DELL'S POV
Pinark ni deither ang sasakyan sa garahe at tumungo na kami sa bahay niya, nilapag namin ang gamit at may nakita kaming mga maids, isa na dun yung maid na nakita ko ng malasing si deither at ako ang naghatid sa kanya sa kanyang kwarto
Ngumiti ito at kinuha ang gamit namin ni greyson, pero bago non ay tumingin siya sa anak ko at bahagyang nagulat...sigurado akong namumukhaan niya si deither kay greyson, dahil ayon kay nathan magkamukhang-magkamukha daw sila ni deither
" Come here dell may ipapakita ako sayo" sabi ni deither at bumaling siya kay greyson "baby, I'm going to talk with your mommy for a minute okay? "
" What is it about daddy? "
" It's only for adults baby "
Tumingin ako kay deither at nagsimula na siyang umakyat ng hagdan, sinenyasan niya akong pumasok sa kwarto niya
Nagre-replay nanaman sa utak ko ang nangyari saamin ni deither nung lasing na lasing siya....nakahinto lang ako sa gilid ng kwarto ni deither, napatingin ako sa de password niyang bukas na pinto.....ganon parin kaya ang password niya?
Nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko at nang tingnan ko siya ay si manang pala, isa sa mga kumuha ng gamit namin kanina
" Anak ba ni deither ang bata iha? "
Nataranta ako at napahinga ng mabilis..kinakabahan na talaga ako, baka mabulgar ang matagal ko ng tinatago
" Ahh, uhm, hin-hindi po..Ah, ba-bakit po? "
Napangiti ito at tumingin kay greyson sa bars ng second-floor......bridge style kasi yung bahay at titingnan mo ay kikinang sa kintab, ang laki-laki ng bahay pero si deither lang ang nakatira
" Iha? Wag mo ng itago saakin alam na alam ko kung kanino nagmana ang bata at magkamukhang-magkamukha sila ng alaga ko....alam ba to ni deither?"
Napakurap ako at huminga ng malalim, parang wala nga yata akong kawala sa nag-alaga kay deither nung bata pa ito....kabisadong-kabisado niya ang mukha ni deither nung bata pa
" Please po manang, wag na wag mo pong sasabihin ang tungkol dito...please"
Napakunot ang noo niya at tumango, kaya nakahinga ako ng maluwag
" Sige iha, pero sana naman ipaalam mo ang tungkol dito sa alaga ko, dahil oras na malaman niya yun ay hindi mo magugustuhan kung paano ito magalit"
" Dell! "
Napatingin kami ni manang at mabilis na bumaba bago pa kami makita ni deither na nag-uusap na halos bulungan na ang gawin namin
Nagmadali akong pumasok sa loob at tiningnan ko ang paligid ng kwarto niya..pagkapasok ko ay sinarado na niya ang pinto niyang de password...ano kaya password nito? O baka ganun parin?
" Hey, we have rules while were in this crap marriage"
Crap rin sakin to gunggong! Akala mo sayo lang ha?
Pumunta kami sa wall kung saan nakalagay ang printed rules niya
" First, you have to do what I wanted you to do,
Second is, you can't have a suitors while you are married with me, Third is your sleeping in my room,
Fourth is, act as my real wife inside the house,
Fifth is, you have to give me my needs, whenever I want,
Sixth is, you are never allowed to complain"Ang pangit naman yata ng rules niya, eh para sa sarili niya lang lahat yun eh...meron akong hindi naintindihan sa mga rules niya, yung 4th atsaka 5th rule niya
VOTE & COMMENT ♥:-D
BINABASA MO ANG
Business matters
قصص عامةDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...