!!

Pinihit ko ang pintuan at nakita ko ang demonyo kong boss na nakalagay ang kanyang kamay sa gilid ng ulo niya na parang ang lalim ng iniisip...sus! Yan lang naman pala ang ginagawa at di man lang nakasabi ng come in

" Who told you to come in?!!!!"

Grabe ha? Kanina pa siya sumisigaw ah, anong problema ng mokong nato, nakakairita na rin siya actually kung alam niya lang

" Sir, kalma lang..ang aga aga pa eh"

" Don't dare talk to me like that! Employee lang kita"

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at inayos ang scarf ko kung asan nilagyan niya ng mga kiss marks

" Alam ko po sir, may sasabihin po ako tungkol sa nangyari sa meeting noong nakaraang araw"

Tinaas niya yung kilay niya at alam ko na yung ibig sabihin nun kaya tinuloy ko yung sinasabi ko

" Sir, meron po kasi kayong business trip sa France at magtatagal ito ng tatlong araw"

" Really?! "

" Yes sir"

Ngumiti ako ng pilit at lumabas na ng opisina niya

Lumabas si sir ng nagmamadali at babalik nanaman para kunin yung mga bagay-bagay na kailangan niya

Kung hindi kasi sana to nagpakalasing eh de hindi siya ganto ka-busy ngayon....marami akong ginawa habang wala si sir, dahil pinagawa niya ako ng sampung slideshow presentation na gagamitin niya sa pagpuntang France

" Are my reports ready?"

Umiling ako kay sir, dahil kulang pa ako ng 2 slides

" Pakibilisan na lang Ms. Ramirez...dahil bukas na ako pupunta ng france"

Tumango ako at tumungo siya sa pintuan niya pero bago pa ito nasara ay lumingon siya sakin

" Ms. Ramirez, your coming with me in France"

Napatingin ako sa kanya ng may halong takot, kaba at ewan di ko maintindihan..mix emotions

VOTE & COMMENT ♥ :-D

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon