DELL' S POV
" No!, you can't let us get married dad and tito! "
Tumayo si deither at nilagok niya ang wine mismo sa bote at niluwagan niya yung necktie niya at bumuga ng marahas na hangin
" Ano pong pwedeng gawin namin? Yung hindi involve ang marriage? " tanong ko ng mahinahon
" That's what he likes, because his business was involved in a family thing"
Napaisip ako sa pwedeng gawin, ayaw kong mag-pakasal kay deither at ganun na rin siya, ayaw niya ng commitiment, ayaw niya ng babae kaya hindi na ako magugulat sa inasta niya ngayon
" Uhm, dad at tito damian..bibitiwan nalang ho siguro namin si Mr. Vasyl, dahil hindi po namin mabibigay ang gusto niya "
Tumango-tango sila at tumayo para umalis na sa bahay ni deither
" No!!..who told you na bibitawan natin si Mr. Vasyl? "
" Ha? Hindi naman natin mabibigay yung gusto niya eh! "
Tumakbo si deither sa labas para habulin sila dad at nakita ko siyang kinakausap niya si dad at bumalik na papasok sa loob at tiningnan ako ng masama
" Ano? Kasalanan ko nanaman? Ginawa ko lang naman ang tama ah "
" Do you think it's the right thing to do huh? "
Tumango ako, tama ang ginawa ko at yung ang pagkakaalam ko
" Oo, tamang-tama...hindi ka lang ba magpapasalamat sakin dahil tumanggi ako sa kanila? "
Nag-smirk siya sa akin at bigla nanamang tumawa na parang may masamang balak..nakakatakot na siya ha
Napatayo ako dahil lumalapit siya sa kung saan ako nakaupo
" And why would I thank you? "
" Da-dahil hindi ko pinayagang mangyari yu-yung ipakasal tayo......ano ba deither! Ang lapit lapit naman yata nating mag-usap!? "
Unti-unti kaming napunta sa wall dahil sa kaka-atras ko, paano at lapit siya ng lapit sakin at nakuha pa talagang ngumiti
" We're getting married 2 days from now...you should keep that in mind "
" Anoooo!!!! Hindi pwede! Ba------"
Naputol ang pagsasalita ko dahil hinalikan niya ako ng marahas at pinasok niya yung dila niya sa bibig ko at dito ko na siya natulak ng marahas
" Ang bastos mo!!! "
" Hahaha, masanay ka na because you are going to be my wife! But remember this , we are just getting married only in papers and also for this business "
Ito na nga ang sinasabi ko eh, ako pa talaga ang makakaranas sa buhay niyang ewan!!
" Hindi pwede, pipigilan ko, hindi to maaari! "
Inalok niya ako ng wine ng nakakaloko at kinuha ko to para ibuhos sa kanya at ang baliw tumawa pa...tumakbo ako papalabas ng bahay niya
Tumawag ako kay kuya baron ang driver namin at nanginginig ako sa galit na sumakay..bwiset siya! Ang bastos!!
Pipigilan ko ang pekeng kasal na yun!!..hindi dapat pinaglalaruan to dahil totoong buhay nato, hindi to bahay-bahayan!!
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay at pinuntahan si dad sa kwarto nila ni mommy
Tok tok tok
" Come in "
Pumasok ako na kinagulat ni dad
" What do you want sweetie? "
" Dad, ayoko pong makasal doon sa demonyong yun..please? "
Nagmamakaawa na ako, ayokong makihalo sa komplikadong buhay ng lalakeng yon
" I thought you agree, kasi humabol pa kanina si deither samin ni damian? "
" Dad, hindi po prooomisse, wag niyo na pong ituloy please? "
Niyakap ko si dad at umiyak ako para mas maigi yung acting ko hahaha, pero totoo to ha, ayoko talagang makasama si deither, baka pahirapan pa ako nun
VOTE & COMMENT ♥:-D
BINABASA MO ANG
Business matters
Fiksi UmumDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...