DELL'S POV
Sinundo kami ni deither gaya ng sinabi niya kagabi at hinatid rin namin si greyson sa skwelahan, kaya kami nalang dalawa ang nandito sa kotse niya
" I really like your son dell, he was something...ang gaan ng loob ko sa kanya"
Tiningnan ko siya at nakita ko kung paano siya ngumiti...tama ba ang desisyon kong hindi ko ipakilala si greyson sa kanya?
Sa tingin ko tama nga..dahil mas masakit na malaman ng anak ko na walang pagmamahalan na namamagitan samin ni deither
Bumaba kami ng sasakyan matapos na i-park niya ito sa car park area at tiningan ko ang mga papeles na nakalagay sa backseat na parang isang building sa dami
" Deither, tulungan mo naman ako dito oh"
Tinaasan niya ako ng kilay at dumiretso sa elevator...hoy!! Langhiya to at wala pa talaga akong plano tulungan!
" Deither, di ko kaya to mag-isa! "
" Kaya mo yan I know that "
" Bwiset!! "
" Oops don't say bad words "
Aba kung makasabi akala mo hindi rin nagsasabi ng badwords eh
Pumasok siya ng elevator at pinidot ang button para hindi sumirado at sinenyasan ako ng, kaya mo yan... Binuhat ko ang mga papel patungo sa elevator at iniiwasan ko itong umalog para di mahulog
" Seryoso ka talaga sa di mo pag-tulong ha? "
" Yeah, I'm always serious"
Ting!
Pagka-bukas ng pintuan ay may nakakita sakin na janitor at nagpresentang siya na daw ang kukuha, sa bigat ba naman nun itatanggi ko pa?
Pumasok kami sa office namin at dumiretso sa kanya-kanyang table..tiningnan ko si deither..tss, poker face nanaman siya, sobrang seryoso
" Yes of course, Mr. Vasyl you are not going to regret that..Thank you so much"
Tumingin ako kay deither pagkatapos nang may tumawag sa kanya kanina
" Dell, we have a new investor and he's going to visit here tomorrow"
" Talaga? " natutuwa kong tanong sa kanya
" Yes, and you have to keep this in mind...every investor must be pleased, kaya we have to know what they want and what they like"
Tumango-tango ako, nakakatuwa rin palang magpa-takbo ng isang business eh hahaha
" Alam na ba to nila dad at ng dad mo?"
" Yeah, at mas nauna pa sila kaysa sa atin..and I'm sure na nalaman na nila ang gusto ni Mr. Vasyl and they are just going to inform us about that "
" Ahh, ganun ba, eh de okay..bawas stress hahaha"
Tumawa ako at nung napansin kong bumalik siya sa kakapirma ng mga papel ay inunti-unti kong winala ang tawa ko
Para akong tanga kanina, ako lang ang tumawa hahahaha
Biglang bumukas ang pintuan at niluwa non si nathan..aba isa pa to, ang kulit hahaha, pero di siya katulad ni deither na seryoso
" What are you doing here? "
Ngumiti lang si nathan sa tanong ni deither sa kanya at dumiretso sa table ko..ano nanamang favor nitong isang to?
Binulong niya sakin na...siya na lang daw ang magsu-sundo kay greyson, dahil may lolokohin daw siyang kaibigan niya na kunwari anak niya hahahah...loko loko talaga tong si nathan, dati niya pa yun ginagawa, at si greyson naman ay sumasakay sa trip ng tito niyang baliw
VOTE & COMMENT ♥
BINABASA MO ANG
Business matters
Ficción GeneralDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...