DELL'S POV
Napalunok ako at huminga ng malalim..kinakabahan na talaga ako, ba't siya pa ang nakita nitong si greyson, maling-mali to
" So? You are his mother huh? How? " sarcastic na pagkasabi niya
" Simple lang, pinanganak ko siya"
Sumama ang tingin niya sakin at umalis sa harapan ko hawak-hawak parin si greyson at tinungo ang lamesa niya
Naiinggit na ako sa kanilang dalawa kaya kukunin ko na ang anak ko..tumayo ako at pumunta sa table ni deither
" Baby ko, uwi na tayo..miss na miss ka na nilang lahat sa bahay"
" Later mommy, magbo-bonding muna kami ni daddy "
Nakakainis na ha, tawag siya ng tawag ng daddy kay deither.....oo, si deither nga ang totoong ama ni greyson, pero naiinis ako at pinag-tagpo pa silang dalawa..bwiset
" Don't call him daddy greyson..nakakahiya, baka ano pang isipin ng ibang tao"
Yumuko ang anak ko at nagsimula ng umiyak at niyakap niya si deither kaya tumingin sakin ng masama si deither
" Let him..diba wala siyang father? "
" Kukunin ko na ang ang anak ko, iuuwi ko na siya, okay?..kaya ibigay mo na siya sakin "
Tumayo si nathan at lumabas ng opisina at iniwas niya sakin ang anak ko...langya! Pati ang anak ko kukunin niya..no way!
Tumakbo ako ng mabilis at sumakay ng elevator at naabutan ko sila sa car park at hinarap ko si deither
" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? "
Ngumiti lang siya sakin ng nakakaloko kaya napataas ang kilay ko
" Ihahatid sa bahay niyo"
" Kaya ko na..akin na "
Kukunin ko na sana si greyson ng iniwas nanaman niya ito sakin
" Nope, I won't ...pinapaiyak mo eh "
" Hindi ah!! "
Nilagay na niya si greyson sa front seat at dali-dali siyang pumunta sa driver seat at tinanaw ko lang ang sasakyan na papaalis
Langya naman oh!!!...naisahan nanaman niya ako!
Ba't siya pa kasi ang nakakuha kay greyson, hindi na sana ako namromroblema ng ganitoBumalik ako sa office namin ni deither at matamlay na umupo sa upuan ko at yumuko lang ako ng bumukas ang pinto kaya napa-bangon ako
" Asan na siya? "
" I already told you na iuuwi ko siya sa inyo right? "
Pinaikot ko ang mata ko at lumapit siya sa desk ko
" So? Who is his father? "
" Wala ka na dun "
" So you mean nag-hire ka ng baby maker? "
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya..ang kapal naman talaga ng mukha at kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig
" Anong tingin mo sakin? Atat magkaroon ng anak!? "
" You should let him know about his father kawawa ang bata"
" Sa ayokong ipaalam eh "
" You don't care about what your son feels "
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at nagsimula na siyang maglakad papunta sa table niya
Pumatak yung luha ko..oo nga, alam kong totoo yun..at yun yung alam kong mali ko....Ayoko namang bigyan si greyson ng mga magulang na di nagmamahalan dahil mas masakit yun para sa kanya
VOTE & COMMENT ♥
BINABASA MO ANG
Business matters
Ficção GeralDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...